Chapter Four
Mississippi
"IS YOUR brother annoyed by my presence?"
Binalingan ako ni Atalanta. Kasalukuyan kaming nasa silid niya at inilalabas ang mga damit sa kanyang closet. Tinutulungan ko siyang i-sort out ang mga damit na ayos lang i-pair sa light colored na mga damit na pinamili namin. Atalanta is a Goth kaya lahat ng damit sa kanyang closet ay kulay itim. She doesn't want to get rid off all black clothes pero gusto niyang unti-untihin ang pagbabago sa kanyang way of clothing. I want to help her do that kaya ako naroon.
"No, he isn't. Siguro dumidistansya lang siya sa'yo after mong sabihin sa kanya na siya ang gusto mong maging asawa."
Ngumisi ako. "Ah, natakot siya sa kalokohan ko." That was slightly a joke.
"Marami ng babaeng nagsabi sa kanya ng ganoon and ended up harassing him kaya umiiwas siya."
"Kaya pala."
"Missy, I told you before never to expect something intimate from him, right?"
"Yeah, I remembered."
"Actually, I was really expecting something from you," pag-amin niya. Natigilan ako. "I expect you to know him better and consider the idea of dating him."
I laughed. "Lan, oo medyo straight-forward ako for a girl pero hindi ako namimilit ng isang lalaking ayaw sa akin, you know that. Kahit masakit, kapag alam kong wala akong pag-asa sa isang lalaki, ako na ang kusang lumalayo. Nangyari na 'yan sa akin with Raphael."
"And I will always thank you for letting go."
"That hurts but you're welcome," nakangiti kong sabi. Hindi ko alam kung paano kami naging magkaibigan ni Lan pero siguro nagsimula iyon noong panahong tinanggap ko sa sarili ko na walang patutunguhan ang feelings ko para kay Raphael since day one.
"But seriously Missy, how do you see my brother?"
"Crush."
"But you never blurt it out."
"Hindi ba pwedeng umiba naman ako ng taktika ngayon?" I tried to joke pero seryoso pa rin si Lan habang nakatingin sa akin. "Okay, medyo mas mataas ng konti sa crush ang level ng feelings ko para sa brother mo but it doesn't mean na mauuna na akong manligaw. No way! I'm still a Filipina although I have little foreign blood."
"Really? Anong nationality?"
"Greek."
"So that explains your family name. Your father is greek."
"My mom," pagtatama ko. She was silent and I guess she's a little worried. "No big deal, Lan. My mom is half-Filipino and half-Greek, which explains her adventurous lovelife."
"How about your dad?"
"He's in Europe. He's all Filipino with a huge bank account and we seldom meet just like my mom."
"I'm sorry if I asked you too many questions, Missy."
"That's all right. Matagal ko ng tanggap ang mga pangyayari sa buhay ko. As for your brother, I think he's a fine man pero baka sumakit lang ang ulo niya sa akin," sabi ko na natatawa. Lan didn't laugh. Minsan talaga ay hindi ko alam kung paano pakikitunguhan ang kaibigan kong ito. Kakaiba kasi siya but thinking of her past reminds me why she seldom smile and laugh. Hindi rin naman kasi maganda ang naging nakaraan niya. Good thing may Raphael na siya na nagpapasaya sa gloomy niyang mundo. Atalanta is trying her best also to change, that is why nandoon kami at naghahalungkat sa closet niya.
BINABASA MO ANG
Adonis
RomanceKinakabahan si Donnar kapag nalalaman niyang may babaeng nagkakagusto sa kanya. Iniiwasan niya ang mga ganoong klaseng babae. Pero hindi niya nagawang iwasan ang malapit na kaibigan ng younger sister niya. Si Mississippi o Missy. Sa simula pa lang...