6. Unveiling The Monster

407 36 6
                                    

• TRIGGER WARNING! •

The following chapter contains depictions of drug use, torture, rape, sexual abuse, and violence. These themes may be distressing or triggering to some readers. Please proceed with caution or skip this chapter if you feel uncomfortable. Thank you.

___

Lily's Point of View



"Hindi na yata mahahanap ang necklace mo, James.."

 

Tawag ko sa binatang nakatalikod sa akin. Hindi ko alam kung saang banda na kami ng bundok dahil wala na akong gaanong makita. Pero sa tingin ko dito lang din kami banda sa kung saan kami nagtanim kanina. Madilim na sa paligid at tanging flashlight lang ang dala namin. 




At ang bobo ko rin sa part na hindi ko dinala yung phone ko.




Mag iisang oras na kaming naghahanap.Kanina ko pa nga siya inaaya na bumaba nalang muna kami para naman makahingi kami ng tulong sa iba pa naming kasama. Pero talagang desidido na syang mahanap yon lalo na't nandito naman na daw kami. 




"I'm sorry, Thalia. Kung nadamay pa kita sa katangahan ko." mahinang sambit niya. 




Natigilan ako at binaling ko ang tingin ko sa gawi niya. Nakayuko siya sa lupa pero hindi na siya gumagalaw. 




"Okay lang James, Ginusto ko rin naman na tulungan ka. Pero sa tingin ko kailangan na muna nating bumaba para makahingi pa tayo ng ibang tutulong sa atin." 





Totoo namang sarili kong desisyon ang tulungan sya at hindi niya naman ako pinilit. Kanina ko pa nga kinakastigo ang sarili ko dahil sa katangahan kong yon. Pag nandito si Kelly panigurado bubulyawan niya ako dahil basta basta nalang ako sumasama sa taong hindi ko naman lubusang kilala. 






Parang kusa nalang din kasi na lumabas sa bibig ko ang tulungan siya dahil kita ko naman sa mga mata niya kanina ang sobrang pagkataranta. Meron din kasi sa loob ko na bigla akong naguilty dahil ilang beses ko siyang iniiwasan. 





Huminga ako ng malalim. Dapat talaga lagi ko nalang kino close ang aking mouth. Para hindi nako nakakapag offer pa ng kung ano ano eh. Tumingin ako sa paligid. Ang dilim na talaga. Malakas din ang ihip ng hangin na nakakapag dagdag kaba sa akin. 






Tanda pa kaya namin ang dinaanan namin kanina? Hindi naman siguro to tulad ng mga horror movies na may bigla nalang susulpot na nakamaskara tapos dalhin kami sa liblib na lugar at bigla kaming kakatayin no?












"Thalia."






"SHIT!" muntik pa akong mapatalon sa gulat nang may bigla nalang na nagsalita sa likod ko. 





Si James na nakatayo na pala sa likuran ko, tinapat ko sa mukha niya ang flashlight na hawak ko. Hindi manlang siya nasilaw sa ginawa ko. Nakatitig lang siya sakin ng seryoso. Bigla akong kinabahan. Sinilip ko ang pinanggalingan niya.  Kanina lang kasi nandun sya sa kabila. Iniwan niya pa ang flashlight niya doon.  





Lihim akong napalunok at ngumiti sa kanya ng bahagya. Para kasing nag iba ang aura nya sa paningin ko. Ang laking tao talaga nitong si James. 






"N-nakita mo na?" tanong ko sa kanya at pilit na kinakalma ang aking sarili.







Hindi siya sumagot. Mas lalo tuloy akong kinabahan sa inaasal niya. Hindi ko alam kung guni guni ko lang ba yon pero napansin ko na namumula na ang mata niya. Umiyak ba siya? 






Dancing With The Psychopath (GL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon