7 - Marry me

3.2K 58 38
                                    

7TH SHOT: MARRY ME

****

Nakahiga lang ako sa kama nang biglang may nag-phone call saken. Si kath pala, ang girlfriend ko.

"Hi, Miel, Kamusta na pakiramdam mo?" bungad nya. Miel ang tawagan namin kasi 'Mahal' ang ibig sabihin non.

"Eto, nung narinig ko boses mo nawala ang lagnat ko." sabi ko.

"Eh, seryoso!"

"Seryoso nga ko, Miel. Ikaw nga ang gamot ko."

"Isa, Miel!" galit na sabi nya.

"Eto po medyo okay na ko. Bumaba na po 'yung lagnat ko, sinat nalang. Makakapasok na po ako bukas. Makikita narin kita sa wakas. Miss na miss na po kita e." sabi ko sabay nag-pout, na parang makikita nya 'yon. "Oh, anong nakakatawa sa sinabi ko?" tanong ko. Naririnig ko kasi na nabungisngis sya.

"Wala. Wala. Haha. Takot ka pala saken e. Pagaling ka na ha? Miss na miss narin kita e."

"Yun Oh! Bukas nga papasok na ko. Nakauwi ka na ba?"

"Hindi pa. Tinapos ko lang 'yung research paper ko sa library."

"What?! 8 na ha? Hindi ka pa nakakauwi?! Wait! Hintayin mo ko dyan. Susunduin kita!"

"Oy, Miel. Sobrang mag-panic? Kaya ko naman umuwi mag-isa e. Magpagaling ka nalang muna."

"No. Susunduin kita dyan!"

"Wag na nga! Kaya ko na. Promise! Hayaan mo na muna ko, please..please..please?"

"Hmm..Sige na nga. Mag-iingat ka ha?"

"Opo. Para sa'yo.."

Napangiti ako. "Mahal na mahal kita, Miel. Magtext saken 'pag nakauwi ka na ha?"

"Opo. I love you too, Miel."

Pagkatapos ng phone call na iyon. Hinintay ko 'yung text nya pero ilang oras na kong naghihintay pero wala akong natanggap. Ako na ang nagtext sa kanya pero hindi sya nagrereply. I even tried to call her pero out-of -coverage.

Na-lowbat lang siguro sya o kaya nakalimutan nya kong itext.

Hanggang sa nakatulugan ko na ang paghihintay.

***

Kinabukasan. May sinat pa ako, pero kaya ko naman pumasok. Gusto ko na kasing makita si Kath. Pagpasok ko, nagulat pa ko nang hindi ko makita si Kath, e maaga naman lagi syang pumasok. Actually, eto 'yung first time na naunahan ko sya. Hanggang sa mag-umpisa 'yung klase hindi sya dumating.

"E-Excuse me po Prof. S-Sorry, I'm late." napatigil ang prof namin nang isang babae ang nagsalita sa may pintuan. Si Kath. Tumingin ako sa kanya para ngintian sya pero gulat ko nalang nang umiwas lang sya nang tingin at nagmamadaling dumaretso sa upuan nya.

"Ouch!" Napatayo ako nang mabangga sya sa isang upuan sa sobrang pagmamadali nya.

"S-Sorry." hinging paumanhin nya kay Julia na nakaupo doon tapos nagdiretso na sya sa upuan nya.

Bakit ganon? Bakit parang wala sya sa sarili nya? Ang laki ng path, pero nabangga pa sya sa isang upuan?

Tumingin ako sa kanya pagka-upo nya, napatingin din sya pero katulad kanina, nag-iwas sya ng tingin.

Kathniel One-shots [COMPILATION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon