Someday
.
.
Masaya kami ni Kath everytime magkasama kami. Sa bawat gawain na gagawin namin, kahit sobrang simple, sobrang saya.
Kwentuhan sa loob ng ministop.. Ice cream sa tabi ng daan.. Fishball..
Simpleng buhay lang.
Ako si Daniel John Padilla. Ang lalaking minamahal Si kathryn ng sobra sobra.
____
Maraming nanliligaw kay Kath. Kahit nga kami na, may mga nanliligaw padin. Okay lang. HIndi naman ako nagwoworry. Halos 5 years nadin kaming magboyfriend-girlfriend. Kaya ako, panatag ang loob ko.
One time, may sinalihang org sa baranggay namin si Kath. Nagpaalam sya sakin kung okay lang sakin.
"Okay lang sakin by."
"Thanks baby DJ! :)"
___
Naging president sya ng org na yun. Medyo naging busy sya pero nagkakaron parin naman kami ng time sa isa't isa. Kahit medyo marami akong trabaho, at pati sya, busy sa org nya.. Nagkikita parin naman kami.
January 15 - Anniversary namin.
Isang linggo bago maganap ang big day para sa aming dalawa, naghanda na ako ng todo todo. Pinagplanuhan kong mabuti ang gagawin.
Pero sa isang buong linggong yun, ni ha ni ho wala akong natanggap sa kanya. Hindi sya nagrereply sa mga texts ko. Kapag pinupuntahan ko naman sya sa bahay nila, sabi ng nanay nya wala sya.
Sa tuwing dadaan ako sa tindahan nila, tinitignan ko kung siya ba ang bantay don. Pero ang malungkot, hindi ko siya nakikita.
Sa araw ng 5th anniversary namin, nagtext ako sa kanya na hihintayin ko siya sa SM megamall. Mga 5pm nandoon na ako. Nagtetext ako sa kanya. HInihintay ang magiging sagot nya.
May dala akong roses pati na cake na paborito niya.
Habang naghihintay, tinitignan ko mga pictures namin sa cellphone ko. Namimiss ko na talaga yung babaeng yun. hehe! Bakit nga kaya hindi sya nagtetext.
Imposibleng makalimutan nya ang araw na ito. Imposible.
TInetext ko siya ng paulit ulit. Hanggang sa magdilim sa labas. Hindi na ako mapakali. Medyo matagal tagal nadin akong naghihintay sa text nya. Kaya nagpaload uli ako para magkaron ng pantawag.
Dinial ko number nya. Nung unang dial, hindi siya sumasagot.. Hanggang sa makatatlong dial na ako, ayun sa wakas sinagot na niya.
"Kath nasan kana?" sabi ko. nagaalala na ako sa kanya. Ngayon niya lang ulit sinagot ang tawag ko.
BINABASA MO ANG
Someday (KathNiel One Shots)
Fanfiction4 Stories. One Song. (LSSP: Someday by Nina/Nyoy Volante) Characters: DJ || Kathryn