12. The Unexpected Offer

422 32 43
                                    

Lily's Point of View



"Success?"







Tiningnan ko nang masama si Rochelle na nakataas pa ang dalawang kamay niya at naka thumbs up. Wala na rin yung mata niya sa sobrang pagkasingkit nito dahil nakangiti pa siya sakin. 









Nang makalapit ako sa kanya ay agad kong hinila ang dulo ng buhok niya na agad niyang dinaing.









"Aww! Lily naman! Mag alcohol ka naman muna! Kaka tae--"








"Bwisit ka! Hindi ako nag number two!"









Natigilan naman siya saka tumingin sakin. "Weh?"







Hihilahin ko na sana ulit ang buhok niya pero mabilis siyang nakalayo sakin at saka binelatan pa ako! 









"Sige nga! Tingnan natin kung mahahabo--ackk!"















Napangiti ako nang malapad nang makita kong nasa likod na ni Rochelle si Kelly at mabilis na pinulupot ang braso nito sa leeg ng intsik naming kaibigan! Ayun. Choke siya eh!













"Practice diba? Bakit nakikipag habulan ka?"










"T-Thung-enhamhho! Accck!"








Halos maglupasay nako sa kakatawa dahil sa nakikita kong posisyon nila Kelly at Rochelle. Si Rochelle ay pilit na pumapalag sa pagkaka-headlock sa kanya ni Kelly. Yung dalawang paa niya naka lutang na sa ere! Si Kelly naman parang demonyo dahil sa ngiti niya habang tuwang tuwa na nahihirapan ang kaibigan naming intsik! HAHAHAHA! 










"MONTEFALCO! CHEN! ANO BANG GINAGAWA NYO?!" Yung coach ni Kelly na parang mauubusan na ng buhok dahil sa sobrang stress ang nakatingin sa direksyon namin ngayon. 









Mabilis na binitawan ni Kelly si Rochelle na halos lumuwa na ang mata dahil sa ginawa sa kanya ni Kelly. 







Kahit pigil ang tawa ay agad kong nilapitan si  Rochelle na hanggang ngayon ay habol parin ang paghinga. Nakatukod ang dalawang palad niya sa tuhod niya. Si Kelly naman ay mabilis na tumakas pabalik sa mga team niya na parang wala siyang ginawang kasamaan!  Pero paglapit niya sa coach niya agad syang pinalo ng paper clipboard sa ulo. Ayan. Butinga!








"N-Nakita ko yata si L-Lola ng mga two seconds..K-Kinawayan niya ako Ly.." Mahinang sambit ni Rochelle habang tulala. 






Kunwari'y nag aalala ako na hinawakan siya sa likod at hinimas yon, kahit sa loob loob ko gusto ko nang mahiga kakatawa dahil sa hitsura niya lalo na ng sabihin niyang nakita niya na ang Lola niyang matagal nang namayapa! 







"N-Nag hi lang yun s-sayo.." Tangina! HAHAHAHAHA! 







Pakiramdam ko mas mauuna pakong mamatay kakatawa dahil sa dalawang to! Kanina lang halos kainin nako ng kaba ko, ngayon naman parang mauubusan nako ng hangin dahil sa dalawang kaibigan kong to! Bakit naman ganito to sila?!



______________

SOMEONE'S POINT OF VIEW



Ah... there she is. She looks even more beautiful when she laughs. The world around us brightens, just for a moment, with each giggle she lets out. Her laugh—feels like it's tickling me. I can't help but wonder what it would be like to keep those smiles, to capture them somehow... keep them in a frame, where I can see them every day. They're too beautiful to be lost in the moment.


Dancing With The Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon