Someday [Schoolmates Until the End]

563 14 1
                                    

Someday [Schoolmates Until the End]

.

.

Nung mabasa ko ang As He Smiles sa wattpad, nainspire ako.. Kahit medyo panget ang pagkakatype ng kwento, okay nadin kasi relate na relate talaga ako sa storya. Parang ako si Jenica.. Kaya lang wala akong ex.. meron lang akong DJ. at si Dj.. ang parang carl ni Jenica.

Haaay.. Sana mapansin naman ako ni DJ.. 

Kagaya ni Jenica ng As He Smiles na crush na crush si carl nya.. crush na crush ko si DJ.. Sa storya, nagkatuluyan sila.. pero kami kaya ni DJ?.. magkakatuluyan kaya?..

----

Second year highschool kami nung maging close kami ni DJ. Asaran, kulitan.. kahit ibang sections.. kami lagi ang magkasama. 

Doon nagsimula ang pagkakagusto ko sa kanya. Hindi ko alam... Basta na lang nangyari eh. Natutunaw talaga ako sa ngiti nya. Lahat ng mga kaklase ko alam na sya ang gusto ko. Ultimo teachers namin eh. Minsan nga akala ng lahat kami na talaga. 

Haaay. Sana nga e.

Fourth year highschool - wala padin. Ganun lang.. Usap usap.. pero lumevel up sa texting. nakakainis talaga. Bakit kaya.. wala padin. Parang.. wala lang ako sa kanya.

Nakakainis talaga!

"Kath anong iniisip mo?" sabi sakin ni Joan. Bestfriend ko.

"wala Joan, ano nga ba uli sinasabi mo?"

"kanina pa kita napapansin, nakatingin ka sa labas, anong meron?"

"ha? ikaw talaga! wala no."

"alam ko na.. nakita ko na. hehehehe!"

"Adik!"

"Si DJ nanaman.. gusto mo ilakad kita?"

"ha? wagna wagna.."

"Sus.. ito naman nahiya pa. sige na.. malay mo kapag ginawa ko yun mas maging close kayo diba."

naisip ko na tama si Joan. Baka kailangan lang ng konting pilit galing sa ibang tao ni Dj para magustuhan nya din ako. Para.. magkafeelings din sya para sa akin.

Ipinakilala ko si Joan kay DJ. 

Tuwing tatambay kami ni Joan sa labas, lalapit si DJ para kausapin ako. Mukhang effective naman ang ginagawa ni Joan. Dapat pala talaga di ko sinasarili. Masaya din palang may iba kaming kasama ni DJ. Hindi yung kami lang naguusap minsan wala na kaming mapagusapan.

Kapag nandito si Joan, ayun, ok na ok.madami kaming napaguusapan kasi tatlo na kami di pares dati..

Lumipas ang mga araw.. Hanggang sa magkaron ako ng matinding sakit.

Di ko alam kung ano yun para ilagay pa ako sa ICU ng doktor.

Isang Unidentified na sakit. Mga 2 weeks din akong absent. Nagteteks ang mga kaklase ko sakin. Pero walang dumadalaw. Okay lang kasi minsan tinatawagan naman ako ni Joan. Pero kay DJ.. wala akong balita.

Medyo um-ok na ang pakiramdam ko, at ayun.. back to normal. balik sa school..

ang matinding balita?

Tada... si Joan pa ata si Cherry ng as he smiles.. or love ng hot love..

Sa halip na magustuhan ako ni DJ.. si Joan ang nagustuhan nya. 

Inisip kong mabuti kung ano ang naging mali ko para hindi ako magustuhan ni DJ. Hindi naman ako panget. Palagi ko naman sya pinapahiram ng mga bagay na hinihiram nya.

Someday (KathNiel One Shots)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon