Lagi Namang Nagsisimula ang High School Stories sa First Day of School

42 3 0
                                    

MR. BOPLAKS'S POV
Kakapasok ko palang dito sa private academy na to, halatang ayoko na dito. Wala manlang chixx. Eh sino na ang magiging inspiration ko ngayon para maging honor student? As usual, si Liza Soberano? Sawa na ako sa mga unreachable girls. Gusto ko yun tangible at pwede kong lapitan. Yung pwede ko manlang kausapin and laugh with.

Di ko pa kabisado ang hallways ng pipitsuging dilapidated school na to. Parang nagsasabong ata ang former students sa bawat classroom. May mga kaskas ng di-mo-alam-kung-kuko sa mga pader at ceilings. Bakas sa mga bintana na mukhang naging practice area for archery ni Green Arrow. Ang pinto ng classroom ay mukhang ni-raid ng FBI. Mukhang worse than ever tong school year na to.

Matapos kong inspeksyunin ang mga classroom sa hallway, dumiretso na ako sa aking destination: ang section kung saan ako papasok. Year 10 Section Masipag. Pambihira. Pati ang pangalan ng section namin, sinungaling.
Pumasok na ako, pero stay muna sa harap ng pintuan. Are you ready? Handa ka na bang ma-torture mula sa mga tingin ng mga bago mong classmates?
Okay, ready na. Konting ayos ng buhok, ngiti, mag-ayos ng polo, punasan ang mukha mula sa mga butil ng pawis, at buksan na ang doorknob.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng pinto, parang nagbabagang mga apoy ang mga mata ng mga new classmates ko. Para akong inihaw ng buhay. Mukhang wala pa ang homeroom teacher, kaya upo muna ako kahit saan ko gusto.
I chose to sit on the third row. I believe ito na ang safest of all rows, dahil madalang tawagin ang mga students na nakaupo dito. Konti lang ang nakaupo, at may nakatabi akong lalaking mukhang laging nahuhulugan ng piso: mabibilang mo ang lahat ng ngipin sa ngiti palang niya. Mukhang nice naman kahit papano, kaya sinubukan ko kausapin.
"Uh... hello. Transfer student ako dito. Uh... musta?"
"Ah! Transfer student ka?"
Gusto ko atang gatukan tong taong to. Kakasabi ko lang. You don't need to state the already stated statement. Tsaka obvious naman sa nervousness ko. Pambihira.
Pero I still tried to be nice. Ayaw ko namang masira agad ang reputation ko dito sa new school diba?
"Ah, oo. Transfer student ako. Anong pangalan mo? Tsaka matagal ka na ba dito?"
"Haha, ako si Rando. Matagal na din ako dito, since high school. Ikaw, ano ang pangala--"
Naputol ang conversation namin, dahil dumating na ang adviser-teacher. Tumayo ako at nag-greet ang mga students. Dahil bago sa panrinig ko ang greeting nila sa teachers, nag-lip sync nalang ako para di halatang boplaks ako.
"Alright, is everybody here? Let's start with the boys. Antonio?..."
Nagsimula na ang checking of attendance. Mukhang medyo terror ang adviser namin. Ang boses niya eh soprano na may halong screams of the innocent.
"Banos?"
"Present ma'am."
"Binungkos?"
"Present."
"Bensingko?"
"Absent po si Bensingko ma'am," sabi ng other classmate namin.
"Ano?! Bakit absent si Bensingko sa first day of classes? Sino ang may kilala sa kanya?"
Mukhang naligaw lang si Bensingko at pinabili lang ng suka. Yun yun mga uri ng tao na kahit di pumasok eh makakapasa.
Natapos ang checking of attendance, at dalawa lang ang absent sa boys. Bukod kay Bensingko ay si Svenfipti, na mukhang ang apelyido eh ginagamit sa brand ng sabon-panlaba.

Natapos na ang first two periods for that day, at recess na namin. 15 minutes lang pala sa private schools. Pero nung nasa public school pa ako, hinahayaan nila kahit hanggang kalahating oras. Mukhang strict talaga ang mga teachers dito at well-disciplined ang mga students. It's not so bad, I guess.
Pagkatapos ng recess, pumasok ulit ang adviser. Papapiliin na pala kami agad ng class officers. Branded title lang naman ang mga students na halaw ng class officers, pero mas angat sila kesa sa regular students. Sila yug mga uri ng mga estudyanteng uutusan ng teachers na magpatahimik, pero una pala sa maiingay.
Pinapili na kami ng president. Babae ang unang nominee, parang Cory Aquino lang ang dating. Pero aaminin ko, maganda nga ang babaeng yon at decent ang manners niya, makikita palang sa posture at paano siya tumayo. Morena at may mahabang buhok, black version ni Rapunzel.
"Any other nominees?" Tanong ni Adviser na may kasamang paglingon-lingon na parang nagi-inspeksyon ng amag sa pandesal.
Nag-taas ng kamay si Rando.
"Ma'am, I nominate... HIM!"
Biglang tinuro ni mokong ang katabi niya sa kaliwa: ako. Pambihira! Ingungudngod ko sa imburnal tong siraulo na to! Bakit ako pa, na kakakilala palang niya ng ilang oras? Tsk, big trouble.
"Please stand up, Mr. ...?" Di alam ni Adviser ang name ko, kaya sinabi ko then tumayo ako. Binigyan ko ang gestures ko ng konting confidence, baka manalo ako.
"Any other nominees?"
Wala ng nagtaas ng kamay.
"Alright, then, may the nominees for the position of presidency step up and stand straight in the front?"
Naglakad si Miss Morena patungo sa harapan at tumayo ng tuwid. Tumingin muna sa buong klase, tapos tumingin sakin.

Nahulog ata puso ko.

Mr. Boplaks Meets Ms. InsensitiveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon