Chapter 5

6 0 0
                                    

Fyrelle's PoV

"U-ugh.."

Unti unti kong iminulat ang aking mga mata dahil sa sakit ng aking ulo. Pagkadilat ko ay bumungad sa akin ang asul na kalangitan. Nakaramdam ako ng pagkahilo kung kaya't ipinikit ko ng mariin ang aking mga mata. Pagkadilat ko...

"Gising ka na ba?"

...

"AAAHHHHHHHHHHHHHH" Napabangon ako agad dahil sa pagkagulat ngunit pagkabangon na pagkabangon ko ay nagkauntugan kaming dalawa.

"ARAY!!" Daing naming dalawa.

"Ano bang problema mo?!" Singhal nya sa akin habang nakasapo ang kamay sakanyang noo.

"Ikaw!! Ikaw ang problema ko!! Anong ginawa mo sa akin ha!!" Balik ko sakanya. Habang nakasapo din sa aking noo.

Napatigil ako ng makita ko ng malinaw ang kanyang itsura. Pinagsamang kahel at pula ang kanyang buhok, Ganoon rin ang dalawa nyang mata. May pagkamoreno sya at Masyadong matangkad?. Matangos din ang kanyang ilong at maganda din ang kurba ng kanyang mga labi. Hindi ko maikakailang may maipagmamalaki ang isang 'to pagdating sa itsura at sa katawan nya.

Inis syang tumingin sa akin. "Ano namang gagawin ko sa batang tulad mo ha?!"iritadong tanong nito.

Nanlaki ang mga mata ko at sinamaan sya ng tingin. "Hindi ako bata!!" Singhal ko.

Nagtaas sya ng kilay. "Talaga lang ha?" Tapos tinignan nya ko muli ulo hanggang paa. Naglakad sya papalapit sa akin at napatingala naman ako dahil sa tangkad nya. Yumuko sya at itinapat ang mukha nya sa akin pagkatapos ay ngumisi. Dahilan para unti-unti akong makaramdam ng hiya.

Aish!

Nalimutan kong bumalik pala ako sa pagiging 5 years old!

Inilapat nya ang kanyang dalawang daliri sa aking noo. "Hindi ka pa bata sa lagay na iyan?" Tapos ay parang tinulak nya ang aking ulo.

Kaya sinamaan ko syang muli ng tingin. At sinapo ang aking noo. "Sino ka ba?!" Inis na tanong ko.

Napahalakhak naman sya. "Ngayon lang ako nakakita ng isang batang walang respeto sa nakatatanda sakanya, Hayy..ibang klase" Nag Indian sit sya sa harapan ko.

"Ilang taon ka na?" Tanong nya. Pero di ko iyon pinansin at sinamaan ko pa rin sya ng tingin.

Natawa sya. "Wala ka pa ring tiwala sakin? Niligtas ko ang buhay mo" Diretsong sabi nya.

Kung kaya't natigilan ako. "Sa paanong paraan mo naman 'niligtas' ang buhay ko?" Pinagdiinan ko ang salitang 'niligtas'.

"Oh ito" Pagkasabi nya nun ay may isang umaapoy na bilog ang lumabas sa mga palad nya. Kung kaya't hindi ko maiwasang magulat.

Ito ang unang pagkakataon na nakakita ako ng isang tao na gumagamit ng kapangyarihan.

Lumabas sa umaapoy na bilog na iyon ang nangyari nung nahimatay ako. Ipinakita nun ang lahat hanggang sa magising ako kanina. Ngunit tila parang hindi ko maiproseso ang nangyari at para akong natulala.

Alam ko na dapat hindi na bago sa akin ito dahil sa nakita ko ang pagbabago nung kulay ng mata ni Papa pero hindi ko lang maiwasan dahil first time ko talagang makakita ng ganito sa tanang buhay ko. Bumalik ako sa wisyo ng magsalita sya. "May kakayahan akong makita at ipakita ang nakaraan. Isa ito sa mga kapangyarihan ko" Natigilan ako.

"T-teka..p-paanong....p-paano m-mo nagawa ang b-bagay na yan?" Natigilan sya at parang nagtataka dahil sa tanong ko.

"Bakit nagulat ka pa? Hindi ba't alam mo na nasa kabilang mundo ka?"nagtatakang tanong nya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 18 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Runetra: ChaosWhere stories live. Discover now