PROLOGUE

73 3 0
                                    


AGAD akong pumasok sa Black Rose Boutique upang tumingin ng mga bagong damit na pwede kong bilhin at pwede ko ring ipang-regalo. Tumitingin-tingin ako sa jeans shelf nang may marinig akong isang news. Napatingin ako sa Hanging TV at napansin kong break news ito. Anong meron sa china? Isang pinay reporter na halatang may pinuntahang meeting sa Beijing, China. 

“Mga kababayan, nandito tayo ngayon sa isang sikat na restaurant sa Beijing, China na kung saan nagkakagulo ang mga tao at pawang takot na takot na tumatakbo patungo sa iisang direksyon. Isang lalaki diumano ang nanghahabol ng mga tao, babae man o lalaki, matanda man o bata, at walang habas na dinadakma at kumakain ng lamang loob ng tao. At base sa mga taong aming napagtanungan kanina, ang mga nakakain diumano nito ay nangingisay at pagkalaon ay tatayo at susugurin ang sino mang makita nito. Mga kababayan, totoo man o hindi ang mga ito ay dapat tayong mag-i—” 

Napanganga ako sa nakita. Isang lalaki ang patakbong lumapit sa pinay na reporter at walang habas na kinagat ang leeg nito. Gulat na gulat ang pinay na reporter na kahit ang camera man ay walang nagawa at naestatwa sa kinatatayuan kaya’t nagtalsikan ang dugo sa screen kasabay ng pagkawala ng breaking news. Agad kong inilibot ang paningin ko at kahit ang mga tagabantay dito sa boutique ay nakahawak sa mga bibig na animo’y gulat na gulat. 

“Hoy, babae! Ba’t mo ko ini—” Hindi ko na siya pinatapos sa sasabihin niya dahil hinila ko siya malapit sa akin at agad na tinignan ng seryoso. Wala na siyang kaalam-alam sa nangyayari sa hometown niya?

“Gago? Nakita mo ba ‘yun?” Nakoconfuse kong tanong sa kanya. Habang nakatingin parin sa hanging TV na nasa harapan ko. Napatingin ako sa kanya nang hindi ko siya marinig na sumagot. She just looked at me in confusion rin na para bang wala siyang kaalam-alam. Hindi niya alam kung ano ang mga nangyayari sa Beijing, China. Magsasalita na sana siya ng biglang mag-ingay nanaman ang TV. Na animo’y may pumasok ulit na break news.

Napatingin ako doon at nagulat ako ng isang amerikanang babae ang nag-rereport. May tatlong containers na nagflash sa gilid nito na may chinese characters doon. Galing sa China. 

“Break news. Three choppers just landed somewhere in Dallas and they left three human size containers with 6 humans in it. The 6 humans eagerly attack the people around them—”

Hindi pa natatapos ang break news at ay mga break news na nag-flash ulit. Paulit-ulit lang ang content kung saan ang lahat ng containers at choppers ay galing China base sa mga Chinese characters na nakaukit doon. Halos buong mundo na ang may break news na ganto at nagimbal ako sa nakita kong sumunod na break news. 

“Tatlong hinihinalang containers ang inilapag ng tatlong chinese chopper at iniwan na lamang ang mga ito sa may bandang Mindanao. Nakakuha ito ng maraming atensiyon dahil sa pulang pintura ng mga ito na animo’y hindi sinasadyang nailagay. At ng kanila nitong buksan ay nagulat sila sa nakita. Panoodin ang aktual na bidyo.” 

May nagflash sa video sa screen na halatang live sa isang social media app at doon makikitang maraming tao ang nasa video. 

// Translated in Tagalog

“Juswa! Ano yan?!” Sigaw ng isang matandang lalaki sa video.  May hawak ito itak at kunot-noong nakatingin doon sa tinatawag niyang Juswa. 

“Lalagyan, ‘tay!” Sagot naman ‘nung Juswa. 

Itinaas ng matandang lalaki ang itak niya at tipong ibabato sa lalaking si Juswa. Agad na umilag si Juswa at tumawa kahit hindi naman ibinato ng tinatawag niyang ‘tay ang hawak nitong itak. 

“Anong laman niyan, Juswa?” Sigaw ng isang matandang babae. Dahan-dahan namang lumapit ‘yung Juswa dahil walang naglakas ng loob na puntahan at lapitan ang mga containers. Nag-iingat ba.

Nang makalapit ‘yung Juswa ay dahan-dahan niya itong binuksan. Nang mabuksan ay agad na bumagsak ang dalawang tao sa container na isa. Agad na nagpanic ang lahat ngunit walang sumigaw. May dalawang lalaking nakared at black naman ang lumapit sa dalawa pang containers at binuksan iyon. Nagulat ang lahat nang tig-dalawang tao ang nasa loob ng bawat isang container. 

Sinubukang galawin ‘nung Juswa ang mga katawan ng tao at zi-noom naman ng nagvivideo ang camera lens. Nakazoom sa mukha ng isang lalaki ang camera lens ng bigla itong dumilat. Nagulat ang nagvivideo kaya’t nagulo ang video ngunit bumalik agad ang camera sa mga tao ng biglang ingay ang paligid. 

Inatake na pala ng lalaking dumilat ang mata ‘yung Juswa. Lalapit sana ‘yung matandang lalaki ng biglang tumayo ang ibang galing containers at inatake ang matandang lalaki. Agad na gumulo muli ang video na animo’y nagtatakbuhan na sila. 

“Takbo!” Rinig kong sigaw ng isang lalaki dun. Napatapon ang camera na parang nadapa ata ang nagvivideo at doon na natapos ang video. 

Hindi ko na napagtuunan ng pansin ang iba pang sinasabi ng reporter nang lahat kaming nasa boutique ay napanganga sa video. What the fuck is happening?!

War with DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon