Chapter 8

0 1 0
                                    

THIRD PERSON POV

"DID YOU GAVE TO HER?" She ask the moment I put my feet in her office.

"Yeah." Maikling sagot ko at umupo sa visitors chair.

Pinagmasdan ko ito at nakitang
nakatingin sa malayo. Malalim nanaman ang iniisip.

"Why don't you just introduce yourself to her?" Suhestiyon ko dahil pinahihirapan niya lang ang sarili niya. Segundo ang lumipas bago niya ko sinagot.

"It's not the right time." Simpleng sagot nito. Napabuntong hininga nalang ako dahil laging ganyan ang sagot niya.

"Hindi ko na matandaan kung pang ilang beses mo nayan nasabi. Palaging ganyan ang sagot mo." nakaismid na sabi ko at tiningnan lang ako nito.

"Hindi ko rin alam kung bakit kailangan mong paulit ulit na ipaalala sakin na magpakilala nako sakanya." Walang emosyong sagot niya, tsaka upo sa swivel chair at tumingin ng diretso sakin, napabuntong hininga nalang ako.

"Okay, okay, Hindi na kita pakikialaman pero tandaan mo, hindi sa lahat ng oras kaya mong itago sakanya ang lahat, darating at darating ang araw na malalaman niya ang sikreto mo." Pagkasabi non ay tumayo nako, handa na sanang umalis ng mag salita ito na nakapag patigil sakin.

"Sana mapatawad niya ko." Bulong niya. Hindi nako nagsalita at napailing nalang ng makitang nakatingin nanaman siya sa malayo.

"I'm going." Imporma ko dito at tuluyan ng lumabas sa lugar nayon.

Pag labas ko ay kinuha ko ang cellphone ko sa loob ng dalang bag at may tinawagan, sinagot naman nito agad iyon.

"Simulan niyo na." Pagkasabi ay pinatay ko na at sumilid sa sasakyan kong nag hihintay.

Nang paandarin na ito ay napangiti nalang ako habang nakatanaw sa pinanggalingan at umiling iling.


DIEL POV

PAGPASOK sa bahay ay nadatnan ko si tatay na nanunuod parin. Lumapit ako dito para sana mag mano nang magsalita ito.

"Bakit ngayon kalang?" Tanong nitong hindi manlang lumilingon sakin.

Sasabihin ko ba yung nangyare o wag nalang?

"M-may nangyare po kase, Tay." pilit itinatago ang kabang sabi ko.

"Anong nangyare?" Seryosong tanong nito na hindi tumitingin.

"Nagkagulo po tay, may nakapasok na hindi kilala at kailangang ayusin kaya medyo natagalan." Hindi makatinging sagot ko.

"Hmm." Lang ang sinabi nito sabay tingin sakin, Lalo akong di mapakali pero ibinalik niya agad ang atensyon sa panunuod.

"Sige po tay, mag papalit lang ako at ihahatid kuna kayo sa kwarto niyo." Sabi ko na tinanguan lang nito kaya dumiretso nako sa sariling silid.

Pag pasok sa kwarto ay don ko lang binitawan ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan. Napailing nalang ako at nagpalit na ng damit tsaka lumabas.

"Halika na po, tay." Sabi ko kay tatay pagkalapit at inalalayan itong makatayo. Hinatid ko lang ito sa sariling kwarto at lumabas na ulit para patayin ang TV tsaka dumiretso sa sariling silid.

Pagkahiga ay naalala ko ulit yung nangyare kanina.

"Hindi ko manlang nakilala yung tumulong sakin" Pagkausap ko sa sarili habang nakatingin sa bubong.

Nakapag pasalamat manlang sana ako

Ipinilig ko ang ulo ko pakaliwa, kung saan nakalagay ang mga mga gamit ko sa maliit na lamesa ng mahagip nito yung bag ko kanina at maalala yung binigay na sobre ni Clarisse, kaya dali-dali akong umupo sa kama para abutin ito.

When I Met you Where stories live. Discover now