Angkas
"Zul Qurnain Rabbani.." Ashley murmured as she searched Zul's facebook account.
Kumunot ang noo ko sa narinig. Kanina pa ito dumadaldal sa akin tungkol sa lalaking 'yon. She is obviously very interested.
I scoffed that made Ashley burst into laughter. Naghihintay nalang kaming dalawa na mag bell para makapasok na sa kan'ya-kan'yang classroom.
"Ito naman...galit agad?" natatawang siko niya sa akin.
I just shook my head as I review my schedules.
It's our first day as a senior high school students. HUMSS ang kinuha kong strand samantalang si Ashley naman ay STEM. Parehas sana kami ng kinuha pero biglang nagbago ang isip niya sa kukuning strand. Aniya, mas cool daw pakinggan ang STEM kapag tinatanong siya kung anong kinuha niyang strand. Inang rason 'yan.
"How's your summer, Riri?" mapanuyang bati sa akin ng mga classmates ko pagkapasok ko sa room namin.
Maraming nakakita noong nangyari last summer no'ng dinosaurs alive event. They even addressed me as Zul's next target dahil sa ginawa niyang drama noon. Bakit? Because he is a playboy.
Inilingan ko lang sila at hindi na pinansin. I enrolled here in Christ the King College de Maranding. It's a christian school yet there's few muslims students who are enrolled here. The idea that in this school there's a unity in behalf of our different views and beliefs warms my heart.
Hindi na sumabay sa akin si Ashley dahil may pupuntahan daw sila kasama ang bagong kaklase. Inayos ko ang stand ng Mio ko nang sa bato ko ito nadepina. Nang i abante ko ulit ito ay nagulat ako nang hindi ko ito ma usad at ma anga-angat.
"Shit!"
Pinaandar ko ulit ang motor pero hindi ko talaga ito ma-iusad. Napamura ulit ako nang napansin kong parang nabibilaukan na ang motor dahil sa matindi kong pag kambyo ng manibela. Itim na usok na rin ang lumalabas sa tambutso at kulang nalang ay mag o-overheat ito.
I tilted my head to check if there's someone's other vehicle as I maneuvered my Mio backward. Baka may maaatrasan pa akong motor 'pag hindi ko na check nang maayos ang likuran ko.
Pero isang bano ang nakangisi sa akin pagka lingon ko sa likod habang nakahawak siya sa metal na puwetan sa upuan ng motor ko. I gritted my teeth when I saw how satisfying he was. Kaya pala hindi ko mai-usad ang motor dahil malakas pala niya itong pinipigilan!
"Ano ba!" singhal ko sa kan'ya sabay baba sa motor ko.
Pinandidilatan ko siya ng mga mata. He laughed as he raised his both hands like he is surrendering from an awful crime.
Noong una ay hindi ako naniniwala na gagawin akong target ng lalaking 'to. Now that he is pestering me ay napa-isip ako baka tama nga sila. Ano siya, sinu swerte? Wala akong pakialam kung guwapo siya at isa siyang Rabanni! Hindi niya ako magiging biktima.
"Uuwi ka na ba?" he asked as his annoying face was still evident on his face. Lakas mang-asar ng banong 'to.
"Obvious ba?" irap ko sa kan'ya.
Sumakay ulit ako sa motor ko at pinabalik-balik ulit ang tingin ko sa likod at harapan para makaka-sigurado 'kong hindi na niya ako go-good time-min. Kunot na kunot ang noo ko habang ginagawa ko 'yon as he watched me amusingly also.
Nang nakasampa na ako sa motor ay nilingon ko ulit siya. Tumikhim ako as he flawlessly rode his black NMAX, too. Sa kan'ya pala 'yon. Nang makita ko kasi 'yon kanina ay hinaplos ko ito dahil sobrang ganda no'n at kinis. I silently rolled my eyes. Baka 'pag nalaman niya ang ginawa kong pagpantasya sa motor niya ay baka mas lalo niya akong aasarin.
BINABASA MO ANG
Changing Its Rays (Sultan Naga Series #1)
RomanceDorothy Maeve Andino think that messing up with rich sons and daughters of the influential politicians of Sultan Naga was the greatest example of putting herself in a big trouble. Hindi niya naisip na may posibleng may mas malaking gulo ang puwedeng...