#UA06
Ciara Ree: lunch?
"Hala," bulong ko. Pangalawang beses niya na yata 'tong yaya sa 'kin ng lunch pero laging nasasaktuhan kung kelan kumakain na kami nina Cedrick. Nakakahiya naman na iwan ko lang bigla mga kaibigan ko rito para kay Ciara.
Pero in fairness, nakaabot na kaming messenger, haha.
Lana Eunice: eating lunch na w ced and friends ulit :( will make it up to you next time
Ciara Ree: its ok. happy lunch
Ano ba 'yan! Normal typings naman 'yan ni Ciara pero minsan naiisip ko, parang nagagalit siya na ewan. One time nga, na-reply-an niya ako ng "HINDI PA" kaya sabi ko, "bakit ka galit?" na may sad emoji pa. Sabi niya, na-on niya lang daw 'yong capslock sa laptop niya tsaka bakit ko raw naisip na galit siya. Sabi ko, binasa ko kasing pagalit 'yong reply niya.
Lana Eunice: what about later? hintayin ko dismissal niyo!
"Feel ko talaga may boyfriend na si Lana or may ka-talking stage," usisa sa 'kin ni Cedrick kaya napatingin ako sa kaniya. Kita ko ring nakatingin na pala sa 'kin lahat ng kaibigan ko.
"Ano?!" singhal ko.
"Share mo naman 'yan, Lana. From what department ba?"
"Please, sabihin mong hindi 'yan galing sa Engineering department. Red flag ang mga tao doon."
"Baka naman ayaw lang sabihin ni Lana kasi ayaw niyang ma-jinx. Give her time, guys."
"Mga baliw kayo. Kaibigan ko 'to! Wala akong tinatago," natatawang sabi ko. Pinakita ko pa sa kanila 'yong chat head ni Ciara. "See? 'Yong friend ko. From Korean class."
"Tingin messenger."
At dahil mga timang 'tong kasama ko ay pinakita ko nga sa kanila 'yong messenger ko. Bukod kina Alex tsaka sa family ko, puro lang naman GC laman nun.
"Baka kasi sa Instagram ni Lana kausap- or baka sa telegram?!"
"Hala, kabit ka, Lana?"
Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanila bago umiling. Pambihira. Ginawa ba naman akong kabit?!
Naningkit ang mga mata ni Cedrick habang nakatingin sa 'kin... parang sinusuri ako kaya tumaas ang dalawang kilay ko sa kaniya.
"Ano na naman, Ced?!"
"Wala."
Umiling na lang ulit ako bago binalik ang tingin sa screen nang mag-reply si Ciara. Iniwasan ko na lang ang ngumiti dahil papansinin na naman ako ng mga kaibigan ko.
Ciara Ree: meron akong org meeting later so baka mga 4 pa ako matapos. next time na lang if you want para makapag rest ka na din muna
Lana Eunice: oh? hindi ka papasok sa nstp niyo?
Ciara Ree: excused para sa org meeting :)
Lana Eunice: i'll message you later if nasa campus pa ako after ng meeting niyo!
Ciara Ree: ok sure
Saturday kasi now and half-day lang kami since NSTP lang subject namin today. Nag-iisip na lang ako paraan ngayon kung saan ako pwedeng mag-stay kung hihintayin ko tapos ng meeting nila Ciara or ipapa-next time ko na lang.
"'Di ba 4 pa naman dismissal ng class nila Meeca?!"
Mukhang natataranta na rin si Cali sa 'kin kasi kanina ko pa siya niyuyugyog. Nakakairita kasi. Hindi nag-o-online, kanina pa ako nag-message. Edi ang ginawa ko, sinundo ko sa department nila.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Assured (HFIT Sequel) (ON-GOING)
RomanceThe only thing that Lana wanted is to be loved by someone. Ilang tao na ang dumating sa buhay niya pero ni isa, walang nag-work to the point na kailangan na i-doubt ni Lana ang sarili niya kung nasa kaniya nga ba ang mali. When Lana finally accepted...