TRES

6 2 0
                                    


" Alam nyo ho ba kung saang school sya nag transfer?" tanong ko, i need to know where dahil kailangan kong malaman yung kalagayan nya

"She transfered to a public school, here is the address and the name of the school" binigyan nya ako ng papel at nakasulat nga doon ang address at pangalan ng paaralan

I was driving to the location when my mom called me.

"We are going to report her missing Reven" she informed me

"No mom, dont" i replied, i was so focused on the road cause i was driving fast, malapit ng mag alas 5 baka di ako makahabol sa labasan nila malayo pa naman to sa bahay namin its a 25 minutes drive

"Bakit nahanap mo na ba sya?" may bakas ng pag asa sa boses nya

"Hindi pa" i paused "but i have a lead kung nasaan sya at papunta na ako doon kaya tawagan nalang kita ulit mom" tapos nun pinatay ko na yung tawag

Nung dumating ako sa paaralan na yun ay huli na ako dahil wala ng tao, nung mag tanong ako sa guard ang sabi nya ay kanina pa daw nag si uwian ang mga studyante

Pagod na ako para bumalik pa kaya tinawagan ko ang boss ko na kaibigan ko din na doon na muna ako matutulog sa isang branch ng companya sa lugar na to, total mga mga room naman doon na pwedeng tulugan para sa mga trabahanteng malayo ang uuwian

"Sige, tatawagan ko ang manager dyan pumunta ka nalang doon. Teka bat kaba andyan?" tanong nya sa telepono, naka loud speaker iyon dahil nag drive ulit ako papunta sa branchna yun

"Nakwento ko naman sayo diba na lumayas si Vianca sa bahay at hinahanap ko sya ngayon sabi ng teacher nya dito na daw sya nag aaral kaya kailangan kong siguradohin" pag kwento ko habang nakatoun pa din ang mata sa daan

"Yan pinalayas mo kase, kung ako si Vianca ekis kana sakin" pagbibiro nya at tumawa pa sa kabilang linya

"Shut up" pinatay ko na ang linya at nag drive na ulit good thing na pagkarating ko ay nakahanda na daw ang kwarto kaya dumiretso na ako doon para magpahinga

The next day i received a message from my boss that he is going to assign me to worl with this branch and i accepted it. It is also a chance to look for my younger sister.

The whole day was so stressful because of work. Bago palang ako doon at di ko alam kung pano ang pamamalakad kaya inaamin kong nahirapan akong i adopt sa una pero habang tumatagal ay nasasanay na din

"Mauna na ako na ako sa inyo may pupuntahan pa ako" paalam ko sa mga workmates ko, kumaway naman sila

I started making friends with my co workers kase kung hindi mag mumukha akong lonely

Dumiretso na ako agad sa paaralan para antayin ang labasan nila, makaraan ang ilang minuto nakita ko din si Vianca na lumabas ng gate kasama ang mga kaibigan nya

"Ngayon alam ko na kung sino ang tumulong sayong mag transfer" bulong ko sa sarili ko

Sinundan ko sila at pinagdadasal kong di nila ako mapansin, now i was being a stalker. Ang iba sa kanila ay lumihis ng daan pero hindi ko na pinansin yun ang importante ay malaman ko ang tinutuluyan ni Vianca.

I started acting like a tourist nung lumingon sa banda ko yung kasama ni Vianca. Hindi naman ata nila mahahalata kase naka cap at glasses ako at may bag din akong sout at earphones

Nung si Vianca nalang ang natira wala na akong problema kase naka earphone sya habang naglalakad hindi ko nga lang alam kong nagpa music ba siya o hindi

Then after a minute nakadating na sya sa bahay nya, it was just a small house. I dont know if she is renting pero san sya kukuha ng ipambabayad?

Nilagpasan ko nalang ang bahay nya at least i know now where she is living

**

REALIZATIONWhere stories live. Discover now