13: Fan Reactions

156 15 2
                                    

Pagkatapos nung unang interview, parang naging routine na lang yung mga kasunod. Mas naging komportable na si Ava sa pakikipag-usap sa mga hosts. Nagagawa na nga din niyang makipagbiruan. Pero kahit pa ganoon, medyo guarded pa rin siya kapag nakikipag-interact kay Dom. Dahil doon sa picture na sikretong nakunan nung unang interview nila with Beatrice, iniingatan na niyang huwag masyadong lumapit kay Dom. She really didn't want to bring more trouble to him.

Right now, katatapos lang niyang magshoot ng mga contents para sa kanyang TikTok account. Nagpatulong siya kay Ricci para madami siyang ma-shoot ngayon. Nag-iipon na siya ng at least 2 weeks worth of content. Simula kasi sa isang araw ay magshu-shoot na siya ng mga contents kasama si Dom since tapos na iyong mga naka-sked nilang interviews.

"Girl, bakit nakatunganga ka pa diyan? Dumating na yung delivery natin. Let's eat na, sobrang gutom na ako!"

Ava lazily got up from the sofa and walked towards the kitchen. Ilang minuto na silang kumakain ni Ricci pero wala paring nagsasalita. Parang pareho silang wala nang lakas para magsalita.

Nung malapit na silang matapos kumain saka lang nagsalita si Ava. "Alam mo, Ricci, dati feeling ko napaka-glamorous maging celebrity. Magaganda at pogi sila, tapos madaming nagmamahal sa kanila na fans, at malaki ang kinikita nila kahit simpleng appearance lang. Pero ngayon, pseudo-celebrity nga lang ako pero feeling ko drain na drain na ako."

Tumawa si Ricci. "Ginusto mo yan, di ba? Desisyon mo yan, wala namang pumilit sayong pumirma dun sa kontrata."

Sumimangot si Ava. "Bestfriend ba talaga kita? Hindi ka man lang makisimpatya sa paghihirap ko."

"Dahil nga bestfriend mo ako kaya hindi ko sinu-sugar coat ang mga sinasabi ko. Real talk lang, girl, ginusto mo yan."

"Kainis ka, magbabasa na nga lang ako ng mga fan comments para naman maramdaman kong sulit ang pagod ko."

Tumawa lang uli si Ricci saka nagpatuloy sa pagkain. Si Ava naman ay kinuha ang cell phone niya para magbasa ng mga comments sa social media habang kumakain.

@ User892347: ahhh! Sabi ko dati hindi deserve ng kahit na sinong babae si leader, pero bakit ganun? Kinikilig ako sa stolen picture na yan??

@ User9342: Nakita niyo ba yun? Sa bandang 6-minute mark nung nabubulol si Ava, iba yung tingin ni leader. Ang supportive, gagi!

@ User23489: Senior-Junior relationship daw, LOL! Wag kami, Dom! hahahahah

@ User34912: Matagal na akong nanonood ng mga interviews ni Beatrice. Ito yata ang first time na nagfangirl siya sa isang pairing.  I swear! Kitang-kita ko yung kilig niya sa interview!

@ User19473: Wala pa bang kumukuha sa #UnrealCP para gumawa ng drama? I need to see more of them!!

Reply to @ User19473: Please, drama gods! Yung sobrang sweet na drama sana hehehe

Reply to @ User19473: I agree! Okay nga lang sa akin kahit walang kwenta ang plot ng drama, just put them together in the same frame again!!!

Reply to @ User19473: Kahit nga hindi drama eh, kahit short film lang! Miss ko nang makita ang #UnrealCP sa iisang frame!

Reply to @ User19473: Ako nga photoshoot lang, kuntento na, para may magamit pang-photocards heehee

Reply to @ User19473: O kaya pang wallpaper sa phone hahahaha

Ngumiti si Ava. But it's not like she was really happy with the meaning behind the comments or something. Wala siyang kahit na anong romantic aspirations para sa kanila ni Dom. She didn't want to delude herself just because she was lucky enough to be in this situation with him. Para sa kanya, nirerepresent ng mga comments na 'yan ang security ng kanyang future career. Habang may ganyang mga comments, she feels assured about her relevance and importance. She knew that it sounded really devious and calculating. Pero 'yan ang natutunan niya kay Sir Teddie mismo.

Naalala niya ang sinabi ni Sir Teddie nung tinanong ni Kuya Caloy kung okay lang ba talaga na mag-schedule ng mga activities at tumanggap ng projects na magkasama sina Dom at Ava. Worried kasi si Kuya Caloy na baka magbackfire daw iyon sa dalawang alaga niya. 

"We already did our part. Sinabi na natin ang totoo sa napakaraming interviews. It's not our fault anymore that they didn't believe it. Kaya hindi nila pwedeng gamitin yan sa future para i-criticize tayo for capitalizing on their popularity as a pair. Moving forward, we can exploit this situation and maximize our gains with a clear conscience."

After hearing that, Ava realized exactly how cunning Sir Teddie was. Suddenly, naiintindihan na niya kung bakit ganoon ang behavior ni Dom noong araw na 'yon. He actually came to her and asked her repeatedly if she was really sure that she wanted to sign a contract with Starlight Media.

"By the way, Caloy, make sure na malinaw din ito sa mga possible co-collaborators bago tayo pumirma ng kahit ano. Better yet, put it in writing to give us some wiggle room just in case," dagdag pa ni Sir Teddie.

Even after knowing all these, Ava still stood by her decision. After all, it's definitely better to be on Sir Teddie's side, right?


From the Hot Trends to Forever (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon