Hiraya
I look at myself in the mirror. I look paler than before and my hair is longer now.
Kung dati ay hindi ako madalas magsuot ng salamin, ngayon ay susuotin ko na iyon kapag aalis ako at kapag gagamit ng anumang gadgets.
Ang laki ng pinagbago ko. Andami na ng nagbago.
I sighed and combed my hair. Pumasok si Linaria at pumunta sa likuran ko. Siya ang madalas mag-ayos ng buhok ko na kung dati ay hanggang balikat o 'di kaya ay mas mataas pa, ngayon ay halos umabot na iyon sa bewang ko.
"Sasabay na daw sa'yo si Win," pagsisimula niya habang tinitirintas ang buhok ko. Tumango na lang ako bilang sagot.
"Okay ka na ba?" tanong n'ya pa. Tumango ulit ako bilang tugon, walang gaanong gana na makipag-usap.
"Hiraya, paano kung. . . " she trailed. Mukhang nagdadalawang-isip kung itatanong ba ang anumang nasa isip nya pero pinili nyang magpatuloy. "Paano kung hindi ka niya nakalimutan? Malaki ang pinagbago mo at mahirap ka nang mamukhaan. Baka hindi ka nya lang talaga namukhaan."
I bit my lips. "Paano kung nakalimutan niya nga ako? At ano naman kung ganoon nga? Para namang mahalaga pa 'yon." She rolled her eyes.
"Eh ano yung pag-iyak mo kahapon kung wala na talagang halaga 'yon?" I mentally cursed. Kailangan ba talagang ipaalala?
" 'Wag mo nang ipaalala yon, pwede? Ikaw na rin ang nagsabi na kailangan kong palayain ang sarili ko kaya wag mo nang i-bring up pa 'yung kagabi. Okay na ako."
She sighed and pouted her lips. "Sorry, nag-aalala lang ako sa'yo." She then continue to braid my hair. "Si Win pala hatid mo hanggang sakayan ng jeep. Alam mo naman 'yon, shunga minsan."
Pagkatapos na pagkatapos akong puyudan ni Linaria ay niyakag ko na si Win na umalis. Kanina pa rin naman siya handa kaya hindi ko na siya kailangang hintayin.
Nang nasa pinto na kami ng apartment ay nagpaalam na si Inari sa magaling kong kapatid. "Ingat kayo."
At ang magaling kong kapatid ay yumakap muna kay Inari bago tuluyang lumabas. "Take care, too... " he whispered na narinig ko rin naman.
I scrunched my nose. Corny ng mga tao ngayon.
PAGKARATING ko sa café ay ganon ulit ang naging tagpo namin ni Clarisse. Pagkatapos ng kaniyang shift ay kaming dalawa na lang ni Marisa ang nandoon. Ang Sir Lucio naman ay nasa loob daw ng office nito ay may ginagawa.
Kokonti lang ang costumer sa loob ng café dahil Friday. May isang naka-school uniform and the rest ay casual ang suot.
Medyo nagulat rin ako ng may nakita akong babae sa harap ko dahil medyo preoccupied pa ang utak ko. Binati ko rin naman siya agad at tinanong ang order nito.
"The usual," tipid nitong sabi. Medyo naguluhan ako dahil bago lang siya dito kaya hindi ako sigurado kung sino siya. Nakayuko dahil may tinitipa sa kaniyang cellphone kaya hindi ko rin makita ang mukha.
"Po, ma'am?" I asked. Ilang segundo pa bago siya mag-angat ng tingin.
"Oh, sorry. I'd like a coffee to go."
Nang makita ko kung sino iyon ay hindi ko mapigilang mabigla. Si Linnaeus iyon. Ngumiti naman ako agad para itago ang pagkagulat ko. Maliit rin itong ngumiti pabalik.
Inasikaso ko naman agad ang order niya. Siya naman ay naupo sa malapit na table. Hindi ko na inabala pang tanungin ang pangalan niya dahil alam ko na naman.
"Black coffee to go for Ms. Lina."
Tumayo rin kaagad si Linnaeus nang marinig ang sinabi ko. Habang kumukuha siya ng pera sa wallet niya ay tinanong niya ako.
"You're the girl yesterday, right?" Tumango ako bilang tugon. Inabot nito ang bayad sa'kin pero nag-alangan akong kunin iyon. Siyempre, girlfriend sya ng owner at parang hindi tamang tanggapin iyon. Pero tumingin ito sa akin na parang sinasabing tanggapin ko ang bayad.
"So you are. . ." tumigil siya saglit upang tumingin sa name tag ko. Natigilan siya at nabura na ang ngiti niya. Bahagya ding umawang ang kaniyang labi.
Tumingin siya ng diretsyo sa mata ko bago magsalita.
"Hiraya. . ."
YOU ARE READING
Dandelions
Teen FictionHiraya never thought she'll fell in love with someone else while having relationship with Max. - • - Photo used in the book cover is not mine. Credits to the rightful owner. #gl