CHAPTER 1

17 4 3
                                    

Enjoy reading:))

Hiraya

Panaginip lang pala. Masyado yata akong umasa na babatiin niya pa rin ako kagaya ng dati. Na baka napatawad na niya ako.

Tulala tuloy akong kumakain ng instant noodles. I heave a sigh. Naupo naman sa tabi ko si Inari at sinimsim ang kape sa tapat niya. Alas-cuatro ako nagising at talagang masakit pa rin ang ulo ko.

I looked at her and out of nowhere I asked. "Galit pa rin kaya siya sa'kin?"

She then looked at me, puzzled. "Sino?" Napaisip pa ito saglit bago magsalita muli. "Ahh . . . Malay ba naman natin. Bigla ka na lang hindi nagparamdam sa kaniya. Pero ang tagal na rin naman n'on. Baka nakamove on na 'yon sa'yo."

Uminom ulit ito ng kape bago magsalita. "Pero baka kahit hindi na galit sa'yo yon ay ibig sabihin ay okay lang sa kaniya iyong ginawa mo. Kilala mo si Arielle, hindi iyon madaling makalimot." Bahagya pa itong umiling-iling. "Naiintindihan kita dahil alam ko ang rason mo pero siya kaya? Naiintindihan ka kaya niya?"

"Sayang 'no?" I then said. "Okay na sana kami, eh. Ang dami lang nangyari." Bitterness crept all over me. Ang daya. Kung kailan handa na ulit ako saka naman bawal.

"Mas sayang kung ipinagpatuloy niyo. Paano ka na? Kayo nina tita?" She held my hand. "Maligo ka na nga lang. Malay mo naman, Ariella is just a phase for you. It's been a long time already. Free yourself from the past, Hiraya."

MAAGA akong nakarating sa café na pinagtatrabahuhan ko. Sinalubong naman ako kaagad ni Clarisse. Patapos na ang shift nito at ako ang kapalit niya. Open 24/7 ang café at hindi parang hindi ito nauubusan ng costumer.

"Aga mo naman, girl. Anong gagawin mo, hoy? Maya-maya pa tapos ng shift ko," bungad nito sa akin.

Sa probinsya ko pa rin pinili magtrabaho dahil nang lumuwas ako ng Maynila, ginusto ko ring umuwi. Homesick na homesick ako dahil wala man lang ako noong kasama. Wala si Inari, o kahit mga kapatid ko man lang.

I am the breadwinner of the family. Though, tumutulong din si Win para sa daily expenses sa bahay. Pinatigil ko na sina mama sa pagtatrabaho dahil sa nangyari sa kaniya noon. Buti na nga lang at nabayaran na namin ang naging utang namin.

"Umuwi ka na. Kami na bahala dito. Umuwi ka na sa anak mo." Kaagad naman itong umiling. "Intayin mo na lang matapos shift ko. Patapos na rin naman," kaagad na sagot nito sa akin.

Napailing-iling naman ako sa sinabi nito. "Bahala ka. Basta sisimulan ko na trabaho ko."

The day went on like usual. Umuwi rin si Clarisse nang pasado ala sais na. Naiwan kami nina Marisa. Hindi pumasok ang may-ari at manager ng café dahil may darating raw ang girlfriend nito at magkakaroon sila ng welcome party lara rito.

I sighed. Rich peoples and their habits of throwing parties.

Nang matapos ang shift ko ay agad akong bumiyahe patungo sa bahay ng mga Lopez. Nag-order kasi ang mga ito ng crochet flower kay Inari at ako na ang pinagdala ng kaibigan ko.

Ayaw na ayaw ni Inari ang magbabiyahe ng walang kasama at isa pa ay may gagawin daw siyang cupcakes na order daw ni Win. I giggled mentally. Pakiramdam ko ay maayos na ulit sila.

QUARTER to six na ng dumating ako sa bahay ng mga Lopez na bahay ng may-ari at manager ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.

"Hiraya, hija, kanina ka pa hinahanap ng Donya Tasha," bungad sa akin ni Mang Karlito. Ngumiti ako sa kaniya bilang pagbati at pagkatapos ay tinanguan.

"Ang Donya Tasha talaga. Talagang sabik ho na dalhin ko na ang pangregalo sa girlfriend ng anak niya. Nariyan na ho ba ang Senyorita Lina?" Umiling ang matanda sa akin.

"Mamayang alas-otso pa yata ang dating. At alam mo naman ang Donya, gustong-gusto ang Senyorita para sa panganay." Sabay kaming napatawa dahil doon. Nagpaalam rin ako agad sa kaniya upang dalhin na ang order nitong crochet tulips na gawa ni Inari.

Donya Tasha is the matriarch of the Lopez's family. Matagal nang patay ang asawa nito sa pagkakatanda ko. Pero kahit na noong nabubuhay pa iyo ay ang Donya talaga ang tumayong padre de pamilya ng mga Lopez.

Ang panganay nitong si Senyorito Lucio ang may-ari ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. At ang girlfriend nito, hindi ko pa personal na nakikilala ngunit madalas maikwento ng donya at ng mga anak nito.

Pagpasok ko ay iginiya ako ng isa ring kasambahay dito papunta sa silid kung nasaan ang donya. Habang paakyat kami ay kinakausap niya ako.

"Alam mo ba yang si Senyorita Lina masungit 'pag wala ang Senyorito? Ngingiti lang 'yon kapag kausap at kasama ang mga Lopez. Hindi ko nga alam kung paano nila nakayanan ldr eh halata namang hindi kayang mawalay sa isa't isa." Napailing-iling siya sa huling sinabi. "Pero narinig ko baka dito na raw titira ang senyorita. Maghahanda na raw kasi para sa kasal."

Doon ako tuluyang napatingin sa kaniya. Sa pagkakatanda ko ay walang balak ang senyorito na magpakasal.

Napatingin din siya bigla sa akin tapos ay tinaasan ako ng kilay. "Hindi mo alam? Kalat na nga 'yon eh. Ikaw lagi kang huli sa balita."

Doon na natapos ang pag-uusap namin, kung pag-uusap bang maituturing 'yon dahil siya lang naman ang imik nang imik. Nakarating kami sa library ng bahay.

Sinalubong kaagad ako ng donya upang kunin ang crochet na hawak ko. Ngumiti ito sa akin ng matamis.

"Thank you, Hiraya. Why don't you sit down muna. Malayo ang ang naging biyahe mo. . ." Malambing ang tono niya ngunit halata pa rin ang sopistikasyon sa boses. Marahan akong napailing-iling dahil kailangan kong umuwi agad.

Tinaasan niya ako ng kilay. "No. You sit down here and-" Napatigil siya sa pagsasalita dahil biglang bumukas ang pinto. Sakto rin na nagring ang cellphone ko. I looked at her apologetically. I then said, "Sasagutin ko po muna ang tawag."

Narinig ko pa ang sinabi ng isang kasambahay ng pumasok ito. "Narito na po ang Senyorita Lina, donya."

Tumungo ako at binuksan ang bag na bitbit ko. Hinanap ko roon ang cellphone. Hindi iyon tumigil sa pagring kaya lumayo ako ng kaunti sa donya, natatakot na baka ay mairita siya sa tunog.

Nang makuha ko ang cellphone ko ay singot ko kaagad iyon at dali-daling tinahak ang daan palabas. Tapos ay tumunghay ako at idinikit ang cellphone sa tenga.

And when I look up, I saw the familiar pair of blue eyes. Those blue eyes bore onto mine. Ngunit hindi na masasalamin doon ang pangungulila at pagmamahal na gaya ng makikita sa akin.

— • —

Haloooo! Sobrang tagal ng update ko kaya sorry po. Been busy this past few weeks kasi nagmoving-up kami. Sorry for the typos and maling grammar.

Still no specific date for update. Thank you for reading:>>

Dandelions Where stories live. Discover now