Chapter Twelve
Adonis
THREE hours ago. Santorini National Airport.
Wala ako sa sarili matapos ang lunch kasama ang pamilya ni Missy at ang pamilya ng magiging in-laws niya. Masokista yata ako. Nang makita ako sa beach ni Chrys at yayain sa family lunch ay sumama pa ako.
Naguguluhan ako. Gusto kong malaman ang totoo. Kagabi pa ako hindi mapakali kaya tinawagan ko si Keeper. Hindi ko na inisip kung busy siya basta kailangan ko ng makakatulong sa akin. Nang sabihin ko sa kanya ang problema ko, inakala kong magugulat siya pero hindi iyon ang nangyari.
"So you already knew it."
"Ano'ng alam mo?" tanong ko sa kanya. Kasalukyan ko siyang kausap sa phone. Kauuwi ko lang sa hotel room mula sa birthday celebration ni Henry Alcatraz.
I heard Keeper sighed on the other line. "Donnar, ayoko na sanang sabihin ito eh. Pati si Roiri ay nag-iisip na si Missy ang dahilan kaya nagpresenta ka na pumunta diyan."
"Bakit parang alam niyo lahat ito pwera sa akin?" tumaas ang tono ng boses ko. Pakiramdam ko ay pinagkakaisahan ako ng lahat ng tao sa paligid ko. "Explain!" I demanded.
"Okay. Pupunta ako diyan. I'll explain in person."
At ito ang dahilan kaya nasa airport ako ngayon. Nakikita kong papalapit si Keeper sa direksiyon ko. Madali ang naging pagpunta roon ng kapatid ko since private airplane namin ang sinakyan niya.
"Hello Bro!" bati niya sa akin. Hindi ko magawang batiin siya. Bumuntong-hininga si
Keeper. "You're in love."
Tumalikod na ako at naunang maglakad patungo sa kotseng inupahan ko. Tahimik na sumunod si Keeper. Nagpunta kami sa isang restaurant. Tahimik lang ako habang kumakain siya ng tanghalian. Iniisip ko ang nangyaring lunch kanina. Ni hindi ipinahalata ni Missy na kilala niya ako. Para akong estranghero sa kanya.
"Mama knew about her," basag ni Keeper sa katahimikan.
Tiningnan ko ang kapatid ko. "How?"
"When we were in the Philippines. Noong graduation ni Lan. Nakita ka ni Mama na kausap si Missy. Tinanong niya ako tungkol sa inyo ni Missy. I told her that Missy and you were friends pero kilala mo naman si Mama, madaling makaramdam."
Now I remember. Kaya pala ganon ang tanong ni Mama sa akin bago ako nagpunta ng Greece. May alam na siya pero gusto niyang ako mismo ang umamin. Kaya lang, kung may alam ang mama ko, bakit hindi niya ako pinigilan sa pagpunta sa Greece?
"Pina-imbestigahan ni Mama si Missy. Nalaman ko lang kung sino ang inutusan niya kaya nalaman ko ang mga impormasyon tungkol sa ating Little Missy."
I listened to him.
"Mississippi Constantinidez is Mississippi Alcatraz in real life. Anak siya nina Henry Alcatraz at Milerna Constantinidez. She was an illegitimate child until Henry knew her exsistence five years ago. Matagal kasi siyang itinago ni Milerna mula sa kanyang ama. Henry had a wife and has a daughter named Chrysanthe. Meanwhile, Milerna had another illegitimate daughter after a year Missy was born. Her sister's name was Mary Sheirme."
Keeper pronounced the name like 'Sheer-me' kaya parang ang weird sa pandinig ko.
"Was?"
"Yes, was. Mary Sheirme Constantinidez died five years ago, few weeks before Henry found Missy. For few years, namuhay ang mag-iina sa Jackson, Mississippi. Masasabing pabayang ina si Milerna. According to stories, madalas na ang magkapatid lang magkasama while Milerna was enjoying her life. Sabi rin sa report, sa kabila ng pagiging pabayang ina, Milerna faved Missy a lot. Malayo ang loob ng ina sa bunsong anak dahil pagkakamali lang daw ang kawawang bata. She loves Missy dahil anak niya ito kay Henry Alcatraz, her dream man."
BINABASA MO ANG
Adonis
RomanceKinakabahan si Donnar kapag nalalaman niyang may babaeng nagkakagusto sa kanya. Iniiwasan niya ang mga ganoong klaseng babae. Pero hindi niya nagawang iwasan ang malapit na kaibigan ng younger sister niya. Si Mississippi o Missy. Sa simula pa lang...