CHAPTER 6

36 3 0
                                    

WARNING!!! SPG!

Klea's POV

Grabe. Sobrang awkward... Pagka upo ko palang ay ramdam ko na ang kaba. Ramdam ko rin ang mga mata nila na naka tingin saakin.

Napa tingin ako sa harapan ko. Kumakain ng tahimik yung isa lalaki na medyo mahaba ang buhok, malinis rin siyang tignan kagaya ni Matthew. Kapatid kaya ni Matthew ito? Hindi ko alam kung ano ang pangalan niya.. may kapatid pala siya??? Kapatid niya ba to? Nagulat naman ko ng bigla itong tumingin sa gawi ko kaya dali dali akong nag iwas ng tingin.

Para tuloy akong nasa hot seat ngayon. Napa tingin ako sa pagkain sa harapan ko.

“eat, I know you're hungry” bulong niya.

Tumango naman ako at nagsimula ng sumubo. Medyo hindi ko pa masiyadong malunok iyong kinakain ko. Naiilang ako sa mga mata nila na naka tingin saamin.



“hijo, what's her name? She's your girlfriend right?” sabi ng mama niya at tumingin saakin. Kaya napa yuko ako.

“Adela, let's eat first” sabi ng papa niya.

“I'm just asking.” narinig ko namang sabi nung mama niya.

“mom, stop, let her eat first please.” sabi ni Matthew at tumingin sakaniyang mama.

Habang sumusubo ako ay ramdam ko ang mga matang nakatingin saakin.
Gusto kaya nila ako? oh di kaya ang mga tingin nilang ganiyan ay parang nilalait ako?

Binilisan ko nalang na kumain. Pagkatapos ko na kumain dito ay aalis na agad ako.

“Kumain ka pa.. sobrang kaunti pa ng mga nakain mo” rinig kong bulong saakinh ni Matthew.

I looked at him.

“pwede ba na lumabas muna ako?” sabi ko. Dahil hindi ko na kinakaya ang mga mata nilang naka tingin saamin o saakin.


Naka tingin naman si Matthew saakin na parang magtataka. Pero tumango rin naman siya.

“I will go with you then” he said.

“where are you going hijo?” tanong ng mama niya.

Kaya napa tingin ako sa mama niya at naabutan ko naman ito na naka tingin saakin.

“outside our house, mom.” pagka sabi non ni Matthew ay ginuyod na niya ako papa-alis doon.

Nung hinila niya ako papa alis doon lahat sila ay nakatingin saamin. Bago kami maka labas doon ay nagka tinginan kami ng papa niya... Ang nag utos saakin..

***


“uhhh alam ko na hindi kapa gaanong naka kain sige na... kumain ka muna” pagtataboy ko sakaniya alam ko kasi na hindi pa rin siya nakaka kain ng maayos.

“no, it's okay.. let's eat here if you're not comfortable eating with them” napa laki naman ang mata ko sa sinabi niya.

“okay nga lang ako Matthew.. sige na! bumalik kana doon!” medyo napa lakas ang sigaw ko.

Hala.. nasigawan ko siya.

“no, I will never leave you here, if you don't want to eat then I don't want to eat too” seryosong sabi niya habang naka tingin sa aking mga mata.

“sige pasensiya na..” sabi ko at napa yuko.

“let's eat here hintayin mo ako dito wag kang aalis.” sabi niya kaya tumango ako.

Tumingin muna siya saakin bago tuluyang umalis. Baka kukuha siguro siya ng pagkain. Hays! uh! nakaka hiya! Sinigaw sigawan ko pa siya.

May naririnig naman ako na malakas na pag-agos ng tubig. Pag-agos? Hindi... Mali.. tumingin ako sa may bandang likuran at hindi nga ako nagkakamali!!! Isang talon! water falls!

Seducing The Heart Breaker Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon