xxvii

95 10 6
                                    

I blew out a breath, my hands skimming over the spines of the books. The sound of hushed chatter filled the library.

Which one was I looking for again? Hindi ko na maalala. Masyadong okupado ang utak ko sa kakaisip sa nangyari noong mga nakaraang araw. I shiver, just recalling it.

"What happened to your face, Trent?" Tanong ni Tita Catalina. Kumurba pababa ang kaniyang labi, ang kaniyang noo kumunot.

Napasulyap ako kay Sylvia na ngayoy umiinom ng tubig. I smiled at Tita Catalina. "Napaaway lang po."

Her frown deepened. "Bakit? Anong nangyari?"

I trained my eyes on the food in front of me, taking the quietest breath I could manage. Ayaw kong sagutin ang kaniyang tanong. Ayaw ko siyang ma dismaya. Wala akong ideya kung bakit, ngunit ang makita si Tita Catalina na nadidismaya sa akin ay napakasakit.

Uminom ako ng juice at ngumiti sa ginang. "Pasensya na po kayo. Hindi ko po sinasadyang... makipag away."

Tumango ang ginang, ang kaniyang mata napunta sa kaniyang asawa. Simon raised a brow and shrugged. "Why are you so shocked, Catalina? Sa squatter iyan lumaki."

Tinuon ko ang tingin sa aking pagkain, hindi makasagot sa pahayag ni Simon. Nagpatuloy ako sa pagkain ng umagahan.

"Simon." Suway sa kaniya ni Tita Catalina. "Can we not do this right now?" Narinig kong bumuntong hininga si Simon.

"Trent," tawag sa akin ng Ginang. Lumingon ako sa kaniya. "Po?"

"Puwede mo bang puntahan sina Aurelia at Mikael sa kanilang bahay? I really want to send them cookies and invite them to our party."

Bumilis ang tibok ng aking pusok, ang lalamunan ko nanuyo. Bakit ako? Hindi ba puwedeng ibang tao na lamang nila ang pumunta doon? I don't want to see Russell, especially not right now. But I can't say no to Tita Catalina. That would disappoint her.

Pilit akong ngumiti. "Sige po."

"Ipapahatid kita kay Ben. You can stay longer and chat with Russell if you want." Sumimsim si Tita Catalina ng tubig. "I heard you two are good friends."

Ngumiwi ako. Good friends... We've never really been good friends. We just pretended to be good friends, but we felt different from how friends felt for each other.

Good friends indeed. He's my best buddy.

"You want me to come with you?" Sylvia offered. Tumingin ako sa kapatid ko at umiling. There is no need for her to come.

"Huwag na."

Dumating ako sa bahay nina Senyora Aurelia dako alas nuebe ng umaga. Sabado ngayon at walang pasok kaya siniguro kong tagalan ang pagpunta sa kanilang mansyon. I spent almost an hour, planning, picking what I should wear. In the end, I settled for a plain sky blue shirt, and jeans. Wala naman akong planong kitain si Russell. Baka nga wala iyon dito. Baka kasama noon si Tricia, nagda date.

Ngumiti ako sa kasambahay na nagbukas ng pinto para sa akin. Dala ang box ng cookies, tinungo ko ang sala kung saan naabutan ko sina Senyora Aurelia at Senyor Kael na nag aayos. Mukhang may lakad ang mag asawa.

Nakita nila ako at ginawaran ako ng mainit na ngiti. I smiled back. Senyora hugged me tightly while Senyor tapped my shoulder.

"Trent!" She exclaimed. "Thank goodness, you're here. What took you so long to visit?"

"Busy lang po, Senyora." Inilahad ko sa kaniya ang kahon. "Pinabibigay po ni Tita Catalina."

Her face glowed. "Aw, she shouldn't have! Si Catalina talaga."

Knife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon