Hiraya
"Hiraya..."
I was awakened when I felt someone slightly tapping my shoulder. Nang iangat ko ang ulo ko at imulat ang mga mata ay nakita kong si Linnaeus iyon.
"Your friends are looking for you. It's lunch time already," sabi niya.
Pinunasan ko ang pawisan kong noo gamit ang kamay at inaantok na tumango sa sinabi niya. Kinuha ko ang bag ko at tumayo na.
"Bilisan mo naman sana, Hiraya! Pa-main character ka na naman." pasigaw na sabi ni Seirah na nasa may pintuan.
"Maghintay ka!" sigaw ko rin. Nang makarating sa may pintuan ay binulungan ako ni Shin.
"Yakagin mo si Arielle, please. Ilakad mo ako," pagmamakaawa nito sa akin. She had a huge crush on her ever since makita niya ito. Love at first sight raw. Corny.
"Ikaw magyakag tutal ikaw ang may gusto. Hindi naman kami ganoon ka-close, eh," pairap kong tugon sa kaniya. Inirapan rin ako nito at nilingon si Inari.
"Ikaw nga magyakag, Linaria, please. Suportahan n'yo naman ako kahit minsan," paawa nito.
"Ayaw n'yan sa pababy, Shin. Ekis ka na ro'n." Si Inari na nagawa pang tumawa. "Ikaw na kumausap, english dapat," ngumingisi niyang sabi.
Tinaas tuloy ni Shin ang middle finger niya. "Wala kayong puso!"
"Arielle!" sigaw ni France. Nilingon siya ni Linnaeus. "Do you want to ano, uhm.... tangina, ano ngang english no'n?"
I chuckled because of that. Nakakaintindi naman kasi si Linnaeus ng tagalog, sadyang oa lang ang mga kasama ko.
"Kung gusto mo raw sumabay sa'min kumain ng lunch?" I asked.
"I... uhh... already eat but thank you," she smiled at us apologetically.
"ANO ULAM mo, France? Pahingi ako," tanong ni Veronica.
"Hoy gago si Nath kanina..."
"Tapos ka na sa assignment, Mira?"
Maingay sa canteen, lalo na sa table namin. Walo lang kami ngunit kapag nagsama-sama ay walang kasing ingay.
"Liane, nasaan si Max?" I asked her classmate na nasa circle na rin namin.
"Nasa may ano pa yata, sa may room. Tinatapos nila kanina ni Rizha 'yung project naming by partner eh."
"Ri..zha? Hindi nya nasa...bi," pahina ang boses ko lalo na at nakita kong magkasamang bumibili si Max at si Rizha. Ngunit umalis rin kaagad pagkabili. Napatigil tuloy ako sa pagkain dahil nawalan ng gana.
"Gago, seryoso? Sabi niya alam mo naman raw..." Linunok muna niya ang kinakain bago magsalita ulit. "Tangina talaga niyang girlfriend mo eh. Bakit kasi hindi mo pa hiwalayan?"
"Syempre, red flag enjoyer 'yan," singit ni Inari. "Kahit ilang paragraph pa 'yang advice mo o kahit bigyan mo pa 'yan ng long list kung bakit need n'ya hiwalayan 'yang gf n'ya, hindi niya yan hihiwalayan." Inirapan ako nito.
"Hindi na naman daw sila nag-uusap ni Rizha..." I defended.
"Girl, kita mo naman sila kanina... Tapos pinaglilihiman ka na naman ulit. Gumising ka na sa katotohanan, Hiraya," sabat naman ni France.
Nakagat ko ang labi ko. Wala nang maisip na rason.
"Sumbong mo kaya kay Tita Maxie," suhestiyon ni Veronica. "Tamo, pipilitin ka pa no'n na hiwalayan mo anak niyang cheater."
Umiling ako. "Mapapatapon si Max sa lola niya. Ayaw niya doon kasi masyadong liblib sa probinsya ng lola niya."
Nanggigigil na napapikit si Inari. "Eh 'di mabuti! Hindi siya makakapangbabae! Bakit ba mahal na mahal mo pa rin 'yan eh pailang beses na ba n'yang nagcheat? Hindi lang isa, girl."
"Tama tama," patango-tangong sabi ni Liane.
"Konti na lang talaga, isusumbong ko na siya kay Tita Summer at Tita Maxie, eh." Si Inari ulit.
"Oh, kain na, Hiraya. Alam kong mahirap lunukin ang katotohanan kaya sabayan mo nang pag-inom ng tubig," sabi ni Miracle na sinubukang bawasan ang tensiyon sa table namin.
I IGNORED Max for the rest of the day. Kahit noong nag-offer siya na ihatid na ako sa'min pauwi ay tumanggi ako.
"Sabay kami ni Inari uuwi. May meeting lang daw sila," I said. Kami pa lang dalawa ang nasa may waiting shed noon.
"Eh, baka matagalan pa sila. Tara na," pagpupumilit nito habang kinukuha ang bag ko sa akin.
"Walang kasabay si Inari uuwi mamaya kung sasabay ako sa 'yo. Umuwi ka na," pagmamatigas ko naman.
Naiinis nitong binitawan ang bag ko. "Bahala ka na nga. Para kang tanga, eh."
I was offended pero nasanay na ako. Pinanood ko siyang sumakay sa kaniyang motor at umalis. I sighed heavily. Matamlay akong napaupo.
Matagal din akong naghintay sa may shed. Lagpas alas-cuatro na.
I inhaled deeply, inaantok na. Inintay ko pa rin si Linaria. Balak ko sanang magpasundo na lamang sa kapatid ngunit hindi pwedeng iwan ko si Inari dahil lagot ako.
Maya't maya kong tinutuktok ang ulo ko para hindi makatulog sa may shed.
Bakit kasi ang tagal ni Linaria, eh?
I groaned when my head hit something hard. Nagising ang diwa ko dahil doon. Nang lingunin ko ito ay nakita ko ang balikat ng kung sino man.
I immediately distanced myself. "Sorry..." I muttered.
Hindi lamang kami ang naroon kaya labis ang pagkapahiyang nararamdaman ko.
Ramdam ko na nilingon ako nito kaya't napalingon din ako sa kaniya. A pair of familiar deep blue eyes met mine. Si Linnaeus!
She just stared at me. Iyon lang.
Looking at her heavy eyes, alam ko na agad na inaantok din ito.
Naputol ang pagtititigan namin nang tumunog ang cellphone ko. Nabasa ko ang pangalan ng kaibigan.
linariella:
mauna ka na, mamaya
pa matatapos 'to
ik inip ka na
pasundo ka na din kay winhiraya:
okay
pasundo na lang din ba
kita kay win
???*She replied immediately.
linariella:
wag na
sasabay ko kay drei
ingat!Napalingon ako sa katabi ng mapansing tumayo ito. Lumapit ito sa isang kakatigil lang na sasakyan.
Mayamaya pa ay lumingon ito sa akin.
She sighed."Need a ride?"
- • -
꒰⑅ᵕ༚ᵕ꒱˖♡
YOU ARE READING
Dandelions
Ficção AdolescenteHiraya never thought she'll fell in love with someone else while having relationship with Max. - • - Photo used in the book cover is not mine. Credits to the rightful owner. #gl