x

173 9 0
                                    

"Waiter?" Sigaw ni Sylvia.

Bumuntong hininga ako at blanko siyang tinignan. My jaw ticked when I saw her smile sweetly at me.

"Waiter, my order please!"

"Ilang beses ko bang dapat sabihin sa iyo na walang waiter dito?" Kinontrol ko ang tono ng aking boses. "Self serving cafe ito, Sylvia. Your coffe's on the counter. Get it yourself."

She rolled her eyes and stubbornly raised her chin. Matatay siyang tinignan ni Tricia. Russell, Tricia, and Sylvia looked like fucking idiots, huddled in one small circular table. Ipit na ipit si Russell sa gitna ng dalawang babaeng nag aagawan sa kaniya.

Walang ni isa sa kanilang tumayo para kunin ang order nila. Kanina pa ito dito at halos lumamig na ang cafe au lait ni Russell. Hindi ko din naman mahatid sa kanila dahil wala dito si Gio ngayon. May sakit daw, sabi ni Thorn. Kaya ako lang mag isa ang nagmamando sa buong cafe ngayon. Marami rami din ang mga tao kaya hindi ko maiwanan ang counter. Either I go to the kitchen, or the counter, there was no detour on that route.

Today was a particularly hot afternoon. Tila ba lumalabas galing sa lupa ang init, at pati ang hangin mainit sa balat. Hindi ko maipaliwanag, ngunit parang kinokondisyon ako ng paligid na ma badtrip.

I fanned my neck and smiled at the retreating customer. Hindi ko puwedeng lakasan ang aircon, isa iyon sa mga patakaran ng Circe's Cove. The cafe's temperature was normally just the right amount. Ngunit mas mainit talaga ngayon.

Tricia snapped her fingers at my direction. "Excuse me, please make hatid of the orders here."

Inilagay ko ang dalawang kamay sa glass shelf at tumawa ng bahagya. E kung i make dala ko tong order na ito sa mga makakapal niyong mukha?

Tumingin ako kay Russell. He was also looking at me, as if expecting me to bring his coffee to his table. Iyon kasi palagi ang ginagawa ko sa tuwing siya ang bumibili. I find time to bring his coffee personally to him, ngunit ngayon masyado talagang busy. Atsaka kaya naman nilang tumayo, hindi naman sila pilay.

He tilted his head, his cold orbs staring deeper into my soul.

Itong mayayayaman na ito. Self serving cafe nga hindi ba? Ang s stupid talaga. Umiling ako at bumalik sa kusina para tignan ang binibake na cupcakes.

Nang bumalik ako sa labas nandoon parin ang kanilang mga order. Pinikit ko ang aking mata at umiling. Talagang sinusubukan ako ng araw na 'to.

"Hey! Did you not hear me? Make hatid of those here!"

"Shut up, sis." Suway ng isang estudyante na nahihirapang mag focus sa laptop niya. "Ang ingay niyo. Use your feet din paminsan minsan. Stop screaming na din po. Konti nalang 'make hatid' na ang maisusulat ko dito sa thesis namin."

A lot of students inside the cafe resounded the same sentiment. Gaya ko napupuno na din sila sa pananawag ng dalawang babae na 'to. Tricia looked offended, and looked to Russell for protection. Gayon din si Sylvia but Russell's full attention was on me.

Nakatingin pa rin siya sa akin. He was genuinely expecting me to take his food to his table. Okay, siguro kasalanan ko din. Sinanay ko siyang paupuin at paghintayin sa kaniyang orders palagi. Sa isip ko iyon na ang munting kabayaran ko sa paghatid sundo niya sa akin palagi galing sa eskwelahan.

Ngunit ngayon, sadyang busy lang talaga ako.

Busy, o ayaw mo siyang kausapin?

Umiling ako para mawala ang boses. Matapos noong nangyari, hindi ko na masyadong kinakausap si Russell. I don't see the point. Sinusubukan niya akong kausapin ngunit palagi kong pinapaikli ang conversation.

Knife Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon