Chapter 7

0 1 0
                                    

DIEL POV

PAPALIT palit yung mata ko kay Perl at dito sa dalawang panget. Kapag tumitingin ako kay perl ay sinesenyasan ko siyang tumayo ng palihim at feeling ko ay nakuha naman niya dahil tumayo siya ng dahan dahan.

Nakatalikod yung dalawang Panget  sakanya kaya hindi siya napapansin.

Nasan naba yung daan paalis dito sa lugar nato?

"Bakit hindi kana makasagot miss beautiful?" Nakangising tanong nung lalaking humawak ng kamay ko.

Sige lang ako sa atras at diko na alam kung san nako nadadala ng paa ko. Pinapanalangin ko nalang na sana ay makatakas na si perl dito at makahingi ng tulong.

Nung tingnan ko ulit si perl ay bigla na siyang tumakbo papunta dun sa isang sulok. Hindi ko napansin na may pintuan pala dito.

Nakita siguro nitong dalawang panget na nakatingin ako sa pwesto ni perl kaya napatingin din sila dito at ng makitang nakatakas ito ay biglang sumigaw yung Isa.

"Habulin mo bilis!" Sigaw ng mas matangkad na lalaki dun sa isa pang lalaki na sumunod naman agad.

Ngayon kaming dalawa nalang ang natira at mas lalo niya pang binilisan ang pag hakbang niya kaya wala nakong choice kundi humarap sa likod ko at tumakbo, pero natigil ako sa akmang pagtakbo dahil pader na pag harap ko.

Narinig ko ang matunog niyang pagngisi kaya humarap ulit ako dito at pag harap ko ay nasa harapan kuna siya.

Akmang tatakbo ako palihis ng bigla niyang hawakan ang kamay ko at hinigit niya ko papalapit sakanya. Hindi mako nakapalag agad dahil ang lakas at ang higpit ng hawak niya.

"Ano ba!" Sigaw ko habang nag pupumiglas. Sa sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko ay wala akong nagawa nung kaladkarin niya ko.

"S-saan moko dadalhin?" Kabadong tanong ko habang hindi tumitigil sa pag pupumiglas.

"Wag kang malikot kung ayaw mong masaktan!" Galit nitong sabi.

Hindi nalang ako nag ingay at sinisi nalang ang sarili kung bakit hindi pumayag nang mag prisintang sumama si Dridge.

Lord tulungan niyo po ako dito sa Panget nato.

"Bitiwan moko!" Sigaw ko ulit dahil dinadala niya ko sa may mas madilim ng lugar.

"A-anong gagawin mo?!" Kinakabahang tanong ko dahil bigla niya kong binitiwan kaya napasalampak ako sa may lupa at inuumpisahan na niyang tanggalin yung sinturon niya.

Nakangisi siya saking nakatingin habang dahan dahan niyang tinatanggal yung sinturon ng pantalon niya at parang gusto kong maiyak dahil wala man lang akong magawa.

"Tulooooong!!!" Malakas na sigaw ko dahilan para manlaki yung mata niya at matigil sa ginagawa tsaka lumapit s sakin at hinawakan yung buhok ko at sapilitan akong inihihiga sa damuhan.

Ngayon naiiyak na talaga ko. Bakit kailangan mangyari to? Gayong nandito lang naman ako para mag saya?

"Bitiwan moko!" Pag pupumiglas ko habang umiiyak na talaga dahil hinahalik halikan niya na yung pisnge ko.

"Ano ba! Bastos!" Sabi ko pa na walang tigil sa pag pupumiglas.

"Kahit anong sigaw mo ay walang makakarinig sayo rito!" Sigaw nito at sinampal ako ng pagkalakas lakas.

Nalasahan ko yung sarili kong dugo dahil sa ginawa niya. Sana ay may mapadpad dito at matulungan ako.

"P-please, b-bitawan moko." Nag mamakaawa ko ng sabi habang patuloy ang daloy ng luha sa aking pisnge.

When I Met you Where stories live. Discover now