#UA08
Boring ng buhay kapag wala si Ciara!
Ilang araw ko na rin siyang 'di nakikita. Minsan, kunwari nadayo akong Pol Sci para bisitahin kuno si Meeca pero ang totoo, gusto ko lang makita si Ciara pero hindi ko masaktuhan. Laging wala. Laging nasa USC office, laging nasa labas kasi may inuutos si ganito, ganyan! Hays.
Kasabay ko mag-lunch ngayon sina Alex, Meeca at Cali, at kanina pa sila nakatingin sa 'kin. Hindi ko alam kung bakit kaya hindi ko na lang pinansin.
"Tahimik ni Lana, ah?" puna ni Cali sa akin. Nag-kibit balikat na lang ako.
"Break na agad kayo nung crush mo? Anak ng pucha naman, Lana, hindi pa nga kayo, e."
"Shut up, Alex. Wala kang alam."
"Huh? What? Break na talaga kayo?"
"Sinong crush, Lana? 'Di mo pa 'yan pinapakilala sa amin, ah?"
"Wala! 'Wag ka makinig kay Alex, Cali. Hindi rin naman alam niyan kung sino crush ko."
Nang-aasar na ngumiti si Alex. Hindi ko na lang inasar pabalik kasi baka ano pa masabi niya.
Alam ko namang hindi niya ako pangungunahan kasi gusto ko, ako ang magsasabi kina Cali, pero alam kong gagamitin niya 'yong pang-blackmail sa 'kin!
Biglang tumunog 'yong messenger notif ko kaya dali-dali ko 'yong chineck. Tapos biglang... GC!
Kaasar!
"Sino ba nag-chat? Mas lalo lang nangasim mukha ni Lana, e."
Paasa naman. Ewan ko rin kung nasa akin ba mali o na kay Ciara na hindi ako mini-message. I mean... hindi ko alam bakit ako umaasa ng reply niya kahit hindi naman talaga ako nag-message in the first place. Gusto ko lang na mag-first move siya!
Kaso ayaw ko kasi mag-first move. Baka busy siya. Tama, need ko maging understanding bestfriend kasi baka nga naman may ginagawa 'yong tao or nagpapahinga.
Sunod-sunod na 'yong tunog ng messenger ko pero hindi ko na pinansin dahil paniguradong sumasagot lang sa poll 'yong mga kaklase ko sa GC.
Pero dahil umaasa pa rin ako ay chineck ko pa rin.
"Hala, nag-chat nga!" In-off ko pa ang phone ko at nilapag sa mesa bago napatakip ng bibig. Umiling-iling na lang si Alex sa 'kin habang umusisa agad si Meeca at may kung ano-ano pang sinabi ni Cali pero hindi ko na naintindihan. Pagkatapos niya magsalita ay chineck ko ulit phone ko.
Ciara Ree: lunch time
Pigilan ko ang sarili kong ngumiti. Ang simple lang naman nung lunch time tapos kilig na kilig ako, parang tanga naman. Para lang naman akong in-update ni Ciara ng oras. Na kesyo, oras na para kumain kasi baka mag-alala siya sa 'kin 'pag 'di ako nag-lunch, hehe.
Lana Eunice: hi! I'm eating na with my friends. kumain ka na ba?
Ang sweet ko talagang tao. Sana ma-fall na siya sa kumain ka na ba? ko. Para next time, ako naman kainin niya. Rawr.
Joke, beh.
Ciara Ree Castillo sent a photo.
"Ayan. Ayan tayo, e. Wala na, guys, hulog na ako. 'Yong updates niya, with picture na."
"Sana ma-jinx kasi hindi kinukwento sa 'min." Inirapan ko si Cali dahil sa sinabi niya. Epal naman!
Nag-send siya sa 'kin ng selfie niya na naka-thumbs up kasama 'yong kinakain niya na nasa styro. Wow, naka-free lunch na naman siya. Hindi ko na mapigilan 'yong sarili kong mapangiti.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Assured (HFIT Sequel) (ON-GOING)
RomanceThe only thing that Lana wanted is to be loved by someone. Ilang tao na ang dumating sa buhay niya pero ni isa, walang nag-work to the point na kailangan na i-doubt ni Lana ang sarili niya kung nasa kaniya nga ba ang mali. When Lana finally accepted...