》Chapter 4
"Hindi ka invited, kapamilya ka ba?" asik ko kay Archie dahil mula kanina ay pinipilit niya ako na sasama siya sa bakasyon ng pamilya ko sa beach.
"I am your bestfriend, your childhood friend, I'm tito's favorite, hmm ano pa ba. Basta sama ako!" pagpupumilit niya pa. Inirapan ko na lang siya at nauna nang pumasok sa canteen para bumili ng makakain.
Maya-maya lang ay patalon siyang umakbay sa'kin kaya muntik kong maitulak ang taong nasa harap ko. "Tanga! Ipapamahamak mo pa ako e, pa'no kung natulak ko yon ah!?" binatukan ko siya kahit pa hindi ko siya abot.
Huh! Tumalon ako.
"Hindi mo naman natulak tapos nananakit ka!" asik niya pabalik. Umikot ang bilog sa mga mata ko. "Whatever Archie. Humanap ka ng table mo ayaw kita kaharap baka bugaan kita nitong tubig." nauna na'kong umupo at ang loko sinundan lang ako at umupo rin sa harap ko.
Tahimik kaming kumakain at paminsan ay iniaangat ko ang tingin ko dahil bago sa'kin ang katahimikan ni Archie.
"Hmm, is there something that I need to know?" nabilaukan kaagad ako kaya mabilis na inabot ko ang tubig at ininom iyon na siya namang pag-angat ng tingin ni Archie. Tinanong niya kasi iyon nang nasa pagkain niya ang tingin.
Bakit ba biglaan nalang siyang nagtatanong ng ganon!? Kaya ba siya tahimik? Kase may kinikimkim palang tanong?!
"Wala!" napataas ang boses ko, damn! Hindi niya dapat malaman! Isusumbong niya ako kay Dad!
Ayoko namang magsinungaling at mag-tago, pero siguro hahanapan ko lang ng magandang tyempo bago ko sabihin kina dad ang tungkol dito. Isang buwan narin mahigit ang pag-uusap namin ni Dravin sa chat. Hindi ko alam pero mabilis na nahulog ang loob ko sakanya. Wala namang mawawala sa'kin kaya sumubok na'ko, besides sa chat lang naman ang koneksyon namin. Hindi niya ako kilala in person, wala siyang alam tungkol sa personal na impormasyon ko at ganon din ako. Pero kahit na ganon, seryoso naman ang pakikipag-relasyon ko kay Dravin.
"Woah, wala but it sounds so deffensive. Bravo!" humigpit ang kapit ko sa bote ng mineral water at walang pasabi na tumayo ako at nanakbo palayo kay Archie. Pumasok ako sa comfort room ng mga babae at sinapo ko at ang dibdib ko dahil sobrang lakas ng kalabog noon.
Bakit ba ang lakas ng pang-amoy niya? Even if I did everything to hid it from him!
Pakiramdam ko ay humiwalay sandali ang kaluluwa ko nang mag-ring ang cellphone ko. Kuya Andrei is calling.
"Hello rang? Ano oras uwi mo? Susunduin kita." panimula niya, lumunok muna ako bago magsalita. "Baka mga 4:30 na kuya, text na lang kita." Ibinaba ko na ang tawag nang um-okay siya.
Paglabas ko ay halos puso ko naman ang malaglag sa gulat. Pa'no ay hayun si Archie at nakasandal sa pader!
"A-ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat!?" I almost punch him in the face! He fucking startled me!
"You told me before Aira. No lies between us, no secrets between us." he said without looking at me. I felt a conscience welling up inside me.
"W-wala naman akong itinatago Archie." napakagat ako sa labi ko, bakit ba pagdating sakanya ay hindi ako ganon kagaling magsinungaling? Bakit pagdating sakanya parang ang hirap-hirap na magtago ng sikreto?
"Said by the girl who ran like a maniac after I asked her. Said by the girl who suddenly choked when I asked." sa loob-loob ko ay gusto ko siyang sipain! Ano bang klaseng tao 'to? Ang lakas ng pang-amoy!
"Can you promise that this is just for us and you won't tell dad?" do'n na siya lumingon sa'kin at kunot pa ang noo. "Why? kailan ka pa natutong magsinungaling kay tito? Is this really you Aira?" napakagat ako sa labi ko. Mas gusto kong loko-loko nalang si Archie kaysa ganito siya. Kase truth hurts nga hindi ba? Masakit siyang magsalita.
YOU ARE READING
Until It Heals
Teen FictionThey met each other in another world, a world they call Role Play World (Rpw) where their true identity is hidden, until an unexpected event happened, Aira Desiree Salazar discovered that the supreme student government of their university named Drav...