Chapter 1

79 1 2
                                    

》Chapter 1

TAHIMIK akong nakahiga sa kama at nag-sscroll sa facebook nang dumaan ang isang post tungkol sa role play world.

At dahil sa kuryosidad ay nag-research ako about rpw. Kung ano nga ba iyon, para saan iyon, at kung ano ba ang ginagawa ro'n.

Napatangu-tango ako habang nagbabasa, so I won't use my real photo? Real name? So basically my real identity won't be shown if I would create role play account?

Na-intriga ako kaya dali-daling naghanap ako nang ipo-portay na picture. Karamihan sa mga nakita ko ay ulzzang ang gamit nila kaya iyon nalang din ang hinanap ko sa pinterest. Nang makahanap ako ay gumawa na ako at pinangalanan ko iyon ng Ivy Xcia Luiz.

Kasin-ganda ko ang pangalang naisip ko, hehe.

"Aira" dinig kong katok ni mommy sa pinto.

Pagbukas ko sa pinto ay sumalubong sa'kin ang mabangong amoy ng turon na with gatas pa sa taas. At may extra juice pa.

"Uy, thanks mom!"

"Puro ka cellphone kapag weekends, mano bang lumabas ka naman para maarawan ka at nang hindi ka mamutla ng gan'yan. Kapag ang ate Allison mo nanaman ang nakakita sa'yo, siguradong kulang pa ang isang araw para sa sermon mo." napanguso nalang ako, si mommy talaga walang araw na bibigyan niya nga ako ng meryenda ay with sermon naman.

"Oo na po mommy, hehe ano na lang swimming tayo mamaya." sinamaan niya ako nang tingin, itinaas ko naman ang dalawang daliri ko na nagpapakita ng peace sign.

"Hehe love you mom!" Inirapan niya lang ako at tinalikuran, si mommy parang teen-ager para nga lang kaming magkapatid pag pinagdikit e.

Bawal kase akong mag-swimming, dahil minsan ko nang muntik ikamatay iyon.

Kasanalan ko naman yon.

Tanga kasi ako.

Nasa gilid nanga lang ako ng pool nalunod pa ako.

Umupo ako sa kama at inilagay sa bedside table ang pagkain at juice. Dinampot ko ulit ang cellphone ko at itinuloy ang paggawa ng rp account.

Welcome to facebook!

Sumilay ang malaking ngisi sa labi ko, wala akong friends or relatives sa account na 'to, so that means. I can do whatever I want to do.

Nag-add ako ng random rp accounts, ang ganda ko talaga. Kase kase-send ko pa lang ng friend-request naka-auto accept na agad sila.

Nag-flip hair pa ako at ngumiti. Inayos ko rin ang ang time-line ko para ka-aya-ayang tignan.

Sa bio naman ay, black heart lang ang inilagay ko.

Sa relationship status?

Hays, nainsulto ako ro'n ah.

Syempre single!

I-chinarge ko muna ang cellphone ko at nilantakan ang miriendang ibinigay ni mommy.

Nang maubos ko yon ay in-on ko agad ang cellphone ko, yes using while charging it, is my nature.

Sinipsip ko pa ang natirang lasa sa daliri ko at nagpunas muna ng wipes.

Ngayon ko lang natanto, dapat nagpunas muna ako diba? Hays okay lang 'yan, minsan naman talaga ay baliktad ang utak ko.

Sabog ang friend-request ko maging ang inbox ko at ang notification ko. Iba talaga ang lakas ng gandang taglay ko. Hays.

Una kong tinignan ang inbox ko at isa lang ang naka-agaw ng atensyon ko.

Dravin Chino:
Your name popped up on the top of my screen, you sent me a friend request.

I accepted it, so can you do me a favor?

Ay inglesero si kuya! Dahil wala namang mawawala sa'kin ay nireplyan ko na.

Kawawa naman.

Ivyelle Xcia Luiz:
Anong flavor ba kuya?


Dravin Chino:

Huh? Favor ms. Favor.

Ivyelle Xcia Luiz:

Charot lang, knows ko naman. So ano nga?

Sungit naman nito ni kuya e, pangit ka-bonding.

Dravin Chino:
K

ailangan ko lang nang ka-drs. You'll just accept my relationship-status with you. That's all I need.

Ivyelle Xcia Luiz:
Huh? Are you asking me to be your girlfriend?

Dravin Chino:
Tf? I mean, are you a newbie?

Newbie? Ah, bagong salta!?

Ivyelle Xcia Luiz:
Halata ba? Hehe.

Dravin Chino:

Damn. Magiging tutor pa'ko.

Nagrereklamo ka ba?

Dravin is typing....

Kinagat ko ang daliri ko habang naghihintay ng reply niya, maya-maya lang ay tumunog na ang cellphone ko.

Dravin Chino:
Ganito, drs means display relationship status, ibig-sabihin ise-set lang natin ang rs natin sa isa't-isa. But it doesn't mean that we are on already. Understood? It's just an act. And I just need it for 1 week.

Ivyelle Xcia Luiz:
Nag-abala ka pa, joke lang 'yon kuya. Alam ko naman meaning niyan, hehe.

Dravin Chino reacted (👎) to your message.

Dravin Chino:

You are crazy.

Namilog ang mga mata ko, ay wow kuya? Ako pa ang baliw sa lagay na yan ha, ikaw nga ang nagseset ng rs diyan.

Dravin Chino listed you as his partner.

(Accept) (Decline)

Decline ko kaya? Charot kawawa si kuya.

Inaccept ko nalang iyon gaya nang pakiusap niya, mabait naman ako e.

Dravin Chino:
Thankyou.

Woah, cold and pogi typings si kuya. I-flirt ko kaya 'to?

Until It HealsWhere stories live. Discover now