Chapter 2

28 1 0
                                    

Fyrelle's PoV

Tumatakbo ako ng mabilis papalayo sa lugar kung saan ako Natuto at lumaki. Kung saan nakasama ko ang itinuturing Kong pamilya.

Pero...

Bakit?

Bakit nangyayari to?

Naramdaman ko ang pagtulo ng mga luha sa mga mata ko. Naalala ko uli ang nangyari kanina.

'Fyrelle, Hindi ako ang iyong tunay na ama'

"Bakit, Papa?"umiiyak na sabi ko. Halos hindi ko na makita ang daan dahil sa walang mintis na pagtulo ng mga luha. Pero kahit na ganon ay Hindi pa rin nawawala sa utak ko ang mga katanungan.

Mga tanong na walang sagot...

Tumigil ako sa pagtakbo, Nakaramdam ako ng panghihina. At dahil sa panghihina ng aking mga tuhod ay Hindi ko napigilang mapaluhod sa damuhan...

Ano bang pagkakamali ko?

Ano bang nagawa ko?

Para....

Para maranasan ko 'to

Sa pangalawang pagkakataon..

"P-papa..B-bakit..B-bakit mo n-nagawa sakin to"

Mag-isa na naman ako...

'Anak, Fyrelle...kahit na anong mangyari. Ikaw pa rin ang nag iisa Kong anak'

'Nandito lang ako palagi sa tabi mo'

"HAAAAAAAAAAAAAAAAAAA"Sa Hindi malamang kadahilanan, Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan..kasabay ng malalakas na kulog at kidlat. Sinasabayan nito ang Malakas na pag iyak ko.

Ngunit, may nakapagbigay sa atensyon ko at ayun ang narinig ko na pagsabog. Napatingin ako sa likuran ko at nakakita ako ng usok. Kahit na napakalayo ko, Alam na Alam ko kung saan nanggagaling ang pinagmulan ng usok. At halos manlamig ang tuhod ko  ng mapagtanto iyon.

"H-Hindi..."

Si papa...

a-anong n-nangyari sayo p-papa?

"p-papa..."tumayo ako at akmang tatakbo ng biglang sumakit ang ulo ko.

"A-ahh..."Napatumba ako dahil sa sakit.

Nakarinig muli ako ng ikalawang pagsabog at mas lalo akong nakaramdam ng kaba at takot. Mas lalong lumakas ang kulog at kidlat.

P-papa..

"P-papa...H-Hindi..P-pakiusap...P-pakiusap...B-b-balikan k-kita papa...pa..k-ki..usap..".

Pakiusap...antayin mo ko.

Babalikan kita..

Napasabunot ako ng aking buhok dahil sa sakit.."AHHHH". Kasabay ng pagsakit ng ulo ko, ay ang pag init ng katawan ko..lalo na sa puso. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa paninikip nito. Nahihirapan akong huminga, Pakiramdam ko ay para akong sinasakal. Ramdam ko din ang init sa buong katawan ko. Nakakapaso. Humawak ako sa mga damo. Ngunit naging abo ito.

'Wag mo kong tatawaging Mama! Di kita anak!'

Napahawak ako sa ulo ko ng may roong pumasok na imahe at boses sa utak ko.

"H-H-Hindi..hindi"

'Tigilan mo na ang pagiging ambisyosa Fyrelle, Dahil simula ngayon..Hindi ka na lalabas sa bahay na to!'

Runetra: ChaosWhere stories live. Discover now