Chapter 3

21 0 0
                                    

"Kung patuloy mong itatago ang abilidad mo, Hindi mo makukuha ang sagot na gusto mo!!"sigaw sa akin ng isang lalaki.

Hindi ko maaninag ang mukha nya, masyadong malabo.

"Alam mo ang mangyayari kapag ginamit ko ang kapangyarihan ko, Zeno"sabi....ko?

Sabi ko?

S-sandali..sinong Zeno?

Sino sya?

Ako ba ang nagsasalita...Bakit parang iba Ang boses ko?. T-teka...Hindi ko maintindihan..

Napatingin ako sa gintong maskara na hawak ko.

Anong...

"Kung patuloy Kang magtatago sa likod ng maskarang yan, ay para mo na ring tinatago Ang totoong Ikaw. Ano ba Ang makukuha mong benepisyo sa pagtatago mo sa sarili mo?"tugon nya.

"Ang Taong nakakubli sa maskarang ito...ay hindi ako.."

Biglang nag iba Ang paligid, Puro dilim na lamang ang nakikita ko. At bigla na lamang ako nakarinig ng kaguluhan.

"WAG BIGYAN NG AWA ANG MGA SAKIM NA YAN!"

"MGA SAKIM!"

Napahawak ako sa aking tenga sa pag aakalang kapag ginawa ko iyon ay matitigil din ang ingay ng kaguluhan.

"Tama na..."bulong ko.

Ngunit mas lalong lumalala ang ingay na naririnig ko..

"T-Tama na P-pakiusap.."mas lalo ko pang hinigpitan ang pagkakatakip sa tenga ko. Pero Hindi pa rin iyon sapat.

Naririnig ko ang tunog ng mga espada, At ang mga sigaw ng mga tao na naghihinagpis at naghihirap.

'Ayoko ng marinig ang mga sigaw nila..'

'Nakakatakot...at nakakaawa'

"T-Tama na..."napaupo ako.."T-Tama n-na!"ngunit di pa rin iyon tumigil.

"Fyrelle, anak..."napatigil ako.

Boses iyon ni mama...

Kaya napatingin ako sa direksyon kung saan nanggagaling ang boses ni mama. Nakaramdam ako ng takot ng Makita ko sya.

Nakangisi sya sa akin, Ang mga mata nya ay Puno ng galit...Punong Puno ng galit. Napaatras ako ng bigla syang humakbang papalapit.

"M-ma...m-mama"nauutal Kong sabi. Mas lalo pa Kong natakot ng Makita ko na may lumabas na dugo sa kanyang bibig at sa ilong. Ngunit nakangisi pa rin sya.

"Fyrelle...anak, Yakapin mo ko HAHAHAH"kinilabutan ako sa pagtawa nya.

H-Hindi sya si mama!

Runetra: ChaosWhere stories live. Discover now