Chapter Ten

933 42 12
                                    

Chapter Ten

Adonis

"ADONIS Narcissus!" Napabaling ako sa kay mama. Hindi ko namalayang kanina pa pala ako tulala sa harap ng hapag-kainan. Nakatingin din sa akin ang mga kapatid ko. Nasa London kaming lahat and our mother grabbed the opportunity na makasalo kami sa isang espesyal na hapunan sa Bradford Residence.

"Are you sick?" tanong ni Mama.

"No, Ma. I'm fine."

"Are you sure?" nagdududa nitong tanong. Tumango ako saka nagpatuloy sa pagkain. Two weeks na mula ng bumalik kami ni Lan sa London. Sa loob rin ng dalawang linggo ay hindi ako mapakali at may tao akong gustong makita. "By the way, I need one of you to represent the company in an out-of-country meeting," sabi ni Mama. "One of our international partners is celebrating his birthday four days from now and I would like one of you to go there."

"Busy ako sa New York. Hindi ako pwede," sabi ni Roiri.

"Me too," Keeper said. "Si Donnar na lang since mukhang bored siya sa opisina," may himig ng panunukso na dagdag niya. Kinunutan ko siya ng noo pero ngisi lang ang isinukli niya.

"Bored? Ngayon ko lang yata narinig na na-bored ka sa trabaho mo," Mama said.

"I think he's busy too," sabad ni Lan. Kasalukuyang nagti-train si Lan sa kompanya para sa posisyong hahawakan niya in the future. She was still adjusting to her new environment as a part of the company.

"So sino pala sa inyo ang pupunta ng Greece nito?"

Para akong nakarinig ng announcement ng book signing ng favorite author ko. "Me! I'll go!" agad kong presenta. Nagulat tuloy sila. "Airplane ba natin ang gagamitin or commercial plane? I'll go."

"Akala ko ba busy ka rin?"

"Yeah I'm busy kaya nga kailangan kong mag-unwind. Ako na lang, Mama," sabi ko. Nakita kong nakangisi ang mga kapatid ko pero hindi ko pinansin. "Kailan ang alis ko?"

"There's something strange about you, Donnar," nagdududang sabi ni Mama.

"I guess I just need a vacation, Ma. That's it."

"Okay. You may go. Pagkatapos ng obligations mo doon, you have a three-day leave."

"Thanks Ma." Mabilis pa sa alas-kwatro ko na naayos lahat ng gamit na dadalhin ko sa Greece. May nakahanda akong bagahe parati for emergency travel. Habang nasa silid ako ay pumasok si Lan.

"Donnar, pwede ka bang makausap sandali?"

"Sure. What is it?" tanong ko.

"Raphael e-mailed me that he didn't see Missy after the graduation. Binigyan ko siya ng number and address natin dito pero hindi ako nakatanggap ng kahit na anong tawag mula sa kanya. Raphael also told me that Missy deactivated her Facebook account or any social media she used. Wala siyang e-mail na ibinigay sa akin. Donnar, she told me her mom is Greek. Maybe she's in Greece," sabi ni Lan sa akin.

"I'll try to find her after my obligations there."

"Thanks. Donnar, do you miss her?" I was silent for few seconds before I answered.

"Yes. I terribly miss her. Actually, I already missed her after the graduation."

"You like her!" "Ganon ba 'yon?" "I missed Raphael when he stopped stalking me. Gano'n din ang nararamdaman mo ngayong hindi ka na kinukulit ni Missy. I think you love her."

"Hindi ko pa 'yan masasabi ngayon. Ayoko munang magsalita ng tungkol diyan but I am open for any development," nakangiti kong sabi. Magaan ang pakiramdam ko. Kung tama ang hinala ni Lan, wala akong magiging denial. Gusto ko kasi ang nararamdaman ko.

AdonisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon