Minsan ng naging tanga.umasa sa maling pag-ibig, Pag-ibig na akala ko ay totoo lang ayun pala isa lamang kasinungalingan. Bawat araw na lumilipas nahuhulog ako sa taong dapat nung una pa lang iniwasan ko na. Bawat araw para sakin isang romansa,pero para sa kanya isa lang pala ako sa mga babaeng pinaglaruan nya. Akala ko mahal nya din ako pero hindi pala maling mali ako,dahil meron na pala syang ibang babae bago ako.pinaglaruan nya lang pala ako.
"Totoo ba?, totoo bang pinaglaruan mo lang ako?".
"Oo,totoo yun kasi sa simula pa lang,ginawa lang kitang girlfreind ko dahil gusto kong maging girlfreind yung nakita mo kahapon.".
"Bakit?.alam mo bang masakit dito,masakit dito sa puso ko.sa simula pa lang pala ginagawa mo na akong tanga.bakit kailangan mong paglaruan ang isang babae para lang makuha ang gusto mo?!!".
"Ganun talaga ang buhay.kasalanan mo din naman kasi tanga ka".
Tanga ako oo tanga ako dahil minahal kita binuhos ko lahat ng pagmamahal ko sayo di na nga ako nagtira para sa sarili ko .ano nga bang magagawa ko,mahina ako eh babae ako madaling masaktan,pero mahal na mahal kita eh kahit man lang bang katiting na pagmamahal sakin kahit pag kagusto lang wala kang naramadaman?.Ang sakit ang sakit sakit..
"Kahit man lang bang konti wala kang nararamdaman sakin?".
"Haha ako,? Magkakagusto sa katulad mo eh wala ka ngang ka class class eh..ni hindi ka nga maruning mag-ayos ng sarili mo ,panget ka.sa tingin mo may magkakagusto sayong katulad ko?.tsaka hindi tayo TALO gwapo ako pangit ka at walang class..haha ang kapal din naman ng mukha mong itanong sakin yan".
"Siguro nga di tayo talo,ikaw kasi popular ka eh samantalang ako loner lang walang kaibigan,laging malungkot,laging binubully.samantalang ikaw halos lahat ng babae tinitingala ka haha,ang kapal nga ng mukha kong tanungin kung may naramdaman ka sakin kahit konti haha..sino bang mag kakagusto sa isang panget na katulad ko eh noh haha nakakatawa haha".
Para na akong baliw sa harap nya. Tumatawa habang umiiyak haha baliw na nga ako.haha ang sakit.
"Ang drama mo,di ka naman kagandahan."
"Please bumalik ka na sakin,kahit gawin mo akong katulong mo,please nakikiusap ako wag mo lang ako hiwalayan". Nakikiusap ako.
"Ayoko,ang tanga mo din eh noh.sabi ko wala na tayo hiwalay na tayo.kaya di kita mapagbibigyan. May girlfreind na ako,kaya tumahimik ka na".
"Sige, pero pwede ba kitang yakapin?."
"Ayoko umalis ka na nga. Nandito ako para makipag hiwalay tama na wag ka ngang tanga,hindi kita gusto tumahimik ka na".
Ang sakit ng mga sinasabi nya pero nakukuha ko pang tumawa.ang sakit eh.Masakit marinig yung mga salitang masasakit na yun lalo na sa taong mahal mo pa galing.
"Aalis na ako wag mo na ako tatawagin.baka mag selos pa ang girlfreind ko."
"Sige,paalam haha salamat sa mga ala ala".
"Tss..lahat naman ng naiwan kong ala ala natin kasinungalingan lang.walang totoo kahit isa.Kahit pa yung sinabi ko na MAHAL KITA hindi totoo".
Tumalikod na sya.habang ako naka tunganga lang na nakatingin sa likod nya.hanggat sa hinabol ko sya at niyakap.
"Eto na ang huli.alam kong di mo ako mahal,pero ako totoong minahal kita paalam..joseph."
Tumalikod na ako at pinunasan ang mga luha ko. At sinabi ko sa sarili ko.
Sinaktan mo lang ako,ginawa mo lang akong laruan mo kaya sa susunod na magkita tayo hindi na ako ang tangang babae na naniwala sayo, dahil sisiguraduhin ko na ikaw mismo ang magmamakaawa na bumalik ako ulit sayo. pero eto lang ang masasabi ko HINDING HINDI KITA SASALUHIN kaya humanda ka sa My Revenge .
~~~~~~~~~~~
Sensya na po kung pangit ang prologue hehe.sareehh.
Yung makikita nyo pong video ayan po yung mga sweet moments nila..madami pang inig sabihin nyan basta magbasa na lang kayo haha.