Epilogue

1.5K 64 28
                                    

Epilogue


ISANG maliit na iyak ang nagpatigil sa balak sana ni Donnar sa akin. Bigla ko siyang naitulak at nahulog siya mula sa kama. Narinig ko pa siyang napa-aray.

"Sorry, Honey!" sabi ko saka bumangon. Buti na lang at disente pa akong tingnan. Agad kong nilapitan ang crib na malapit lang sa kama. "Sorry baby. Nandito na si Mama!"

Kinuha ko mula sa crib ang mag-iisang taong gulang naming anak na lalaki.

"Baby, share mo naman sa akin si Mama," sabi ni Donnar habang hinahaplos ang ulo ng anak namin. Natawa ako. Our son, Icarus Aaran looks like his father. Hindi nga lang ito blonde. Dark brown ang buhok ni Baby Ian, gaya ng buhok ko. But he has his father's eyes.

"Mukhang gustong mamasyal ni Ian kaya ipasyal mo muna siya at nang makapag-ayos naman ako sandali. 'Yang balak mo, mamaya mo na gawin kapag tulog na ang anak natin," sabi ko kay Donnar. Kinarga niya si Ian. Nakakatuwang pagmasdan ang mag-ama.Very cute!

"Honey, magluto ka ng afritada ha?"

"Oo na!"

Bago lumabas ng silid ay hinalikan ako ni Donnar sa mga labi. "I love you."

"I love you too."

"I love you three!"

Natawa ako sa ka-corny-han ng asawa ko. He went outside the room with Ian. He wasn't that expressive before but now, wala ng ginawa kundi mag-I love you. Siyempre, mas gusto ko naman 'yon.

Inayos ko ang sarili ko bago ako lumabas ng silid. May family gathering kami since naroon nga si Raphael, ang constant visitor ng sister-in-law ko na si Atalanta. Nakatoka akong magluto ng paborito kong afritada. I am a housewife, painter and a part-time event organizer sa mga social events ng family ko. More than that, I'm a happy mother.

Speaking of mother, nakita kong karga-karga na ng mother-in-law ko si Ian. Ian is the center of attraction sa family since siya ang panganay na apo. Masaya ako na naging biyenan ko si Dame Andromache. She maybe strict pero nang tanggapin niya ako sa pamilya nila, pinaramdam niya rin sa akin kung paano siya maging ina, something she vowed to do ever since she realized how her parents treated her.

Yes. Nalaman ko na ang inang tinutukoy ni Mama Andromache ay ang sarili nito mismo. Hindi man siguro ako pinalad sa babaeng nagsilang sa akin pero mapalad ako sa ina ng asawa ko. Mapalad ako na naging kabilang sa pamilya nila.

Maliban kay Mama ay nakikipagkulitan din kay Ian ang asawa ni Keeper na nagdadalang-tao sa unang anak nila ng brother-in-law ko. Until now, I really can't believe that she became Keeper's wife. Iba talaga mag-plano ang Diyos.

Good thing He always plans for the best.

AdonisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon