Chapter 2

19 1 0
                                    

》Chapter 2

Lunes ngayon at heto at naka-sunod nanaman sa'kin si Archie.

Kung may taga-buo at tagapag-pasaya kayo ng araw.

Ako may taga-buwisit.

"Pst! Aira" muntik akong masubsob nang talunan niya ako mula sa likuran.

Binatukan ko siya nang pumunta siya sa gilid ko, pasalamat siya at matangkad siya kaya parang hinawakan ko lang ang batok niya.

"Nagawa mo yung DPKAA?" Kumunot ang noo ko, pinagsasabi niya nanaman?

Dapat Pretty Ka Araw-Araw

Sinamaan ko siya nang tingin nang maalala kung anong ibig-sabihin noon. "Araw-araw naman akong maganda kahit wala akong gawin, crush mo lang niyan ako e."

"Damn! Kilabutan ka naman Aira." diring-diring saad niya.

Napa-palatak ako. "Huwaw, kapal nang mukha mong mandiri."

Nakarating kami sa room nang nagbabangayan parin. Wala namang araw na hindi.

"Rivera, Archie" siya na ang next na tinawag, kakamot-kamot siya sa batok niya. Tinignan niya ako na parang nanghihingi ng tulong ang mga mata niya. Nginisian ko lang siya, angas mo ah wala ka naman palang report.

"See that? You understimated me again." ngising-ngisi na sabi niya. Ang gagong 'to, marami panga yata ang alam sa'kin nagpanggap pang walang alam.

Bigwasan ko kaya 'to?

"Libre mo'ko donut and milktea." Aniya habang naglalakad palabas ng university.

"At bakit? Di mo naman birthday." Asik ko sakanya.

"Kuripot mo, barya nga lang sa'yo ang ipambibili no'n. Sige na, I did my best in front of our class tas wala man lang price? That's unfair." nagiinarteng saad niya. "Unfair talaga ang mundo dahil ginawa kang pangit." Napahinto siya paglalakad at ako naman ay halos himatayin sa katatawa dahil nang lingunin ko siya ay nakanganga siya.

"Pasukan 'yan ng langaw bahala ka!" Sigaw ko sakanya nang medyo malayo na ang pagitan namin.

Nanakbo na ako nang makita ko siyang lakad-takbo na ang ginagawa malapitan lang ako. Ngunit ano nga ba ang mga binti ko kumpara sa napakahaba niyang mga binti?

"Got you!" hinead-lock niya ako kaya kanda-ubo ako nang pakawalan niya ako.

"Tanginamo Archie!" asik ko sakanya.

"Pangit ka rin." saad niya pabalik. Inirapan ko na lang siya at dumiretso na sa kotse ni dad.

Aba! Ang nipis talaga ng pag-mumukha at sumakay rin sa kotse ni dad!

"Daddy, sapakin mo nga yan. Yung solid ah, bibingo na 'yan sa'kin. Pag ako nanapak diyan hihimlay yan." ang walang-hiya! Tumawa pa na parang kami lang ang nasa loob ng sasakyan!

"Baka naman nililigawan mo na yang prinsesa ko Archie." nahinto siya sa pagtawa at ako naman ay nanlaki ang mga mata.

"Daddy where did you get that idea!? That shit is disgusting dad! Oh my gosh!" Oa kong saad.

"Disgusting ka rin." Si Archie na naka-rebat agad.

"Whatever." saad ko bago kinuha ang cellphone ko sa bag.

Pag-open ko sa rp account ko ay sabog nanaman ang inbox, notif, at fr ko.

Nang pindutin ko ang inbox ay bumungad sa'kin ang chat ni Dravin.

Dravin Chino:
Good morning.

Does being here in rp is boring?

2:34 PM

I think it is.

Hindi ko alam kung bakit napangiti ako. Ay kuya, you are right. I'm crazy po.

Ivyelle Xcia Luiz:
Why do you think so?

Offline siya kaya nag-scroll na muna ako sa newsfeed ko. Maya-maya lang ay lumitaw ang red circle na may number 1 sa loob, senyales na may chat.

Dravin Chino:

Once in a blue moon ka lang mag-ol.

Hinihintay niya ba ako? Assumera ko naman masyado! Baka nga siya ang bored lang kaya china-chat niya ako.

Ivyelle Xcia Luiz:
Busy lang sa acads kuya, hehe. Ikaw ba?


Dravin Chino:

Gonna block you if you keep on calling me that. I'm not that old, drop that shit.


Ang init naman ng ulo niya, e malay ko ba kase kung ilang-taon na siya? Syempre mabait at magalang ako, hehe.

Ivyelle Xcia Luiz:
Oks!

Dravin Chino:

Let me change the question, am I boring?

Why so cold?


Tumikhim si Archie sa harapan ko at hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sa'kin kaya mabilis pa sa alas-kwatro na isinilid ko sa bag ang cellphone ko.

Panira ka naman ng moment Archie, nang-aasar pa ako e! Bwisitero ka talaga.

Ay panitero pala! Kase panira ka ng moment.

Napapitlag ako nang mag-ring ang messanger ko. Oh my gosh!

Kinuha ko kaagad yon, at in my surprise! It was Dravin!

Sabay na lumingon sa'kin si Dad at Archie kaya kanda-lunok ako.

Dinecline ko nalang iyon dahil hindi ko kayang sagutin iyon.

Oh crap! What was just happened?

"Tamo yan tito oh, may lihim na shota." napatingin ako kay Archie, ang lokong 'to!

"Hoy! Story maker ka ah" depensa ko.

"Aira Desiree Salazar, I warning you. Huwag ka muna makipag-relasyon. Abala yan sa pag-aaral." Napanguso nalang ako pinanlisikan ko nang mata si Archie at itinaas ang gitnang daliri ko sakanya.

"Oh tamo tito, namamakyu. Siguro turo sakanya yan ng shota niya." Nanlaki lalo ang mga mata ko.

Tangina!?

Nakita ko pa ang pag-angat ng sulok ng labi niya kahit pa nasa front seat siya.

Ay if tatanungin niyo kung bakit ako nasa back-seat? Kase gusto ko patalikod. Este nasa likod.


Until It HealsWhere stories live. Discover now