PART 1

17 3 0
                                    

Noong bata pa ako, mahina talaga ako, malnourished na bata, marami naman akong kinakain pero ewan ko kung saan napupunta yung mga kinakain ko. Kaya yung mga nangbubully sakin dati hindi ko nalang sila pinansin kasi mga bida-bida sila. 

Pero sa totoo lang, sa sobrang hina ko noong bata ako, wala akong kaibigan, kaya binilhan ako nina mama at papa ng aso. Hindi ako mahilig sa hayop pero nagawa kong magmahal ng aso. Pinangalanan ko siyang star, ewan ko kung star ang pinangalan ko sa kanya pero pinangalanan ko siya ng star...Paborito ko kasi ang mga bituin.

Isang araw nagpahangin ako ng kasama si star. Pauwi na sana kami ng may nakita akong mga batang lalaki na nang-aasar ng kapwang batang lalaki.

"Hahahaha...walang ama, kawawa. Hindi ka niya mahal kaya siya umalis". Sabi ng isang batang lalaki.

Alam ko ang naramdaman ng batang lalaki, kaya tinulungan ko siya kasama si Star. Buti na lang takot ang mga batang lalaki sa aso.

"Hello, anong pangalan mo?" Tanong ko dapat makipagkaibigan ako.

"Chad".

At dahil sa araw na iyon, lagi ko siyang nakikita sa playground at dahil sa mabait at pakalakaibigan ako (pagiging sarcastic), lagi kaming nagkakasundo...Niyayaya niya ako kahit saan at dahil nagkaroon ako ng bagong kaibigan nawala ang mga problema ng mama at papa ko dahil kay Chad hindi kami naghiwalay at laging kasama namin si star. Parati kaming masaya. Kontento na ako kami lang tatlo.

At magkaibigan kami hanggang high school. At katulad noong elementary kami, lagi kaming magkasama, at buti nalang at parehas kami ng section.Palagi din siyang pumupunta sa bahay ko halos don nalang siya tumira.

Ang aming pagkakaibigan ay ang pinaghahalagahan ko na kahit na siya ay nakikipagkaibigan sa iba. Natutuwa talaga ako dahil unti-unti na siyang lumalabas sa comfort zone niya.

Ngunit ito ay nasa isip ko lamang...
Isang araw nasa bahay ako dahil walang klase at gumagawa lang ako ng mga gawain.

Nang mapansin kong nawawala si star, hinanap ko ang aking aso ngunit hindi ko siya makita... Doon na ako nagsisimulang mag-alala.

Tinawagan ko si Chad siguro dahil kilala niya si star pero hindi niya sinasagot ang mga tawag ko.

Dahil sa hindi ko ma-contact si Chad, wala akong ibang choice kundi hanapin si star magisa.

Pumunta ako sa mga lugar na pinupuntahan namin,sinusubukan kong maghanap, ngunit sa kasamaang palad, hindi ko nakita si star.

Pagod at nag-aalala, naglakad ako pauwi ng may makita akong asong walang malay sa daan... Hindi... Hindi pwede hindi ko matanggap...

Nang makalapit ako, nakita ko si Star na walang malay na nakahandusay sa kalsada at may dugo sa katawan...

Wala akong pakialam kung may tumingin sa akin na may dala-dalang walang malay na aso...kahit para sa akin masakit ay naglakad parin ako pauwi

Ang sakit mawalan ng unang kaibigan. Ang sabi ko nalang sa sarili ko ay nasa mabuti na kalagayan si star para kahit papaano ay mabawasan ang sakit na nararamdaman ko.

Pagkatapos noon, nangako ako sa sarili ko na pahahalagahan ko ang pagkakaibigan namin ni Chad, pero may iba siyang plano.

Parang yung una ay mabait siya pero ngayon parang wala na siya sa sarili niyang pauugali. Mas marami na siyang naging kaibigan dahil lang sa mayaman niyang step-father hindi man lang niya sinabi sakin, hindi na din siya pumupunta sa amin at hindi man lang siya pumunta sa puntod ni star.

Parang kinalimutan na niya ako at ang pagkakaibigan namin.
Hindi ko na lang pinansin kasi sobrang sakit parin mawalan ng kaibigan kahit aso lang sa mata ng tao pero para sa akin siya yung nagcocomfort sakin pag may nagpapaiyak kaya sobrang nagpapasalamat ako sa aso kong si star...kahit masakit pakawalan siya.

Pero sa tingin ko hindi naman mas malala kung saktan ka ng kaibigan mo.

Hindi ko alam kung anong ginawa ko o bakit nagbago si Chad pero lagi niya akong binubully sa school.
Kahit ganyan si Chad, mahal ko pa rin ang kaibigan ko at hindi ko siya kayang saktan pabalik.

Araw-araw niya akong binu-bully hanggang sa nabalitaan kong lumipat na siya ng school. Hindi na ako nagkaroon ng pagkakataon na makausap at makita siya muli.

Mahirap para sa akin na mawalan ng dalawa sa matalik kong kaibigan, pero kakayanin ko, hindi para sa akin kundi para sa kanila at para sa mga magulang ko...

KaibiganTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon