@FOURTEEN

11 5 0
                                    


Dear Self,

Alam kong hindi naging madali ang buhay mo sa mga nakalipas na buwan. Your mind has been occupied nang maraming tanong at mga gawain na dapat mong sundin sa pananatili mo sa ibang bahay. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang DO's and Dont's.... And this is also way harder for all of you lalo na ang kapatid gragradweyt na sa Elementarya....  Your Biological Father passed away last year, and a month after, Your aunt nanay Nita has also passed away. Alam kong hirap na hirap ka na to the point na gusto mo nang sukuan ang pag-aaral mo.... Ni hindi ka na makabili nang art materials, reporting supplies gaya ng manila paper, pentlepen , coupon band at construction paper... What makes the situation worse yung ate mong kada araw kinukulit yung tiyahin mo na ibenta ang lupa para manirahan sa isang subdivision, sapat na raw yun para makapagsimula muli ika nga... Your younger sister has changed a lot simula nang mamatay ang tatay niyo... Bihira na lamang kayong mag-usap... at kung minsan, sinusubukan niyang ngumiti nang mapait kahit alam mong ginagawa niya lang yun to hide her true emotions.... Hindi biro mawalan nang kaisa-isang kakampi niya sa bahay, wala na siyang nakakayakap at wala nang nagbibiro at nagpapasyal sa kanya....  Kita mo yung lungkot habang kinakausap niya si tatay sa puntod niya.... Tatay.... Hirap po kami ni ate, sana andito po kayo ngayon tatay graduation ko na po sa makalawa.... Alam kong nahihirapan ka i-comfort siya.... Hindi mo alam kung ano ang sasabihin mo sa kanya..... 

Sinubukan mo rin naman gawin ang makakaya mo pero hindi pa rin sapat....gustuhin mo man baguhin ang takbo nang buhay mo hindi talaga pwede... Minsan, pakiramdam mo, hindi lang Kahirapan ang pumipigil sayo para magpatuloy na mag-aral, kasi kahit labanan mo yung doubts mo, ang kalaban mo rin kasi minsan yung teacher mong hindi marunong umintindi.  Alam kong naaalala mo pa kung paano ka pagalitan ng teacher mo nang mag-submit ka ng Science report mo gamit ang Karton ng Damitan mo na binalutan mo lang ng art paper, pinalamutian ng mga celebrity mula sa diyaryo na napulot mo, bumili ka ng limampisong coupon band na idinikit mo sa loob para magmistulang DrawingBook... Nakangiti ka pa kasi nakakita ka ng itinapon na plastic na nagsilbing acitate duon sa report book sa Biology na sa likod ng effort mo na ilaban ang pag-aaral at kahit man lang ibsan ang kahirapan, Sinupalpal ka nang " You do not Know how to Follow Instructions..... Hindi raw reason yung walang pambili kasi magagawan naman raw nang paraan.... Actually, Alam kong hindi ka na nakikinig sa kanya.... Kasi yung sakit pa lang na mawalan ka nang Biological father na breadwinner sa bahay ninyo, Mawalan ka ng tiyahin at mapagbuntungan ka ng sama ng loob ng mga naulilang pinsan mo na hindi alam saan at kanino ibabaling yung sakit ng pagluluksa.... And they Found in YOU...  ikaw yung naging Shock Absorber ng mga Adults sa palibot mo without considering nang pwedeng maging epekto nun sa buhay mo as you grow older... They make excuses most of the time to hurt you, Nang dahil sa pag-uwi mo nang late... PAGAGALITAN KA. PAGBIBINTANGAN KA NA MAY GINAGAWANG HINDI TAMA. MAY BARKADA KA AT HIGIT SA LAHAT, TINATAKASAN MO LANG ANG OBLIGASYON MO SA PAMAMAHAY NILA... " TANDAAN MO, NAKIKITIRA KA LANG, KAYA AYUS-AYUSIN MO YANG PAG-UUGALI MO HINDI KAMI MAGDADALAWANG-ISIP NA PALAYASIN KA SITO... DAGDAG PAKAININ KA LANG DITO. ANO AKALA MO SA BAHAY NAMIN? CHARITY WARD? GAWAING-BAHAY NA NGA LANG HINDI MO PA MAGAWA NANG TAMA? ANO BA YAN? TANGA KA BA? BAKIT MO SINAING YUNG MAY MGA " TIPASI '' ANO'NG AKALA MO SA AMIN BABOY? OH AYAN! ISAKSAK MO DIYAN SA KOKOTE MO NA HINDI KA NA PRINSESA HA? WALA KA NA SA PODER NANG DADDY MO, AYAN NGA OH! PINATAPON KA DITO SA PAMILYA MO KASI WALA  NA SIYANG HANAPBUHAY DOON AT MAY SAKIT PA SIYA! KAYA IKAW, MAGTANDA KA! MAY BUHOK NA YANG KUAN MO KAYA UMAYOS KA! NAIINTINDIHAN MO? AGA-AGA PANIRA KA NG ARAW! AT MAY MGA ARAW NAMAN NA MABAIT SILA SAYO PERO SA SIMULA LANG, HABANG TUMATAGAL, LUMALABAS RIN ANG TUNAY NILANG UGALI.... Ang tao kapag na-Overwhelm nang PROBLEMA, Trust me, hahanap sila nang taong Vulnerable para maging outlet ng kanilang inner emotions. Hindi nila yun magagawa nang basta-basta kaya kapag nakahanap sila nang MALI sa ginagawa mo, BIG DEAL PARASA KANILA. DOON NILA NILALABAS ANG ANGST NILA SA BUHAY, FRUSTRATIONS TO THE POINT NA HINDI NILA MAKONTROL ANG SARILI NILA. Ang sabi ni daddy Rey, magiging okay lang ako rito.... Magiging okay ka lang rito but Physically, emotionally, financially, Ang ending Shota wala ka ni isa sa kanila naging ALLY.

Dear TEEN-year old SELFTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon