2 - Pasukob

5.1K 140 33
                                    

SECOND SHOT: PASUKOB

♥♥♥

Uwian na. Umuulan na naman. Nilabas ko na ang payong ko at binuksan.

"Mikay!" may tumawag sa'ken. Parang kilala ko na.

"Oh?" lumingon ako sa kanya. "Makikisukob ka na naman?" ngiting-ngiti ba naman.

"Ah. Eh.." nagkamot sya ng ulo. Sabi na nga ba eh. Nahiya pa? Eh isang linggo na nga syang nakikisukob sa'ken?

"Oh! Sukob na!" dali-dali syang lumapit sa akin at sumukob sa payong ko.

"Yieehiee. Salamat Mikay" nginitian nya ko at nagsimula kaming maglakad.

"Wala ka na namang dalang payong?" tanong ko sa kanya. Para lang makausap sya. Yiieee. Para sulit ang oras.Enebey.

"Mukha bang meron?" nag-glare ako sa kanya. "De joke lang. Nakalimutan ko kasi." paliwanag nya.

"Kuuuh. Ano pa bang bago? Araw-araw 'yan ang palusot mo! Gusto mo lang akong kasabay eh.biro ko.

"ASA!" alam ko'yan "Amina nga 'yang payong. Ako na magdadala! Makukuba ako sa'yo eh. Ampandak mo." kinuha nya sa'ken ang payong. At sya ang nagpayong samen dalawa.

Hindi na ko nakaangal. Hindi narin ako nakapagsalita.

Eh sa Kinikilig ako e. Magagawa mo ba?

Eh Crush ko. <3

Kung gan'to ba naman araw-araw e. Gusto ko lagi nalang umuulan at nakakalimutan nya 'yung payong nya. Malapit lang kasi ang bahay nila sa amin. Actually, kapit-bahay namin sila. Pero pumupunta lang sya sa bahay namin 'pag itatanong kung may assignment kami o kaya mangongopya lang.

Kaya no choice sya, kundi sabayan ako twing umuulan.

Pero syempre, masaya narin ako. Dahil kahit papano..

Lagi kaming magkasukob..

Sa iisang payong. <3

Nagpatuloy kami sa paglalakad. Walking distance lang papunta sa subdivision namin. 

Kathniel One-shots [COMPILATION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon