CHAPTER 2

72 16 0
                                    

WARNING SPG!

Klea's Pov

Pagka hatid ko kagabi sa bahay ay pinakain at pinainom ko ng gamot si nanay. Maigi naman nung dumating ako sa bahay ay wala ang hayop na si Danilo sa bahay namin. Baka nambababae nanaman siya? malamang klea sobrang harot ba naman non.

Umaga na ngayon nag luluto ako ng almusal bago ako umalis at pumasok. Si nanay ay naka upo at inaabangan maluto itong niluluto ko.

"nay dinamihan ko na po itong ulam, para may pagkain kayo hanggang tanghali, kasi gabi na po ako makaka uwi." sabi ko habang hinahalo itong sinangag.

Tapos na akong mag luto ng nilagang baka kaya sinasangag ko itong tirang kanin kagabi.

"anak umuwi na ba si Danilo? Bakit hindi parin siya umuuwi? Nag-aalala na ako sakaniya." napatigil ako sa pag hahalo.

Napa kuyom ang kamao ko. Bakit pag kay Danilo alalang alala sila? Pero pag saakin na anak nila hindi man lang nila ako magawang kamustahin.

"hindi po alam. Hindi parin siya umuuwi baka nambabae nanaman? Diba lagi naman niyang ginawa yon?" walang ganang sagot ko.

"anak, wag ka naman masiyadong masama kay Danilo. Tas sana pag may pera ka bigayan mo naman siya, hindi iyang pinag dadamutan mo" sabi ni nanay kaya mas lalong sumama ang loob ko.

"pano ko bibigyan iyon kung wala rin akong pera? bakit hindi siya humanap ng trabaho?" sabi ko at kinuha ang bag ko.

Gusto ko na umalis. Nasasaktan ako sa mga sinasabi ng mismong Ina ko sakin. Parang mas pinipili niya pa iyong lalaki na iyon kesa saakin na anak niya.

"ang akin lang naman... Dahil pinayagan kitang mag aral sana naman wag mo kalimutan na may resposibilidad ka na mag trabaho para saakin. Madalas ka ngang wala dito hindi ka mag bigay kay Danilo ng kahit konting pera. Sana may utang na loob ka rin saaming dalawa."

"tatay ko ba siya?" sagot ko at hindi ko na napiglang maluha ng naramdaman ko na dumampi sa mukha ko ang kamay niya saakin.

"tandaan mo! ako parin ang nanay mo!" sigaw niya at sinampal akong muli.

Sobrang sakit. Bakit ganito? ginagawa ko naman ang lahat para maiahon ko sila sa kahirapan. Nag aaral ako kasi gusto ko na maka kuha ng magandang trabaho para sakaniya... Siya nalang ang pamilya ko pero sobrang sakit isipin na yung nag iisang tinuturing ko na pamilya... Sinasaktan ako.

"tatandaan ko po yan, huwag kayong mag alala" sabi ko at kinuha ang bag ko at aalis na.

Palabas na ako ng makita ko si Danilo sa gate.

"mukhang may drama nanaman na naganap sa mag-ina?" pang aasar pa niya saakin.

Nilampasan ko siya. Tangina mong hayop ka. May araw ka rin.

Pinunasan ko muna ang luha ko bago sumakay ng jeep.


***

Pagka dating ko sa school nakita ko agad ang mga taong naka tingin saakin.

"She's klea right? Gosh! Siya iyong nasa picture!"

"kaya pala nagustuhan ni captain. Maganda talaga tas malaki rin"

"sila na ba ni captain?"

"she's so lucky kung totoo man iyong chismis"

"she's klea? A slut?"

Napatingin ako sa nag sabi non at inirapan siya. Kapal eh kung ikukupara naman iyong suot naming dalawa mas mukha siyang pokpok.

Hindi ko nalang pinansin ang mga narinig ako dali dali nalang akong pumasok sa classroom.

Seducing The Heart Breaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon