Chapter Four

25 3 0
                                    

Third Person's POV

Gulat na gulat si Xyrus sa na kita nya. Hindi nya akalain na, si Queen ito.

"Sige. Dahil babae ka, konti Lang kaming lalaban." Saad nang leader ng kabilang grupo.

"Oh c'mon. Don't tell me, natatakot kayo na Baka matalo ko kayo?" Nakangising saad ni Queen.

"Tsk. Ang yabang mong babae ka--"

"Baka ikaw. Naiinip na ako. Ano na?" Putol ni Queen sa sasabihin nito.

"Ha! Sige. Ibibigay ko ang gusto mo. Oh.." Sabay tingin sa mga kasamahan Nya at sinabing, "Huwag nyo seryosohin. Babae yan. Bilis na." Nakangising saad nito. Pumunta naman sa gitna si Queen para simulan ang laban. Limang lalaki ang lumapit kay Queen. Bago pa man sila maka lapit, natumba na agad sila. Sa bilis nang mgagalaw ni Queen ay hindi nila ito halos makita. Ang tanging nakakita lamang ay isang tao na nagmamasid simula pa kanina.

"P-Paanong?" Bulong nang leader ng kabilang grupo. Napangisi naman ang mga kasamahan ni Queen. Ang hindi alam ng kalaban ni Queen ay, nagpaulan na ito ng suntok at sipa. Mabilis ang pangyayari at Hindi nila nakita ang ginawa ng pag tira ni Queen. Walang nakasagot sa leader ng kalaban ni Queen dahil lahat sila hindi makapaniwala. Kung titingnan mo nang mabuti ang mga katawan nang napabagsak ni Queen ay makikita mo na marami ang pasa at kung titingnan mo nang malapitan ay hindi mo makikilala ang mga ito. "ARGH! Ano pang hinihintay nyo!? Sugudin nyo na yan!" Sigaw nang leader.

Sabay sabay silang nag sisugod kay Queen ngunit nabigo sila. Mabilis ang mga galaw ni Queen at sa isang iglap, mas nauna pa siyang makapunta sa pwesto nang leader.

"Are you sure you can defeat me by just letting them to attack me? Look at them. They are so weak. So tell me, how can they defeat me? Huh?" Nakangising bumulong si Queen sa lalaki. Tila naman nabuhusan ng malamig na tubig ang leader na iyon. "In this case. I'll let this pass, but. Your gang will be one of our underlings." Dagdag panito.

"O-Okay. P-Payag ako." Natatakot na sabi nang leader.

"Good." Bulong ni Queen dito. Umalis na ito sa likod ng lalake at nag punta sa kotse nya. Para naman sa mga kasama nya ay senyales ito na kailangan na nilang umalis. Isa isang umalis sa kinatatayuan ang mga kasama ni Queen.

"Ma swerte kayo dahil hindi nyo sya nakitang maging halimaw sa pakikipaglaban. Now, welcome. Isa na kayo sa underlings namin." Nakangising sabi ni Andrew sabay alis papuntang kotse nito. Simunod na din sina Ashly at Xander.

Nang makaalis na sina Queen, bigla na lamang napaluhod ang leader na iyon. Hindi sya makapaniwala. Nakaharap nya ang taong iyon. Kung hindi pa nya napansin ang mga galaw nito ay hindi nya ito makikilala. Sya lamang naman ang Silent Queen sa Underground City. Ang kanilang Queen na ni minsan ay hindi nag papakita sa kahit sino. Napaka palad nila, dahil kung tutuusin, isa sila sa mga nakalaban nya. Minsan lamang kasi ito makipaglaban, ang nalaban minsan ay ang tatlong lalaki.

Sa isang banda naman, naka tulala lamang si Xyrus sa nasaksihan. Hindi nya akalain na ang mabait na President ay kayang makipag laban nang ganun. Miski sa sarili nya, alam nyang weak sya at hindi marunong lumaban. Inistart nya na ang sasakyan nya at nilisan ang lugar. Hindi nya alam kung paano sya nakauwi dahil wala sya sa sarili habang nag dadrive.

Andrew's POV

Umuwi na ako pag katapos nun. Naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Hindi muna ako nag abala na sagutin iyon dahil si Xander lang naman ang natawag sa akin ng ganitong oras. Hinayaan ko lamang na mag vibrate ito hanggang tumigil. Alam ko kasi na yayayain lang ako na mag bar nang kumag na ito. Nag vibrate muli ang aking cellphone. Kinuha ko ito at agad na sinagot ang tawag nang hindi tinitingnan ang caller ID.

How It Ended UpTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon