MS. INSENSITIVE'S POV
Same school again. I hate this na. Masyado na kasi akong maraming na-experience na painful memories dito. Lahat ng naging boyfriends ko, dito pa rin nag-aaral. Ugh.
Ang malala pa, Bestie Alex changed her school na. Wala na siya. Wala na tuloy akong magiging crying shoulder at mapagkukuwentuhan ng dramatic stories ko. Siguro, kaya siya umalis, dahil sawa na din siya sa mga dakdak ko? I can't really tell.
Wala naman na akong magagawa. Siguro I'll just strive for high academically scores just like last year. Focus muna ako sa studies, and I promise na hindi ako magbo-boyfriend this year.
Another thing, I plan to change myself for the better. Siguro a cheerful personality suits me? Yeah. I think that's better than being the quiet one while holding hatred for people. Madalas kasi akong nakakabanggaan ng mga stupidong mga taong wala kwenta. Ayoko sa mga uri na lazy at ignorant sa grades nila. Bakit pa kaya sila nag-aral kung ganun lang naman?
As I've said before, dapat wala na akong pakialam sa mga ganung uri ng mga mababaw na nilalang. I should just concentrate on what's in front of me: ang pagpasok sa classroom. Okay, kailangan ko na pumasok. 6:42 na.
I turned the doorknob, at iisa lang ang nadama ko: ang pagmamantika ng hinahawakan kong doorknob. Kadiri. Wala atang sabon sa bahay ng mga tao dito. They should be taught about personal hygiene.
Umupo ako sa fourth row, dahil nandoon ang pinakamaraming bilang ng girls. Gusto kong magpakilala sa mga transfer students, dahil kilala rin naman ako ng mga former classmates ko... Wait! Dapat pala kausapin ko din sila, kasama ang changed personality ko. Sana mag-iba na ang tingin nila saken na parang unapproachable at walang dating. Four lang ang friends ko last school year, tapos lumipat pa ang isa, kaya gusto ko naman padamihin ang amount of friends ko.
Lilipat muna ako ng upuan at tatabi ako kay Katie. Siya yung uri ng girl na mahilig sa video games at sa pagkakalikot ng mga machines. Sa pagkakaalam ko, gusto niyang maging computer technician.
"Hey Katie! Musta na? Musta vacation?"
"Ah, ikaw pala yan. Okay naman, nag-enjoy ako kahit papano. Ikaw? Parang mas maganda ka ata ngayon?"
"Really? Bakit naman?"
"Kasi, parang lagi kang nakangiti. Mas lumalabas yung ganda mo, and I mean it. Sana lagi ka nalang masaya para mas attractive ka!" Tumawa kami pareho! Haha."
Ang saya pala ng feeling kapag may katawanan ka. I have never felt this happy since last year. Puro nalang kasi heartbreaks yung nakaraan kong experiences. Maybe this year will be fun? I can guess.
Biglang tumunog ang doorknob. Halos lahat ng classmates ko, napalingon. Umikot-ikot pa ang doorknob bago tuluyang mabuksan. Antagal bago mabuksan yung pintuan. Ito na ba yung adviser namin? Pero konti palang ang students. 7:10 na.
Bumukas ang pinto. Pumasok ang isang lalaking tumatagaktak ang pawis. Halatang transfer student siya, dahil tumingin-tingin pa siya ng matagal bago naghanap ng upuan.
Umupo siya sa harap ko. Amoy ko pa ang cologne na ginamit niya. Medyo matapang pero mild lang ang feeling kapag inamoy. Okay naman siya, decent ang face, at may presence siya. Parang hindi siya yung uri na parang pala-away, pero mukha siyang aggressive. Maybe I should talk to him and introduce myself?
What am I thinking?! Baka isipin pa ng guy na may gusto ako sa kanya and I'm the one going for the first move! Argh, you dumb girl! Basta, kung gusto niya akong i-approach, sige nalang. Pero di ako ang magi-initiate ng conversation. That would be a ruin to my newly-changed personality.
—-
Natapos ang first two periods for this morning, after mag-introduce ang mga teachers, in English and Science subjects, respectively.
Recess na. Nagbaon ako ng hot chocolate kasama ang cheesy mamon. Tinignan ko rin ang baon nung transfer student, at nakita kong mamon din ang kinakain niya! Is this fate? Baka secret message na pareho kami at compatible?
Bigla akong nakaramdam ng kalabit mula sa likod ko. Si Katie pala.
"Gusto mo yung guy na nasa harapan mo, no? Haha, I can tell! Kanina pa sticky ang look mo sa lalaking yan! Pero, in all fairness, may hitsura nga siya," bulong niya sakin nung hinila niya ako paupo. Kanina pa pala ako nakangudngod sa likod nung guy na parang tanga. Gosh, isipin ng ibang classmates ko na I'm all over this boy!
"Ano ka ba! Haha, di no! Focus muna ako sa studies bago sa mga crushes. Ayoko muna sumubok sa isang relationship."
"Grabe naman to, sinabi ko lang namang like mo yung guy, tapos sa relationship na napunta. Gusto mo nga talaga yung guy! Hahaha!"
"HINDI NGA!"
Napasigaw ako ng malakas nung sinabi ko yun. Grabe, tumingin lahat ng kumakain sakin, kasama yung transfer student! Shocks. Tapos tumawa pa siya! I don't know if I blushed, pero sobra ang hiya ko nun. Nako...
Lumipas ang oras, at bumalik si Ma'am Adviser. Nakangiti siya nung pumasok, na parang may plano? Siguro ngisi ang tawag don?
"Alright, due to some circumstances, we will now choose the students who will be the class officers for this school year."
What?! Dapat after the first day na yun gawin, para mas maging maganda ang decision ng mga students! Para naman kilala ng mga students yung ino-nominate nilang officer. Oo, alam ko, eight lang ang transfer students, pero malay naman ngstudents kung may nag-iba sa kanila, at tsaka pipili din naman ang transfer students ng iboboto nilang officer. Nako, mukhang sira ang system ng pagpapalakad ngayon. Siguro dahil sa K-12 program? Last year naman di ganito.
"Please nominate a student you think will suit the position for presidency. Any hands?"
Nagtaas agad ng kamay si Katie. I wonder kung may kakilala siyang iba na iboboto niya? Wait, don't tell me...
"I nominate her!"
Tinuro ako ni Katie. Shocks! All gazes are on me. Pinawisan ako ng todo. Pero dahil naging vice-president na ako last year, di na bago sakin ang pagsasalita sa harap para mag-introduce ng sarili at ma-convince ang classmates ko na iboto ako. Okay, I just have to plan what my speech contains, while other nominees are being called. Ilang nominees kaya ang kukunin? Lima ang kinuha nung last year, baka ngayon, fewer, kasi 36 lang kaming students ngayon.
Dami kong nonsense na iniisip! Basta planuhin mo nalang ang sasabihin mo! Should I emphasize that I can lead them from bad attitudes? Hm... pwede na din. Then...
"I nominate... HIM!"Narinig ko si Rando, yung lagi kong rival for the top notcher's position. Laging nagtatalo ang grades namin. Minsan lumalamang siya, minsan ako ang umaangat. Since high school kami rivals, pero nakakapag-usap kami at in good terms naman. Di kami yung uri ng nagpaplastikan, pero magaling siya sa subjects kung saan magaling din ako, kaya lagi kaming equal.
Nagulat ako sa tinuro niya: yung transfer student guy! So makakalaban ko for the president's seat ang guy na yon? Grabe. This is such a twist of events.
Dahil wala ng nag-nominate ng iba, kaming dalawa lang ang selection kung sino ang ibo-vote. Tumayo agad ako sa harap, at hinintay ko nalang tumayo si Mr. Transferee. Tumingin ako sa buong klase habang nakangiti, tapos napatingin ako dun sa guy.
Nagkatitigan kami for five minutes, and those five minutes lasted for an eternity.
BINABASA MO ANG
Mr. Boplaks Meets Ms. Insensitive
Teen FictionHindi ito ang typical na story na nababasa niyo dito sa Wattpad, tulad ng "Mr. Popular Meets Nerdy Girl" or "Maldita Queen Meets Prince of Shyness". Sawa na ako sa cliché stories na masyado ng gasgas at gamit na gamit na ang format. Ito naman ang...