xi

164 10 0
                                    

Napakalmot ako sa sariling buhok ko nang maramdaman ang sakit nito. Parang binibiyak ang ulo ko! I was too careless with my alcohol intake, now I pay the consequences. Napaungol ako ng malakas dahil sa sakit.

Habang nakaupo sa kama, unti unting bumalik sa aking utak ang mga nangyari kagabi.

Shit!

Naalala ko na ang malalaswang ginawa ko kay Russell! Hinawakan ko ang aking labi at nanlaki ang mata. I licked him! His fingers, his lips, and his fucking jaws! Ang sarap magpakamatay dahil sa hiya...

Idinikit ko ang aking mga tuhod nang maramdaman ko ang pagtigas ko sa ibaba. Bakit ganito ang aking nararamdaman? I'm straight! Hindi ako bakla! Hindi dapat ganito ang reaksyon ng aking katawan.

Biglang pumasok ang imahe ni Russell sa utak ko. Him, looking down as two of his fingers reached the back of my throat. Naalala ko pa kung paano inikutan at pinuluputan ng dila ko ang mga daliri niya na parang ahas.

Isa na namang imahe niya ang pumasok sa utak ko. This time, I was running my tongue across his jaw and onto his cherry red lips. How.. how did I even think of doing all of those things..

Tinabunan ko ang namumula kong tenga ng aking palad at kinagat ang aking labi. Hindi ako bakla. Ang nangyari kagabi ay pawang isang pagkakamali lamang! I was just drunk and confused and hurt!

Hindi ako bakla.

Nagmamadali akong naligo at bumaba galing sa aking kuwarto. Nasa baba na siguro si Russell. Kailangan ko siyang makausap tungkol sa nangyari kagabi. I need to clear things up and apologize, first and foremost.

Tapos nang kumain ang dalawang matandang Salvatierra nang makarating ako sa hapag. Ayon sa mga katulong, nasa gazebo daw sila sa bakuran ng kanilang mansyon, masinsin na naguusap.

Tinungo ko ang dining room at agad na hinanap ng mata ko ang binatang palaging laman ng aking isip. Russell was nowhere to be found. Hinugot ko ang aking cellphone at agad na hinanap ang kaniyang number ngunit sa huli hindi ko na siya i tinext.

Paniguradong kinamumuhian ako noon. He's a guy and I... I did things that he probably didn't like. Kahit na dala lang iyon ng alak, hindi parin mabuti ang ginawa ko. Even when drunk I should never lick anyone without their permission, let alone someone from the same sex!

Wala na si Russell. Apparently, he left early for school. Nagpahatid na lamang ako sa isa sa kanilang driver patungo sa skwelahan at inihabilin nalang ako sa mga katulong. I skipped breakfast. Habang nasa van, panay ang hingi ko ng tawad sa mga pinsan kong bigla kong iniwan kagabi. They're all bound to go back to Mindanao. Rocco expressed his dismay because I didn't get to meet Hugo last night. Sunod kong minensahe si Luca. I greeted him happy birthday and apologized for my absence. Medyo malamig ang kaniyang mga sagot pero sa huli nagpasalamat siya sa akin at nagtanong kung saan ako nakatira. I explained a lot of stuff to him, including where I work. He made a promise to pass by. Huli kong minsensahe si Russell nang palapit na kami sa campus.

-Magkita tayo mamayang hapon sa cr

Mahigpit kong hinawakan ang aking telepono matapos ko maipadala ang text. I have to mend this and talk to him.

Hindi niya sinagot ang aking mensahe, kaya hindi ko na siya kinulit pa. We'll meet each other one way or another. Sa bahay nila o sa cafe, or baka sa canteen, we will meet.

"Sino, Enzo?" Takang tanong ni Miro. Pinaguusapan naming ngayong lunchbreak ang babaeng nakilala umano ni Enzo kagabi habang nasa birthday party ni Luca. Nagulat ako nang malaman kong nandoon din pala siya. Ayon sa kaniya business partners ang kanilang mga magulang kaya imbitado sila. I didn't even get to meet him!

Knife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon