22: From Background to Cover

135 13 13
                                    

In the next couple of days, nag-stay lang si Ava sa apartment niya. But it doesn't mean that she didn't work. As a social media influencer, naturally all she needs is access to her social media accounts to do her job. She also answered e-mails, responded to comments and DMs, and posted some contents that were already in her Drafts folder. On her third day at home, nagsend ng message si Kuya Caloy sa GC nila with Dom, informing her about a possible magazine photoshoot. By afternoon, confirmed na ang shoot complete with the schedule, venue, and theme.

On the day of the magazine shoot, magaling na ang sprain ni Ava kaya hindi na siya nagpasundo kay Kuya Caloy. Isa pa, magsasabay kasi sila ni Ricci sa pagpunta sa studio kung saan gagawin ang shoot. Magko-contribute kasi ng mga damit si Ricci para sa shoot. Siyempre siya ang nagrecommend sa kaibigan. The magazine wanted to have a fantasy slash princess theme for this magazine cover. Ricci's designs are perfect for this.

Pagdating sa studio, hinatid agad siya ni Kuya Caloy sa dressing room. May naghihintay na doong hairstylist and make-up artist. Habang si Ricci naman ay hinahanda ang mga isusuot niya. Mayamaya pa ay dumating na ang team mula sa magazine.

"Ava, this is Kristie, siya ang editor in chief ng Glitter&Gloss magazine. Ito naman si Roxie, ang photographer at director ng shoot today," pakilala ni Kuya Caloy sa mga bagong dating.

Ava looked at them through the mirror's reflection in front and waved. Hindi kasi niya maigalaw ng basta-basta ang ulo para lumingon. The hairstylist put big curlers in her hair. Natatakot siyang magulo ang mga 'yon.

"Hello, Ms Kristie and Ms Roxie!" she said smiling. "Nandiyan nga pala si Ricci. Siya ang nagdedesign ng mga princess dress ko."

Ricci appeared from somewhere. Pinakilala uli ni Kuya Caloy ang editor in chief at photographer kay Ricci. After checking that Ava already has everything she needs, lumipat na sila sa kabilang corner kung saan naroon ang mga damit na dinala ni Ricci.

"Ava, lalabas lang ako sandali. I'll just go check on Dom. He's supposed to arrive any moment now."

"Okay po, Kuya Caloy."

A few minutes later, bumalik na si Kuya Caloy. Nakasunod sa likuran niya si Dom. And almost instantly, naging extra energetic ang feeling ni Ava. She wasn't sure why. Basta parang biglang naging mas naging lively ang paligid nung dumating si Dom. Siguro dahil may kasama siyang dalawa pang tao. The more people, the livelier, right?

"Hi, Ava," Dom greeted her before sitting on the other make-up chair. "I hope you don't mind." He pointed at the two guys behind him. "Kasama ko ngayon sila Kuya Gary at Ed. Sila ang nagshu-shoot ng Night Hellions vlog."

"Oh," napatingin si Ava sa dalawang lalaki. Kumaway sila sa kanya kasabay ng pagtutok ng mga hawak nilang camera sa kanya. "Okay lang. It's an honor na mapasama sa isang Night Hellions vlog."

Pero kahit pa ganoon ang sagot niya. Sinaway parin ni Dom sina Kuya Gary at Ed. "'Wag niyong masyadong kunan ng footage si Ava. Baka awayin siya ng mga fans."

"Hindi siya aawayin ng fans. Supportive silang lahat sa inyong dalawa," sagot ng mas bata sa dalawa na si Ed.

"How do you know?"

"Sabi nila sa comments. Kahit tignan mo pa."

"Wait, anong comments?"

Sa gilid ng mata ni Ava,ay pinanood niya ang paglabas ni Dom ng sariling cell phone.

"Ano 'to? Bakit naka-post na agad sa Stories?"

"Utos ni Sir Teddie," sagot lang ni Ed.

Hindi na uli sumagot si Dom. Lumapit na kasi iyong make-up artist na naka-assign sa kanya para simulan ang kanyang make-up. He stole a glance at Ava to see if she was bothered or anything. Pero mukhang relax na relax lang naman siya doon habang nagba-browse sa cell phone.

But Dom didn't know that Ava immediately checked the Night Hellions social media accounts after hearing what Ed said. Nakita agad niya ang Stories na tinutukoy ni Dom. It was a black and white picture of her and Dom's back. Pero sa likuran ng picture, kita doon sa reflection ng salamin na pareho silang nakangiti sa isa't isa. It was probably taken when Dom just arrived and greeted Ava. Ang galing din ng timing ni Ed sa pagkuha ng picture. Kuhang-kuha talaga yung moment na pareho silang nakangiti.

Curious na sinilip ni Ava ang mga comments.

@ user9048: Admin, sure ka bang tama 'tong na-post mong picture? May approval yan ni overprotective bf Dom?

@ user394: Bakit pakiramdam ko parang bridal photo ito???

@ user32454: Nooo! My heart is broken! Wag mo munang i-announce ang relationship mo, Dom. Hindi ko pa kayaaaa

@ user4829: Bakit feeling ko iba ang aura ng ngiti ni Dom kapag kasama niya si Ava?

@ user234294: Admin, bakit ka nagpopost ng ganito? Bakit mo kami sinasaktan???

@ user3124: Ahhh! Ang ganda ni Ava! Parang gusto na ding maging fan ni Ava!

@ user1343: May nakita akong comment na mukhang bridal photo daw ito. I agree! Alam niyo yung mga pictures habang nagpe-prepare ang bride at groom bago ang ceremony, parang ganun ang feelssss OMG!!!

@ user3489: Admin, post pa kayo ng more bts pics! pleaseeee


Then the official account of Glitter&Gloss magazine reposted that Story.


@ user4582: Sooo, photoshoot pala ito para sa magazine! I can't wait!

@ user8503: Finally! Magkakaroon na ang #UnrealCP ng mga high-quality pictures! Hindi na natin kailangan mag-edit!

Reply to @ user8503: At hindi na natin kailangan mag-enhance ng pixelated screenshots! So happy!

@ user9473: Ready na ang bulsa kong mabutas hahaha! Bibili ako ng madaming kopya ng magazine na yan!

@ user32483: Paano naman kaming walang baon at walang budget? huhu!

@ user12348: Kailan ilalabas ang magazine na yan? Kailangan na nating mag-ipon!

@ user349: Glitter&Gloss is a fashion magazine. Ahh! I can't wait to see the visuals of #UnrealCP

@ user35490: So proud of our #UnrealCP! Isipin niyo dati nasa background lang sila ng mga Stories at video posts, ngayon nasa magazine cover na!

Reply to @ user35490: hahahaha! dko alam kung sarcastic ka ba o ano, pero agree ako sa'yo LOL

@ user84394: Meron na bang fan GC ng mga #UnrealCP supporters? Gusto kong sumali, isali niyo ko pleaseeeee


A week later, nagrelease ang Glitter&Gloss ng preview ng kanilang cover para sa susunod na buwan. On the cover, there was Ava wearing a little fairy outfit, complete with wings. Nakatapat sa mukha niya ang palad na mayroong gold at gliterry powder. She was pouting like she just blew a handful of that powder towards Dom, who was looking at her like he was hypnotized by her beauty. Or maybe it was because of that powder. Who knew? Pero dahil sa picture na 'yan ay tuluyan nang nabuo ang Fairy Dust fanbase, ang official fanbase nina Dom at Ava.


From the Hot Trends to Forever (ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon