10 - Banatan 101

3.1K 85 26
                                    

10th Shot: Banatan 101

PAALALA: Tanging mga taong korni lang ang makaka-appreciate ng istoryang ito. :D

"Hi miss, Ako nga pala si Daniel." inabot ko ang nakalahad nyang kamay. "Ang DANIEL-an kung bakit ka isinilang." natawa ko sa banat nya.

"Nice. Kath nga pala." pagpapakilala ko. "Ang KATH-tulong mong bumuo ng pamilya." natuwa sya dahil marunong daw din akong bumanat.

"Pwede mo rin pala akong tawagin John." sabi nya. "Ang taong hindi na mawawala..JOHN sa puso mo."

"Ako rin. Pwede mo rin akong tawaging Chandy." sabi ko. "Ang taong hindi mawawala sa tabi mo sa bawat CHANDY-li ng buhay mo." ngumiti sya pagkasabi ko nun.

"Kath, Music ka ba?" Daniel.

"Ha? Baket?"

"Ako nga pala si DJ, ako ang magbibigay ng buhay sa mundo mo." sya. "Amm, Pwede ba kitang tawaging KC?" tanong nya na naman.

"Ha? Baket KC?"

"Wala lang. Ang ganda mo KC."

"Bolero. Ano nga palang middlename mo?" tanong ko.

"Ford. At ako ang taong mamahalin mo FORD-a rest of your life." banat na naman nya. "Ikaw? Ano middle name mo?"

"Manuel. So if you think I am like your other wo-MAN, UEL, nagkakamali ka." sagot ko. "Ano nga palang surname mo?"

"Padilla." sagot nya.

"Ah. Kaya pala ang astig ng hairstyle mo, lalo na dun sa may parteng PADILLA." tumawa sya pagkasabi ko nun.

"Galing mong bumanat ah. Anong surname mo?" tanong nya.

"Bernardo."

"Makuha ko lang ang num-BER mo, NAR-oon na ang kaligayahan ko..panigura-DO."

Ako nga pala si Kath Chandy Manuel Bernardo at sya naman si Daniel John Ford Padilla. At iyon ang naging paraan para magkakilala kame. Weird pero sweet. Exceptional pa diba?

Hindi man kapani-paniwala pero, dahil doon nagkaroon kami ng relasyon. Dalawang taon na kami ngayon. Dalawang taon na kaming nagmamahalan..dalawang taon narin kaming nagbabanatan. Pick up ha? Wag kayong maberde dyan.

Naalala ko rin nung pinakilala namin ang isa't-isa sa mga parents namin.

"Kath, mama ko, si mama Karla. Mama, Si kath. Girlfriend ko." pagpapakilala nya.

"Hello po. Kayo po pala si mama Karla. Ang ganda nyo po, KARLA ko po dyosa." ako yun.

"Ikaw pala si Kath? Ikaw pala ang girlfriend ng anak ko? Alam mo bang si-KATH ka dito sa bahay?" nagtawanan kami. Dahil dun nagkasundo agad kami ng nanay nya.

Tapos ako naman nagpakilala kay Daniel sa mommy ko.

"Mommy, si Daniel po yung boyfriend ko. Daniel, mommy ko, si mommy Min." nagmano sya kay mommy.

"Hello ho. Kayo ho pala si Mommy min? May pinagmanahan naman pala talaga si Kath ng Kagandahan." nakangiti nyang sabi kay mommy.

"Bolero ka pala talag no?" biro ni mommy.

"Oho. Inaa-MIN ko ho." sagot nya. Nagtawanan din kami nun. Doon nasigurado kong boto sila kay Daniel.

Pagkatapos nang ilang months.. Finally....

"Kath, merry christmas ka ba?" tanong nya.

"Merry Christmas? Baket?"

"Kase alam kong hindi tayo mag-iiwanan kahit anong CHRIST-is man ang dumaan pero MAS maganda talaga kung meron ng sumpaan."

"Oh? Nasaan ang Merry?" tanong ko.

"Kaya.. Kath, will you MERRY me?"

Sobrang saya ko nang mga oras na 'yon. Syempre sinagot ko sya ng 'YES!'. Sino ba naman ako para tanggihan sya diba? Ilang linggo lang ang preparation.

Tapos, Kasalan na agad!

"Hi po. Kayo po ba si Father?" kinurot ko sya nang tanungin nya kay Father yun. Nasa altar na kame. Tumango naman si Father. "Ah, Sige po. FATHER-in na natin ang kasalang ito. Excited na po kasi ako para sa mamayang gabi." binatukan ko sya nun. "To naman oh. Hindi pa nga tayo mag-asawa binubugbog mo na ko."

"Binubugbog ka dyan!"

"Binubugbog ng iyong pagmamahal." bawi nya. Nagtawan nalang kami nun.

Tapos, sinimulan na ang kasal..

"You may now kiss the bride." pagkasabi ni Father nun, itinaas na nya ang belo ko.

"Kath, Wedding gown ka ba?"

"Huh? Baket?"

"P-WEDDING ka na bang halikan? Ang GOWN-da mo kasi." pagkasabi nya non. Hinalikan na nya ako sa labi. Nagpalakpakan ang mga tao. "Kath, excited ka na ba sa honeymoon?"

"Uy! Baliw! Honeymoon ka dyan!"

"Excited ka na bang HONEY-pinin ang MOON-do ko?" tumawa ako sa banat nya.

"Mr. Padilla, Korni ka ba?" tanong ko.

"Baket Mrs. Padilla?"

"Kasi wala ka nang ginawa kundi KORNI-rin ang puso ko."

Alam kong hindi ito ang huli, kundi ito palang ang simula. Kaya ngayon palang, mag-iisip na ko ng maraming pick-up lines.

*TAPOS NA*

Lahat ng banat dito ay gawa ng baliw na utak ko. Acknowledgement lang po kung gusto nyong humiram. Salamat. =) Kapal ng mukha ko, para namang may magkakainteres. Mwehehe. Eniways, sorry kung bitin. Bitin naman talaga utak ko. wahaha. Salamat sa pagbabasa. Sana na-enjoy nyo kahit papano. =D

Kathniel One-shots [COMPILATION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon