SINGKO

4 2 0
                                    

Gumising ako ng maaga at dumiretso na agad sa bahay na tinutuluyan ng kapatid ko sakto din naman na palabas palang sya para pumunta sa school, ngayon alam ko na kong anong oras sya umaalis ta umuuwi hindi na ako mahihirapan makipaglaban sa timing

Masaya lang ako na hindi sya tumigil sa pag aaral, and i was proud of her on that part

Kahit nakita ko na syang nakapasok na sa gate dumiretso pa din ako para maghanap ng cafe para sa breakfast at katapos nun ay bumalik na ako sa cafe

Pagkahapon ay umalis ulit ako ng maaga para tingnan kung makakauwi ba sya ng safe, ganun yung naging routine ko for 1 month. Minsan gamit ko ang kotse minsan din naman ay naglalakad lang ako, sa isang buwan kong pagsunod sa kanya ay hindi pa din nya ako napapansin o baka napansin nya na ako at wala lang syang pakialam

Napansin kung habang tumatagal ay palagi na nyang kasama ang boyfriend nya sa paguwi kaya naisip ko na baka bahay yun ng boyfriend nya

Nag alala pa din ako sa kanya kase alam kong nag cheat sa kanya minsan ang lalaking yun at hindi nya deserve yun, deserve nyang makatanggap ng pure love

There was some days na hindi ko sya na pupuntahan dahil sa trabaho, ina-update ko din sila mom at dad sa mga nalalaman ko. They are somehow relieved na binabantayan ko sya at ganun din ang nararamdaman ko, pero kahit ganoon ay di pa din namin maiwasang mag alala

"Pano mo naman nasabi ha?" pag kontra ni Haze sa sinabi ko

"Dati palang nababalitaan ko na na ganun sya, nag cheat nga sya sa kapatid ko. Usap usapan sya sa paaralan nila pag ako yung sumusundo dati kay Vianca na ganun ang ugali nya" we are talking about Vianca's boyfriend, hindi kase sya naniniwala na nag cheat na yung lalaking yun tapos may ex itong sinasaktan not emotionally but physically. Nalaman ko yun dati pa pero di ko sinabi kay mom at dad kase lalala lang yung pag aalala nila, ang tanging pinagsabihan ko lang ay si Haze

"Kung ganun naman pala kausapin mo na si Vianca at kumbinsihin mong umuwi na sya kase baka ganun na yung nangyayari sa kanya" may bakas na din ng pagaalala ang boses nya, kahit papano ay magkasundo sila ng kapatid ko lalo na noong bata pa si Vianca at madalas pang pumunta sa bahay si Haze

"Yun nga din ang iniisip ko and im planning to talk to her tomorrow" sabi ko

Katapos naming magusap pa ng ibang mga bagay ay umuwi na sya, nananatili pa din sila ng girlfriend nya doon sa hotel kaya naman mabilis lang syang kontakin

My plan was to talk to her but it didn't happen. Hindi ako nakapunta dahil gabi na akong nakauwi dahil sa dami ng trabaho kaya sabi ko bukas nalang ulit pero yung bukas na yun ay nagpatuloy hanggang apat na araw ang lumipas

"Yeah papunta na po ako kakausapin ko sya ngayong araw" sabi ko kay mom sa telepono

When i arrive at her place there was so many people, it was so crowded and in the middle there was an ambulance

"Wait mom" i dropped the call, papunta na sana ako sa scene nung hablutin ang kamay ko and i saw Haze

"wag kana pumunta doon wala kang mapapala saka paalis na din ang ambulance sakay na dumiretso na tayo sa hospital" hindi na ako nag dalawang isip at sumakay na agad, naiwan ang sasakyan ko dun but all i can think about is my sister bht how he be sure na yung kapatid ko yung andoon?

"Napadaan lang ako dahil pinapabili ako ng girlfriend ko ng grocery tapos nakita ko yung commotion nagtanong ako kung anong nangyari tapos yun ang sabi nila pinakita ko yung picture ni Vianca sa kanila at sabi nila sya daw yung nasa ambulansya" pagpapaliwanag nya

I called mom and dad and when we reached the hospital they were already on the nurse section, asking

"She is in the room 08 right now, you can wait outside the room ma'am and sir" yun ang naabutan naming sinabi ng nurse

**

REALIZATIONWhere stories live. Discover now