8 - Sana ako parin.

3.2K 71 18
                                    

8TH SHOT: SANA AKO PARIN.

Andito na naman ako sa Park, hinihintay ang pagbabalik nya. Ang lalaking sinayang ko..Ang lalaking sinaktan ko.. Ang lalaking minahal ko.. At ang lalaking iniwan ako..2 years ago.

2 years ago..

Papalabas na ako ng gate nang makita ko si Enrique. May dala syang paborito kong white roses and chocolate ferrero. Pero dumaan sya sa kabilang way. Hindi ko alam pero kusang sumunod ang paa ko sa kanya. Hanggang sa makarating kami sa garden ng university. Pumwesto ako sa lugar na hindi mapapansin, habang pinapanuod ang paglapit ni Enrique sa naghihintay na babae. Si Sofia.

"Kanina ka pa?" Enrique. Umiling si Sofia. Hinalikan nya ito sa noo. "Here.." at inabot ang dala nito.

"Aww. Thanks, Quen. I love you."

"I love you more." sabi nya at hinalikan si sofia sa labi.

Ipipikit ko na sana ang mata ko dahil hindi ko kayang makita iyon, pero meron nang tumakip dito.

"Wag mo silang titingnan kung ayaw mong masaktan. Wag mo syang susundan kung gusto mo syang kalimutan." sabi nya. Kilala ko na kung sino- Ang taong laging nandyan sa twing nasa gantong sitwasyon ako.. "At.. Wag kang maging matapang kung iiyak ka lang din naman." dagdag nya, siguro nararamdaman nyang nababasa ang kamay nyang nakatakip sa mata ko. Inalis nya ang kanyang kamay, pinaharap ako sa kanya at idinantay sa kanyang dibdib. Tuluyan na kong umiyak doon."Sssshhh.. Tahan na, Kath, please.. Tama na.."

**

"Bakit ganun, Daniel? Two weeks palang kaming nag-break. Pero bakit parang..parang ang dali nya akong paltan? Bakit parang ang dali nyang maka-move on? Bakit parang ang unfair?! Bakit ako, sobrang nasasaktan paren!?" hinaing ko habang nakaupo kami sa waiting shed ng school, umiiyak ako. Buti wala na masyadong estudyante.

"Hindi ka naman masasaktan kung iiwasan mo sya. Hindi ka naman iiyak kung kakalimutan mo sya. Sana lang kasi gumawa ka ng paraan para mawala na sya dyan at dyan." sagot naman nya. At itunuro ang puso at isip ko. "Humanap ka ng taong mas karapatdapat sayo, 'yung mamahalin ka ng buong-buo, hindi ka sasaktan, hindi ka iiwan at higit sa lahat yung taong magtuturo sa'yo na kalimutan sya. Buksan mo lang ang puso mo tsaka 'yung mata mo. Malay mo andyan lang sya sa kaliwa mo, sa kanan o kaya.." pinunasan nya muna ang luha sa pisngi ko saka nagpatuloy. "..o kaya nasa tabi mo lang."

Tumingin ako sa kanya. "Daniel, alam mo namang---"

"Alam ko namang mahal na mahal mo sya, Kath. Hindi ko nakakalimutan yon at hindi naman kita pinipilit na mahalin ako. Ang saken lang naman, bigyan mo ng panahon ang sarili mo, bigyan mo ng kaligayahan. Pero hindi ko rin sinasabi na ako ang makakapagbigay sa'yo nun, pero sana..sana lang bigyan mo ko ng chance para masiguro nating dalawa. Dahil yang sakit na nararamdaman mo, hindi yan mawawala hanggat gumagawa ka ng paraan para maramdaman yan." sabi nya na puno ng sensiridad.

"Pag-iisipan ko. Alam mo namang bestfriend kita, at ayokong masira yon." bumangon ako mula sa pagkakadantay sa kanya.

"Wag mo lang pag-isipan kath, paghandaan mo rin. At hindi naman mawawala ang pagkakaibigan naten. Kahit anong mangyari."

Pilit akong ngumiti, at alam kong sya rin. Inihatid nya ako sa sakayan. Pansamantalang tumigil ang luha ko, pero alam ko pagdating sa bahay, magsisimula na naman ito.

*

"Eh anong plano mo?" tanong ni bianca saken, isa sa pinakamalapit kong kaibigan.

Kathniel One-shots [COMPILATION]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon