62: CEO's Wife

200 15 8
                                    

It's been a week since that incident. Hindi pa rin matahimik ang loob ni Dom. Sa tuwing hindi sila magkasama ni Ava, palagi siyang kinakabahan. So madalas ay nagmemessage siya sa leader ng mga bodyguards na naka-assign kay Ava just to make sure that she's still okay. Minsan nga hindi pa sapat yung message lang galing sa bodyguards. He also asks them to take some photo evidence that she is indeed okay.

Speaking of bodyguards, hindi pa niya nasasabi kay Ava ang tungkol sa kanila. Hindi naman sa ayaw niyang sabihin. It's just that kung sasabihin niya ang tungkol sa mga bodyguards, then he would have to tell her about that incident with Casey as well. Hindi pa niya alam kung paano sasabihin kay Ava ang lahat. He's scared. Scared that there are still hidden threats around her. Scared that he would go mad with worry. And scared that she might not understand him and hate him for what he's done.

Today is one of the rare times that Dom has to go to his company's office. As in yung kompanya na tinayo nila ni Rico. Kahit pa si Rico ang general manager at kayang-kaya na niyang i-handle ang lahat, may mga official documents pa rin ang nangangailangan ng pirma ni Dom. Also, he didn't want to be completely clueless about everything. Pag pumupunta siya doon, he also takes the time to read updates and reports just to keep himself informed. Pero ang problema, gusto niyang puntahan si Ava ngayon. Magdalawang araw na silang hindi nagkikita dahil pareho silang may mga sked na trabaho.  And that's how he found himself standing in front of Ava's door instead of going to the office.

"Akala ko may work ka ngayon. Bakit nandito ka?" gulat na tanong ni Ava nang mapagbuksan niya si Dom.

"Ayaw mo ba akong makita?"

Hindi alam ni Ava kung kailangan na ba niyang seryosohin ang pag-aalala. Ilang araw na kasing parang laging balisa si Dom. It's like his dog just died even though he doesn't have a dog. Teka, parang mali ang analogy. Ah, basta. It's like he's always gloomy and somber lately. Hindi tuloy niya magawang itanong yung tungkol dun sa nangyari last week. Hindi pa rin siya sigurado kung panaginip ba yun o nightmare o sadyang nalasing siya ng husto dun sa sake kaya kung anu-ano ang imaheng pumapasok sa isip niya.

"Of course not," pinasaya ni Ava ang boses niya kahit pa medyo nag-aalala na talaga siya. Tapos hinila niya ang kamay ni Dom para makapasok.

She guided him towards the sofa. Pagkaupo ni Dom, agad na hinila niya si Ava para maupo sa tabi niya. Then he immediately wrapped her with his arms. He hugged her firmly like his life depended on it.

Ito ang isa pang kinakabahala ni Ava. Dati na namang may pagka-clingy si Dom. At naa-appreciate din niya yung pagiging sweet niya tulad nito. But does he really need to hug her like it's the last time every time? Seriously, he would hug her for a solid 15 minutes while muttering stuff like "I love you," "please always be safe," I would go crazy if you ever get hurt," and so on. Siyempre nung unang ginawa 'yan ni Dom, Ava thought it was sweet. Pero ngayon, it's starting to become alarming.

"Uh... Dom? Hindi ba kailangan mong pumunta sa office niyo ni Rico sabi mo sa akin kagabi?"

"Parang ayoko nang pumunta."

"Pero sabi mo dati importante yung pagpunta mo doon. So you can check how everything is going there."

"I'd rather stay here with you, love."

Napabuntong-hininga si Ava. "How about if I just go with you?"

Bahagyang humiwalay si Dom kay Ava para tignan ang mukha niya. "Really?"

Nakangiting tumango si Ava. "Kung okay lang sa'yo. Gusto ko ding makita ang office niyo."

"Okay na okay sa akin."

"Alright, magbibihis lang ako. Hintayin mo lang ako dito." Dinugtong ni Ava iyong huli niyang sinabi. Because Dom looked like he wanted to go with her. But it's not like he was thinking of doing something naughty or anything. Kitang-kita ni Ava sa mga mata ni Dom na gusto lang talaga niyang palagi silang magkasama. Like he doesn't want her to leave his sight. At hindi ito ang unang pagkakataon na umakto ng ganyan si Dom. Palagi siyang ganyan sa tuwing kailangan na nilang maghiwalay.

From the Hot Trends to Forever (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon