ALAS-SIETE narin nang gabi at ito ako nasa waiting shed prenteng nakaupo at hinihintay si dad na dumating.
"O paraluman, ba't ka lumisan? 'Di na kita makakayang hag--" naputol ang pagkanta ko nang mag-ring ang cellphone ko. Dapat pala ay in-off ko ang data ko para walang istorbo.
It's Dravin, he was calling again. Hindi panga pala ako nakahingi nang paumanhin sa ginawa ko kanina. Nakakagulat din kasi at bad timing pa siya.
Kinuha ko iyon sa loob ng bag ko at sinagot ang tawag niya.
Mapapanis lang yata ang laway ko kahihintay na magsalita siya. Did he just called me for nothing? Wow!
Hindi ko alam kung bakit biglang nag-init ang pisngi ko nang tumikhim siya at...."H-hi" tila nagaalinlangan pang bati niya!
Oh my gosh! Real siya!? I mean, they said a lot of boy role player accounts isn't really a boy. Madalas ay mga cross role players.
Tumikhim din ako at lumunok panga bago mag-salita.
"H-hello" shet! Did I just stuttered?
"Uhhh. How was your day?" parang gusto kong humimlay sa ganda ng boses niya! Lalakeng-lalake at ughh! Napaka-lalim.
"Uhm, half bad half good." pinilit kong maging kalmante ang boses. Dapat hindi ako halatadong ganito!
"Why? Something happened?" talaga bang nag-aalala ang boses niya? O it was just his usual voice?! No! I know it's not, hehe hayaan niyo akong mag-assume rito.
Trip kong mag-assume e, trip ko 'yon hanap kayo trip niyo.
"Uhm, I think pagod lang." pagka-sabi ko no'n ay siya namang pag-busina nang sasakyan sa harap ko.
It was daddy!
Kaagad na inend ko ang tawag, ibinulsa ko ang cellphone ko at ngumiti kay dad at kumaway. Paniguradong nakita niya na may kausap ako.
Nag-aalala ako kase nababaan ko ng tawag si Dravin nang walang paalam, but I was more worried for dad's reaction.
Pihadong magagalit nanaman si dad nito. He really hate it when I am having a connection with boys. Liban kay Archie ay wala na siyang iba pang pinagkakatiwalaan na lalake para sa'kin, bukod sa kuya ko syempre kapatid ko yon.
Humalik si dad sa pisngi ko nang makapasok ako sa loob ng sasakyan. "Hmm" pagpaparinig niya kaya't napalunok ako nang wala sa oras.
Halos umakyat lahat ng dugo sa ulo ko nang makita sina ate Allison at ate Audreese sa back seat ng sasakyan. Parang natuyot ang laway ko dahil naka-angat ang mga kilay nila sa'kin.
Shit!shit!shitayy!
"It's just a friend dad, ate it was just my friend. Yeah friend." ito lang ang gusto ko sa sarili ko, kaya kong pagtakpan ang sarili ko nang hindi nauutal. Maski naman kase ayaw kong magsinungaling ay hindi ko magawa, ayaw ni dad na malapit ako sa lalake period.
"A friend huh, 'just' a friend, you sound so deffensive. What did your friend told you?" I bit my lower lip. "Nangumusta lang dad, in fact katatawag niya lang nung dumating ka." I confidently answered.
Thankfully hindi narin siya nag-salita matapos kong sabihin 'yon.
Pag-uwi sa bahay ay parang may kaganapan sa loob. "Anong meron daddy?" tanong ko habang naglalakad kami papasok.
"Your brother." sumiklab ang tuwa sa puso ko nang marinig iyon. "You're not joking dad, right!?" nanakbo na'ko sa loob kahit hindi pa sumasagot si dad. Ngunit bumagsak ang balikat ko nang makitang nakikinig lang ng romantic music si mom.
YOU ARE READING
Until It Heals
Teen FictionThey met each other in another world, a world they call Role Play World (Rpw) where their true identity is hidden, until an unexpected event happened, Aira Desiree Salazar discovered that the supreme student government of their university named Drav...