Prologue

19 2 1
                                    

#UAPrologue

"Feeling ko talaga, gusto niya ako."

"Sino naman nagsabi? Umamin ba sa 'yo?"

"Hindi. Sabi lang ng mga boses sa utak ko."

Pagod na yata silang lahat sa pagiging delusional ko. Pero ramdam ko naman kasi na gusto niya talaga ako. Hindi naman ako manhid para hindi maramdaman 'yon. At saka, mapapantastikuhan na lang ako kapag sinabi niyang walang meaning lahat ng ginagawa niya sa 'kin.

"Tanga, amputa."

"Ang sakit mo naman mag-salita." Binato ko ng throw pillow si Alex sa mukha pero binato niya 'yon sa 'kin pabalik. Napa-halukipkip naman ako sa sofa habang nakatingin sa mag-jowang naglalandian sa harap namin.

"'Wag puro assume, Lana. Tanungin mo siya sa Thursday. 'Wag ka mag-settle sa mixed signals."

Pakiramdam ko nabagabag ako sa mga sinabi ni Alex. Ayaw ko na tuloy pumasok sa Thursday kasi feeling ko mate-tempt lang ako magtanong. Baka nga wala naman talagang meaning... binibigyan ko lang.

Eeh! Pero kasi...

Pagkatapos ng klase ay niyaya niya ulit ako na mag-lunch sa labas. Since parehas pa naman mamayang 1 pm 'yong klase namin ay pumayag na ako. Ang iniisip ko lang ngayon ay sana 'di ako ma-tempt magtanong sa kaniya ng mga sinabi sa 'kin ni Alex.

"Mag gi-giniling ka na naman?" nagtatakang tanong niya habang umuupo sa harap ko. Ang napili niyang ulam today ay sinigang.

"Shut up, giniling hater."

"Shut up too, picky eater na magiging pork na bukas kaka-giniling."

Tinaasan ko siya ng isang kilay bago ako sumimangot kaya tinaasan niya rin ako ng isang kilay bago umirap at umiwas ng tingin. Aba't?!

"Ano ulit klase mo mamaya?"

"Art Appreciation, babe!" sagot ko bago nagsimulang kumain.

"I mean, what time labas?"

"4 pm pa."

"3 pm out ko. Hintayin kita, sabay tayo uwi."

Napatigil ako saglit sa pag-nguya. See?! Feeling ko talaga, gusto niya ako!

"You sure? Okay lang naman if mauna ka. Baka ma-bored ka kakahintay."

"No, it's okay-"

"Gusto mo siguro ako, 'no?! Yiee!" biro ko pero deep inside, gusto ko na lang sumama sa giniling na kinakain ko ngayon. Nakakahiya!

Hindi siya makasagot agad. Napatigil din siya sa pagkain dahil doon.

Binabalak ko na sanang bawiin 'yong sinabi ko nang magsalita ulit siya. Muntik na ako mahulog sa kinakaupuan ko dahil doon.

"'Pag oo, ano'ng gagawin mo?"

Unexpectedly Assured (HFIT Sequel) (ON-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon