Chapter 2

1 2 0
                                    

DIEL POV

KATATAPOS lang ng shift ko at inaayos kuna ngayon yung gamit ko para makauwi na. Hanggang alas siyete lang kase ako.

"Uuwi kana Diel?" Tanong ni Miguel habang busy sa pag aayos ng sariling gamit, naghahanda narin sa pag uwe.

"Oo" maikling sagot ko na sumulyap lang sakanya dahil nakatuon ang atensyon sa gamit.

"Sabay ka nalang sakin nang maihatid na kita" Sabi niya na tumigil na sa pag aayos dahil tapos na at tumayo sa tabi ko tsaka harap sakin.

Tiningnan ko siya pagkatapos kong ayusin yung sarili ko.

"Wag na mapapalayo kapa kaya ko naman ang sarili ko" sagot ko na sinukbit sa balikat yung bag.

"Ayos lang sakin at gabi narin baka mapano ka"

"Huwag na ano kaba, salamat nalang at tsaka sasakay naman ako may dadaanan lang ako saglit at uwe narin."

"Ganon ba"

"Oo, kaya sige, bukas nalang ulit ingat kayo una narin ako, Bye." Paalam ko dito at lumabas na.

Yung iba naman ay nag ayos narin para umuwe.

"Oh sige ingat karin ah? Text text nalang" Sabi niya na sinukbit narin sa balikat yung bag.

Tumango lang ako at pag labas ko ay nadatnan ko sa labas yung iba naming kasama.

"Una nako sainyo bukas nalang ulit" Sabi ko sa kanila pagkalapit ko.

"Ingat ka diel" Sabi ni Perl tinanguan ko lang siya.

"Ingat diel" Sabi naman ni Jess. Ngumiti lang ako sakanya.

"Ingat" Sabi ni rode. Tumango lang rin ako.

"Ingat rin kayo. Mauna nako sainyo kita kita nalang tayo bukas." Sabi ko na nag lalakad pa papuntang pintuan habang nakangiti sa kanila.

Nasalubong ko pa yung iba naming katrabaho na nagsisidatingan na dahil mga pang night shift ito.

"Ingat!" Pahabol pa nila. Naiiling na lumabas nalang ako sa coffee shop.

"Sana kumain na si tatay" bulong ko habang nag lalakad.

Ito na ang palagi kong ginagawa pagkatapos ng trabaho. Maglalakad pauwi para bawas gastos.  Ayos lang naman dahil hindi eskinita ang dadaanan ko. Di kagaya nung iba na eskinita at marami pang tambay ang nakaabang. Dito, mga guard ang nakabantay kaya panatag ang loob ko.

Aaminin ko mayroon ring pagkalayo ang bahay namin dahil unang una dadaanan ko pa ang isa pang village na katabi ng village namin at kapag nasa village na namin maglalakad nanaman papasok dahil nasa pinaka dulo yung bahay namin.

Malapit nako ngayon sa katabing village ng village namin at natatanaw kuna si kuyang guard na laging nakabantay sa village nayon.

Hanggang sa makalapit nanga ako sakanya.

"Hi kuya" bati ko dito na nag tataka dahil hindi siya yung laging nakikita ko dito kapag dumadaan ako.

Bago kaya siya?

"Oh, ija gabi kana" Sabi nito sakin.

"Oo nga po eh. pang hapon po kase ang trabaho ko hanggang alas siyete. Bago po ba kayo dito?" Sabi ko na nag tatanong habang may kinukuha sa bag.

"Ay oo bago ako dito, pinalitan na kase si Berting."sagot niya ng nakangiti at tinutukoy ay yung dating guard na nag babantay dito na lagi kong nadadaanan.

"Ahh, Kaya po pala" Ang naisagot ko nalang.

Ngumiti lang siya sakin sabay tanong.

"Ayos kalang ba na mag lakad ng mag isa? Gusto mo ihatid kita? San kaba nakatira?" Sunod sunod na tanong nito kaya inilingan ko lang ito at ngumiti.

When I Met you Where stories live. Discover now