CHAPTER 2

41 2 0
                                    




THIS is my second day in the Philippines and my very own lovely parents are already in Hawaii. Ugh! I thought makakasama ko sila sa vacation ko but... nevermind. Di pa ako nasanay. I was about to lie on my bed but I remembered something. That's right. Min Chi's here! Shit. I get my phone and call Xiang Min Chi. Should I scam her?

'Calling Min Chi...'

["Yes, hello? Xiang Min Chi speaking."] Mahinahong tugon nito sa linya.

"This is Mrs. Bianca Chiangco and your sim card won ₱100,000.00. Get your prize in the nearest mall in New Manila, Bulacan. Your rewards will wait for you in the nearest sim card shop inside the mall near the main front door. Please prepare a cash worth of ₱20,000.00 as a requirement to receive the prize." I said and hung up. I know she'll fall for that. Why? Kasi uto-uto siya. That's why masarap siyang i-scam and i-prank. I can already imagine her face when she gets there. Hahahaha!

I went to the bathroom and did my rituals and after that, I just wore jeans, white slim fit top and a white pair of sneakers. I put on some light makeup and voila! I'm perfect! And if you're thinking, what is my skin care routine? Then, don't ask. Madami, sa sobrang dami, bukas pa tayo matatapos.

Pagkalabas ko ng gate ng mansion ay agad akong tumawag ng grab dahil nakalimutan ko na ang pasikot-sikot dito sa Pilipinas. Dzuh! 5 years din ako sa New York. Baka nga mas kabisado ko pa ang New York kaysa dito sa Pilipinas, eh?

After a couple of minutes, the grab came and sumakay agad ako kasi sobrang init sa labas. I don't use umbrellas kasi nakakatamad. "Kuya, sa pinakamalapit na mall po dito sa New Manila." I just said and when I say mall malapit sa New Manila, it means outside New Manila, right? Pinaandar niya na ang kotse at ako naman ay tumingin sa labas na animo'y nag-e-emote. Kidding! Nakatingin ako sa labas kasi kinakabisado ko ang dinadaanan namin para di na ako mag-grab sa susunod.

Wala pang isang oras ay nasa Mall na agad kami. Binasa ko ang pangalan ng mall at napakunot ang noo ko sa nabasa. Parang Mall. Parang Mall ang pangalan ng mall na ito?! Is this true? Is this some kind of a joke?

Bumaba na ako sa grab at nagbayad. I went inside the Parang Mall at naghanap ng pinakamalapit na bench sa mismong main front door ng mall. Nang makahanap ako ay agad akong umupo doon. I looked at my phone and it's already 9:17 AM. Pinatay ko ito at naghintay na lang kay Min Chi.

Wala pang ilang minuto ay agad kong nakita si Min Chi na pababa sa kotse niya. Mabilis siyang pumasok sa loob ng mall at luminga-linga. Napatingin siya sa direksiyon ko at na nagulat. Agad siyang lumapit sa akin at nilagay ang dalawang kamay niya sa bawat gilid ng baywang niya na para bang nanay na handa nang pagalitan ang pasaway niyang anak.

"You are the one who did that, didn't you?" Tanong niya habang naniningkit ang mga mata. Matagal na nga pala siyang singkit. I just laugh at her at tumayo mula sa pagkakaupo ko. I looked at her and smirked.

"What if I am?" Nang-aasar na tanong ko sa kanya. Agad namang napalitan ng inis 'yung istriktong tingin niya at agad akong sinuntok sa balikat. That kinda hurt. Slight.

"Nakakainis ka! Alam mo bang nagmamadali akong pumunta dito kasi akala ko totoo 'yung tawag na 'yun. Tapos 'yun pala ikaw lang 'yun. Tapos di mo pa sinabing nandito ka na! Kung hindi pa sinabi ni Nick na nandito ka na baka naglumpasay na ako agad kanina nung makita kitang nakaupo diyan!" Mahabang lintanya niya. Seriously? I smelled something fishy here? Amoy-malansa. Parang may kung ano sa dalawa.

"Sabihin mo nga, anong meron sa inyo ni Nick Ronald?" I ask suspiciously pero ang gaga ay tumawa lang ng malakas. Kaya ang nagtinginan sa amin 'yung mga tao na malapit sa amin. Nakakahiya siya. I just left her at naghanap ng botique na mapapasukan. I saw a combination of black and red boutique na may pangalang 'Black Rose Boutique'.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Apr 13 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

War with DeathTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon