3. The New-Old Student?

508 40 3
                                    

Lily's Point of View

Maaga akong nagising kinabukasan. Gusto ko kasing dalawin muna si Luna sa clinic bago pumasok. Gumawa rin ako ng sandwich para kay Doc Cathy at para narin samin ni Kelly.

"Ang aga mo."

Tiningnan ko si Kelly na bagong gising at pupungas-pungas pa na lumabas ng kwarto nya.

Mukhang nagising ko siya dahil sa ingay na ginagawa ko rito sa kusina.

"Pupunta kasi akong clinic. Dadalawin ko si Luna bago pumasok." Sagot ko sa kanya. Nilagay ko na sa isang paper bag ang gawa kong sandwich.



"Sama ako. Maliligo lang ako." Pagkatapos sabihin iyon ni Kelly ay naglakad na ulit sya papasok ng kwarto nya.

Nagkibit balikat nalang ako at umupo sa sofa para hintayin siyang matapos. Maaga pa naman kaya may oras pa akong hintayin siya at para hindi rin kami ma-late na dalawa.

__________

"Sorry na, please?"

Tiningnan ko ng masama si Kelly habang nakasandal sa upuan ng kotse nya. Hindi nya pa pinapaandar ang kotse kaya mas lalo akong naiinis.

Pano kasi ay isang oras at kalahati yata ang inintay ko para lang matapos sya sa pag aayos nya ng sarili nya!

Kaya naman pala sobrang tagal nya dahil todo na naman pala ang make up at pustura ng bruha na to! Bagay naman sa kanya ang ayos at suot nya pero kaya nga inagahan ko ang pag gising para sana mas matagal kong makita si Luna kaso itong babaitang to, nakipag usap pa yata sa sarili nya sa salamin kaya lahat ng oras nakain nya na. Ngayon may kalahating minuto nalang siguro ako bago ang unang klase ko ngayong umaga.



"Bakit naman kasi ang tagal mo? Sabi ko sayo dadalawin natin si Luna eh!" Pagmamaktol ko. Naiinis talaga kasi ako. Ang sarap isako nitong babaeng to. Kung hindi ko lang naalala na nakatira ako sa condo niya baka pinalayas ko na siya eh.Joke.





Umayos ng upo si Kelly at nakita kong binuksan na nya ang makina ng sasakyan. Bahagyang kumunot ang noo ko nang makita kong napapakagat sya sa ibabang labi nya na parang pinipigilan nyang mangiti.





"Hindi kaya dahil kay Doc Cathy yan?" Paghihinala ko.


Hindi naman kasi ganun katagal ang pag aayos nya dati. Napansin ko rin parang napadami yata ang paglalagay nya ng pabango sa sarili kasi grabe eh! Umiikot sa loob ng kotse ang pabangong gamit nya. Mabango naman pero parang gusto ko na ng sariwang hangin bigla. Para akong nasu-suffocate sa amoy.



Mas lalo kong nakumpirma ang hinala ko nang nakita kong namumula na ang mukha nya!


"Sabi ko na eh!" Babatukan ko sana sya nang bigla syang yumuko at sinandal ang ulo nya sa manibela. Hindi ko alam kung maiinis bako o matatawa dahil narinig ko syang mahinang umiirit na parang dagang malapit nang mamatay.


Ano ba yun? Kinikilig ba sya o ano?!



"Kelly ano ba!" Gusto ko na talagang sabunutan ang babaeng to. Habang tumatagal ang pag stay namin dito sa parking lot ng condo,mas umiikli ang oras na pwede kong makita si Luna!




"Kasi naman eh! Kailan ka pa naging brainy?!" Eksaheradang litanya nya.


Nang gigigil kong hinila ang dulo ng buhok nya kaya napadaing na naman sya sa sakit.

"Alam mo, palagi mo nalang akong sinasaktan!" Nakangusong tampo nya.

Hinilot ko ang sentido ko at sumandal nalang din sa upuan. Ang aga aga parang napapagod ako sa babaeng to.


Dancing With The Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon