(GXG - MATURE 🔞 - DARK ROMANCE)
For you, what is love?
Is love happiness or sacrifice? A form of freedom or a prison?
Is it right to love someone so much-even if that overwhelming love causes you to forget your own worth? Is it fair to use the phr...
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
-KELLY-
Lily's Point of View
"Hindi naman kayo nakikinig sakin eh!"
Tiningnan ko si Rochelle na nagkakanda haba na ang nguso dahil sa amin ni Kelly. May kinukwento kasi sya na hindi ko maintindihan dahil nasa ibang lugar yata ang isip ko ngayon.
"Will you please be quiet for a moment, Rochelle? Ang sakit talaga ng ulo ko dahil ang dami naming nainom kagabi." Tinaas ni Kelly ang ulo nya mula sa desk na pinag yuyukuan nya.
"Eh bakit kasi pumapasok pasok kapa? Nakakadiri ka alam mo yon? Lunes na lunes amoy alak ka! Eww." Maarteng asar ni Rochelle kay Kelly na inirapan lang naman sya ng huli saka ulit yumuko.
Ang totoo niyan, buong weekend wala si Kelly sa condo. Ang huling paalam niya sakin na mag ba-bar hopping daw sila, sa La Union daw pala yon kasama ang buong team niya. Kaninang umaga lang siya nakauwi at dumiretso na sya dito sa university dahil muntik pa syang malate. Kaya ayan, mukha siyang sabog ngayon. Grabe ang walwal nila. Buti nalamg di ako sumama.
"Lily, pati ikaw? hindi ka rin nakikinig sakin?"
Di ko maiwasang matawa nang hawakan ako ni Rochelle sa braso at parang naiiyak na. Si Rochelle talaga ang parang baby ng barkada. Ang baby intsik namin. Hahaha!
"Ano ba yon?" Natatawang tanong ko sa kanya.
"Anong ano ba yon? Kanina pako nagsasalita dito eh. Di ka naman nakikinig. Tingin ka nang tingin dyan sa pinto ng classroom. May inaabangan ka ba?"
Bigla akong natigilan at unti unting nawala ang ngiti ko sa labi. Ganon ba ko ka obvious na inaantay ko si Eri?
"W-wala akong inaabangan. T-tinitingnan ko lang kung dadating na ba si Prof Gia. Siya last subject natin diba.."
Mabilis akong yumuko at kuwari ay may binabasa sa notebook ko. Pilit kong kinakalma ang nagwawala kong puso. Pano, maisip ko lang ang babaeng yon, parang magkaka heart attack kaagad ako.
Buong araw ko siyang inintay ngayong lunes pero wala siya. Ni anino nya hindi ko nakita. Noong sabado ng umaga din na pag gising ko, wala na sya sa tabi ko. Ni walang paalam o ano. Natulog ako na magkayakap kami pero nagising ako na wala na sya.
Para akong na-Isang Linggong Pag-ibig nito. Joke.
Tapos ngayon naman mukang di na talaga sya papasok. Alas singko narin ng hapon kaya malamang wala ng pag asa na pumasok pa yon. Gusto ko pa sana siyang kausapin kung anong nangyari samin noong biyernes ng gabi pero mukhang hindi ko talaga siya makakausap ngayon. Hindi naman niya ko iiwasan diba? Baka mamaya sabihin niya sakin lasing lang siya non.