Lily's Point of View
"Sayo talaga yan?"
Saglit na natigilan ang babaeng katabi ko at parang ina-analyze nya pa ang sinasabi ko.
"Ang alin?" Mababang tanong nya. Bahagyang nakakunot ang noo niya habang nakatitig sa akin.
"Y-Yung mata mo. Sayo ba talaga yan?" namamanghang tanong ko. Ngayon lang kasi ako nakakita ng ganyang kulay na mata.
Alam kong nakakatanga yung tanong ko at hindi ko alam kung bakit yun ang lumabas sa bibig ko pero wala na eh, Nasabi ko na. Sana sagutin niya nalang.
Umayos sya ng upo at sumandal sa upuan nya saka sya tumingin sakin na para akong isang Alien. Mas lalong nagsalubong ang makapal niyang kilay.
"You.. don't remember me?"
Mas lalo akong naguluhan sa sinabi nya. Kilala ko ba sya? Parang ngayon ko lang naman sya nakita. At kung kilala ko sya, malamang di ko makakalimutan ang kulay ng mga mata nya.
"Anong--"
"How's your cat?"
Natigilan ako. Pakiramdam ko unti unting nawala ang dugo sa buong mukha ko sa sinabi nya. Titig na titig sya sakin.
"Did she survive or not? Tama ako hindi ba? Na mamamatay din naman sya." she smirked at me.
Ang kaninang namamangha kong reaksyon ay napalitan ng pagkatulala. Parang unti unting nanumbalik ang nangyari kahapon. Ang mga dugo ni Luna. Ang pag iyak ko at ang mga daing ng pusa ko habang pilit na ginagamot ang mga sugat niya.
"I-ikaw yun.." Bulong ko. Tama lang para marinig nya.
Blangko lang syang tumingin sa akin. Nawala narin ang ngisi niya sa mga labi. Pero mas nakakatakot na siyang tingnan ngayon. Dahan dahan nyang nilapit ang mukha nya sa mukha ko. Hindi ko alam pero para akong naestatwa sa pwesto ko at hindi makagalaw.
"You should've just trusted me. You knew she was going to die, didn't you? Nasayang lang ang effort mo." Pakiramdam ko nagtaasan ang lahat ng balahibo ko sa sinabi nyang yun.
Doon ako tila binuhusan ng malamig na tubig at agad na tumayo. Kaya lahat ng atensyon ay napunta sa akin. Tumahimik din ang buong paligid dahil naglikha ng ingay ang upuan ko. Hindi ko pinansin ang mga tao sa paligid at nakatingin lang ako sa babaeng katabi ko na hanggang ngayon ay di rin inaalis ang tingin sa akin. Parang wala din syang pakialam kahit na nakatingin na sa amin ang mga kaklase namin. Wala akong mabasang kahit na anong emosyon sa mukha nya.
"Miss Stevens, what's the problem?" Baling na tanong sakin ni Prof Gia. Hindi ko sya pinansin. Nakakuyom lang ang kamao ko at ngayon ko lang napagtanto na kanina pa pala naka igting ang mga panga ko sa galit.
Ngunit sa loob ko ay gusto ko nang tumakbo palayo sa kanya. May kung anong epekto siya sakin na nakakapag panginig ng buong kalamnan ko.
"Ikaw ang babaeng yon." Ulit na sambit ko sa babaeng ito.
Unang akala ko, ang naglibing kay Luna ay hindi student dito sa Univesity. Akala ko nakapasok lang yun na wala sa pag iisip. Pero tingnan mo nga naman ang pagkakataon. Nandito sa tabi ko ang babaeng ito.

BINABASA MO ANG
Dancing With The Psychopath (GL)
Mistério / Suspense(GXG - MATURE 🔞 - DARK ROMANCE) For you, what is love? Is love happiness or sacrifice? A form of freedom or a prison? Is it right to love someone so much-even if that overwhelming love causes you to forget your own worth? Is it fair to use the phr...